TUM 14

76 4 0
                                    

One week already passed mula nang makauwi si Jelena ng Pilipinas at maihatid siya ng asawa. After their disney trip and tour around L.A sa loob ng dalawang araw na extra fun day niya ay kaagad na ring siyang nag-book ng file dahil may aasikasuhin siyang trabaho pag-uwi.

Hindi na sana siya magpapahatid pero mapilit si Razen dahil wala siyang makakasama, si Yeshua kasing kasama niya papunta roon ay nag-extend pa dahil sa request ng friend daw nitong si Anne.

Hindi naman niya inaksaya ang oras niya dahil pagkahatid na pagkahatid sa kaniya ni Razen at pag-alis nito kinabukasan ay nagbalik trabaho na ulit sya. Kaya naman niyang gawin sa bahay ang trabaho pero pumasok pa rin siya sa opisina para hindi na niya kailangang mag-intay sa reply ng boss niya.

Mas maaayos kasi nila ng mabilis at pulido kung sa opisina para nailalapat agad lahat ng suggestions lalo na sa designs at layout. Nakahingang maluwag si Jelena ng ma-approve na rin sa wakas ang magazine lay out niya. Ang printing and publishing department na lamang ang bahala sa huli.

Pagbabang-pagbaba pa lamang ni Jelena ay hinanap na agad niya ang susi ng sasakyan ni Razen, pupunta sya sa bahay nila para bisitahin ang mga magulang at para na rin mag-print sa dark room niya. Ginamit kasi niya ang luma niyang camera at need non na mai-print sa dark room, pwede naman niyang ipagawa na lamang yon sa ibang studio na nagpiprint pa ng ganoon pero mas gusto niyang siya ang gumawa.

Bago tuluyang umuwi sa kanila ay dumaan pa siya sa bahay ng kaniyang mga biyenan at hipag. Hindi na siya nakakaramdam ng kung ano sa mga ito dahil kinausap siya ng asawa bago ito bumalik sa L.A.

“Oh hija.... Namiss ka namin, kumusta naman ang trip? Salamat sa pasalubong niyo ah.” kaagad na salubong ng ama ni Razen at ina.

Nagmano siya sa mga ito. “Magandang umago po, Dad, Mom.”

Sabay sabay silang lahat na pumasok sa loob ng bahay. “Kumusta? Okay ka lang ba sa inyo?”

Tumango-tango siya. “Opo, medyo abala rin po ako sa trabaho kaya hindi po ako nalulungkot. Ngayon lang rin po ako nakadaan ulit kasi sa opisina na po ako nagtrabaho noong nakaraang isang linggo po para po mapabilis po ang tapos. Kayo po, kumusta po kayo dito?”

“Nako, hija. Kababalik balik lang rin namin noong isang araw. Galing kami sa Silang ng Dad mo at binisita namin ang farm.” magiliw ang ginang sa pagkukwwento.

“Nak, gusto mo bang sumama sa amin sa susunod? Aba, masaya doon. Maganda ang tanawin, kapag stress ka ay ayain mo lang kami ng mommy mo at ililibot ka namin sa farm.”

Kaagad namang nagliwanag ang mata ni Jelena. Gustong-gusto talaga niyang makita ang farm ng mga Escalante pero nahihiya syang magsabi sa asawa dahil di naman naiba ang pakikisama niya rito. Ilag pa rin siya madalas sa lalaki.

“Sure po, kapag po free na ako at wala rin pong pasok si Relene.”

“Nak, nag-enjoy ba kayo ni Razen? May aasahan na ba kaming apo?” nagsimula na naman ang biyenan niyang babae.

“Ano ka ba naman Aira, huwag mo naman i-pressure at mga bata pa naman sila.”

Napangiti si Jelena. “Ayos lang po, Dad. Pasensya na po pero alam naman po ninyo bakit kami naikasal ni Razen. Hindi naman po namin kagustuhan 'yon at sorry po kasi naging hadlang po ako sa kabinataan ni Razen.” napayuko si Jelena sa hiya.

Kaagad na tumabi sa kaniya ang ina ni Razen. “Nak, kahit kailan hindi namin inisip na dahil sa nangyari kaya lang may kasalanang naganap. Masaya kami na ikaw ang napangasawa ng anak namin.” hinahaplos nito ang buhok niya.

“Saka, Nak. Kahit man lang ba kaunti wala kang nararamdaman para sa anak namin? I mean, I'm sorry pero hindi sa pinepressure ka namin—ang amin lang malay nyo naman pagtagal matutunan niyo ring mahalin ang isa't-isa hindi ba? Kilala ko ang anak ko, nak. Maniwala ka sa akin, kung may pag-aalinlangan ka sa kaniya dahil sa karanasan mo sa ibang lalaki—ibahin mo si Razen. 100% anak, mamahalin at aalagaan ka mabuti ng aming anak.” paniniguro ng ama nito.

The Unwanted Marriage [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon