Mabilis na napag-igtad ng bangon si Jelena ng mamulatan ng kaniyang mata ang isang hindi pamilyar na kwarto. Kaagad niyang sinuri ang paligid ng malaking kwarto, sa queen size bed siya nakahiga kanina.
Hinanap ng kaniyang mga mata ang hand bag niya, naroroon ang cellphone niya. Nang hindi makita ay pandalas siyang tumayo at pinagbubuksan ang mga closet na naroroon maging ang mga maliliit na wooden cabinet.
Mga damit lang na pambabae at panlalaki ang naroroon. Mabilis na pinasok ni Jelena ang comfort room ng kwarto, kumpleto ang nga gamit doon at pares nangamit ng lalaki at babae ang naroroon.
Sinubukan niyang pihitin ang seradura ng pintuan ng kwarto, nanlaki pa ang mga mata niya ng malamang hindi naka-lock 'yon. Wala siyang sinayang na sandali at kaagad na lumabas.
“Nasaan ba ako?” mahinang tanong niya sa sarili ng makita ang kalooban ng malaking bahay. The house is a modern classic interior design na mayroon white black theme maging sa mga furnitures.
Sinilip niya pang mabuti ang kabuuan ng sala mula sa itaas kung nasaan siya. Nang masigurong walang tao ay dali-dali si Jelena na bumaba dahil nakita niya ang handbag niya sa may couch.
Hindi pa man niya lubusang nahahawakan ang handbag ay nalipat naman ang paningin niya sa sticky note na nakadikit sa magazine, ang magazine na sila ng dating boss niya ang gumawa.
Don't be afraid, you're safe here. Meet me outside our house. I'll wait for you there.
Iyon lamang ang laman ng sulat kamay na liham pero parang tinatambol ang puso ni Jelena. Umaasa lang ba siya o talagang sulat kamay ng asawa niya ang nakikita niya sa sticky note na ito na nasa magazine pa ng asawa nakadikit.
Kinakabahan siya, hindi kaya pakulo ito ni Harold. She was kidnapped at malabong gawin 'yon ni Razen.
Natatakot man sa kung sinong kikitain niya sa labas ng nasabing bahay, Sumugal pa rin siya dahil may kung ano sa kabilang bahagi ng puso niya ang umaasang nandito ang asawa.
Mabilis niyang nilakad ang mahabang pasilyo paglabas na paglabas pa lamanng niya sa malaking bahay. May kataasan man ang araw ay hindi iyon mahapdi sa balat dahil sa malakas na hanging sumasalubong sa kaniya.
Habang papalapit ay sumisilay sa kaniyang mga mata ang malawak na dagat di kalayuan pero may nakapukaw ng kaniyang atensyon.
Lalaking nakatalikod sa table na naka set up for two dahil sa upuan na nakalagay sa magkabilang dulo.
“Raze..”
Alam niya sa sariling mahina lamang ang pagkakatawag niya sa pangalan ng asawa pero lumingon ang lalaki sa gawi niya at nginitian siya.
Nang masigurong ang asawa nga ay tinakbo kaagad ni Jelena ang pagitan nila at umiiyak na yumakap rito.
“Bakit umiiyak ka na naman?” hinahaplos haplos nito ang buhok niya habang yakap yakap rin siya.
“You're here. A-akala ko si Harold ang kumidnap sa'kin. Natakot ako kagabi.” mahigpit niyang niyakap ang asawa.
“Pasensya na at kinailangan pa kitang idaan sa ganoong paraan noong nakaraang gabi.”
Dahan-dahang humiwalay si Jelena sa asawa. “Nakaraang gabi? Nakaraang gabi pa ako natutulog?”
Matamis na ngiti ang sumilay sa labi ni Razen. “Uh-hmm, nagising ka naman saglit pero nakatulog ka rin agad. Sorry, napadami yata ang gamot na nailagay konsa panyo. Pero tahan ka na, Happy Birthday Jelena.” doon lamang nakita ni Jelena ang cake na nasa ibabaw ng table.
A cake with a minimal pink floral design. “Razen..”
“I-celebrate muna natin ang birthday mo saka na lang natin pag-usapan ang tungkol sa pinirmahan mo ng annulment paper.” mabilis na nag-iwas ng tingin ang lalaki saka ipinaghila siya ng upuan pero sa halip na maupo ay hindi siya kumilos.
“H-hindi mo ba nagustuhan ang cake na ginawa ko?”
Tinignan ni Jelena ang asawa. “Payag ka na bang ma-annul ang kasal natin?” tila nasasamid siya sa sariling laway habang sinasabi ang mga salitang iyon sa asawa.
“Nasabi naman nila mama sa'yo na sa pagbalik ko malalaman kung dapat ko bang pirmahan 'di ba?” paniniguro ni Razen sa kaniya.
Tumango-tango si Jelena.
“Great. Pipirmahan ko ang annulment kung doon kita makikitang masaya at malaya. Kahit na masakit para sa akin na hindi mo ako nagawang mahalin sa mga nakalipas na buwan mula ng maikasal tayo.” nakangiti pa rin ang lalaki sa kaniya kahit na taliwas sa tono ng boses nito ang sayang ipinakikita sa kaniya ngayon.
“Hindi kita nagawang mahalin? B-bakit? M-minahal mo ba ako, Raze?” nabigla man siya sa sinabi ni Raze ay inabangan niya ang isasagot nito.
“I do, Jelena. Noong araw na ipagkasundo tayo ng kasal sinimulan na kitang mahalin. Umasa lang siguro ako na mamahalin mo rin ako kaya kahit na umuwi ako noon dito sa Pilipinas para kumustahin ang kalagayan mo ay annulment paper ang isinalubong mo sa'kin; hindi ko pa rin pinirmahan ang dokumento. Kahit na parang ayaw na ayaw mong nagdidikit tayo at kahit pa paulit-ulit mo akong tinataboy sa pagsasabi mo ng makakalaya rin ako sa gulong dinala mo— umasa pa rin ako na baka magbago pa ang nararamdaman mo sa'kin at matutunan mo rin akong mahalin.” lumapit sa kaniya ang asawa.
Ito ang unang beses na nakita niya si Razen na umiyak.
“Jelena, sana pagbigyan mo akong makasama ka kahit ilang araw lang dito sa isla. I'm sorry kasi hindi natin nasulit yung mga buwan na lumipas dahil sa project ko. Sorry kahit na unwanted ang marriage na naganap between us ay wala ako sa tabi mo bilang asawa mo.”
“Razen..”
Tumawa itong saglit saka dinampian ang pisnging may umaagos na luha. “I love you, Jelena.”
Walang mahanap na salita si Jelena para mapagaan ang loob ng asawa kaya naman kaagad siyang yumakap dito at hinagod hagod ang likod nito ng dahan-dahan.
“Wala ka ng pipirmahang annulment paper, Razen. Iniatras ko na 'yon at pinagpupunit ko na rin sa harap mismo ng attorney ang annulment paper. Sasama ako sa'yo kahit saan o kahit gaano pa katagal. Hindi totoong hindi kita natutunang mahalin. Mahal din kita, Razen. Please, huwag mo na akong iwan ulit na mag-isa.” mas lalo pang humigpit ang yakap ni Jelena sa asawa.
“Jelena…”
BINABASA MO ANG
The Unwanted Marriage [Completed]
RomanceKailan naging solusyon ang kasunduang kasal para mapagtakpan ang isang kahihiyang matagal ng tinuldukan? Ang pagpapakasal ni sa hinagap ay hindi sumagi sa isipan ni Jelena Alejo, isang magazine writer at photographer. Matapos ang paulit-ulit na kab...