SPECIAL CHAPTER: Team ReRe

97 1 0
                                    

“Relene, please kausapin mo naman ako oh. Break na kami ni Aya, sinusulsulan ka lang ng mga kaibigan niya para huwag ka pumayag na magpaligaw sa’kin.” habol ni Kaiser sa nagmamadaling si Relene habang dala-dala ang tatlong makakakapal na librong hiniram nito sa library.

“Pwede ba Kai, sinabi ko na sa’yo. Tigilan mo na ako kasi hindi rin ako pinatatahimik ng squad niyang ex-girlfriend mo at isa pa hindi rin naman kita gusto.” naiiritang ani Relene na nagpatuloy muli sa paglakad.

Pinagtitinginan na sila sa malawak na hallway dahil napapalakas ang pagtawag sa kaniya ni Kaiser.

“Rele—” sabay na napatigil si Relene at Kaiser sa paglakad ng humarang ang isang bulto sa harapan nila.

“Ikaw na naman? What are you? A pedo or a groomer?” malakas ang boses na ani Kaiser kaya mas lalong umugong ang mga bulungan sa loob ng campus hallway kung nasaan sila.

Sa halip na matakot ag namulsa pa ang naka smart casual attire na si Reth. “Reth? Anong ginagawa mo dito? Halika na.” pabulong na aya ni Relene sa kapatid ng sister-in-law niya pero hindi ito natinag.

“Mr. Kaiser Villanueva, Relene was not a minor—she’s already twenty three at para rin sa kaalaman mo twenty eight lang ako. Wala akong masamang ginagawa sa kaniya at isa pa tigilan mo ang kakahabol sa girlfriend ko.” nanlaki ang mga matang sinalubong ni Relene ng tingin ang lalaking nakatayo sa harapan niya na saglit ring nagtapon ng tingin sa kaniya sabay kindat.

“What?!” kunot ang noong hindi makapaniwalang si Kaiser. “Relene, totoo ba ang sinasabi ng delulu na ‘to?” paninigurong tanong ni Kaiser habang dinuduro duro si Reth.

“Mahiya ka nga, Kai. Hindi ka naman siguro bingi at huwag na huwag mong maduro-duro ang… boyfriend ko.” tila masasamid siya sa sariling laway sa huli niyang tinuran.

Kinuha naman ni Reth ang tatlong mabibigat na libro sa bisig niya saka masuyong inayos ang buhok niyang nakalugay. “Sana’y tinawagan mo ako para mas maaga akong nakapunta. Kanina ka pa ba kinukulat ng lalaking ‘yon?” mabilis na pinagbuksan ni Reth ang dalaga na kaagad namang pumasok sa shotgun seat.

“Anong ginagawa mo rito?!” pabulong na bulalas niya rito.

Nagkibit balikat ito saka nagmamadaling inilabas ang sasakyan sa loob ng parking lot ng campus.

“Ang sabi mo’y gusto mo akong maging boyfriend? Ginagawa ko lang naman ang responsibilidad ng isang boyfriend—sunduin ang kaniyang girlfriend kaso nataon namang naabutan kong kinukulit ka ng surot na ‘yon.” seryosong hayag nito sa kaniya. “Seatbelt, Maria Relene.” paalala nito sa kaniya habang seryoso sa pagmamaneho.

“Hindi kita gustong maging boyfriend, naisip ko lang ‘yon para tantanan ako ni Kaiser kasi pinag-iinitan ako ng ex niya na hindi pa rin maka move on.” nakanguso ang dalaga kaya naman mabilis na napisil iyon ni Reth. “Aray ah.”

“Huwag ka ngang ngumuso ng ganiyan, naiinis ka ba na ikaw ang pinag-iinitan o naiinis ka dahil wala kayong chance matahimik ng Kaiser na ‘yon kung pagbibigyan mo siya?”

“Hell no. Ayoko sa lalaking dumaan na yata sa karamihan ng babae sa campus. Gusto ko ‘yung one woman man katulad ng mga Kuya ko.” protesta ng dalaga habang nakahalukipkip ang dalawang kamay sa dibdib.

Lihim na napangiti si Reth. “Kain muna tayo. Libre kita bago kita ihatid sa inyo.”

Biglang nagliwanag ang mukha ng dalaga. “Kaya gustong-gusto kita e.”

Napangiti na lamang si Reth sa tinuran ng dalaga saka maingat na nagmaneho papunta sa naisip na lugar na pagdadalahan sa dalaga.



Gustong balibagin ni Relene ng malaking bato ang sarili matapos ng inakto niya kanina nang makasabay kumain si Reth sa sala.

The Unwanted Marriage [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon