TUM 8
Maganda ang gising ni Jelena kaya naman kahit alas sais pa lang ng umaga ay bumangon na siya. Si Razen ay mahimbing pa rin na natutulog. Habang nag-aayos siyang sarili sa banyo kanina ay tinawagan siya ng biyenan- ang ina ni Razen. Inabisuhan siya nitong sa kanila mag-aalmusal at para get together na rin bago nila ihahatid sa airport mamaya si Razen.
Nasa kalagitnaan ng pagluluto ng kanilang aalmusalin si Jelena ng tumunog ang doorbell ng gate. Pinatay muna ni Jelena ang kanilang digital stove at tinakbo palabas ng malawak na bakuran nila ang gate.
Pinindot lamang ni Jelena ang button na nasa gilid ng gate at kusa ng bumukas ang malaki at malapad nilang gate. She smiled ng makita ang dalawang sasakyan.
Lulan ng unang sasakyan ang dalawang biyenan niya at si Relene na bunsong kapatid nila Kuya Ralph at ng asawa niyang si Razen. Ang huling sasakyan naman ay ang sasakyan ng kapatid niyang si Garrett kasama ang kaniyang ama't-ina.
Nang makapasok at makapag-park na ang dalawng sasakyan, kaagad na sinara ni Jelena ang gate at sumunod na rin sa mga ito.
Bumeso siya sa ama't-ina at sa kapatid, nagmano naman siya sa mga magulang ng asawa niya at yumakap kay Relene.
"Are we expecting for a baby? You look glowing ha." biro pa ng ina ni Razen na ikinatawa nilang naroroon.
"Pasok po tayo." pinauna niya ang mga ito. Sakto namang pababa na ng hagdan si Razen.
"Mom, Dad, Papa, Mama." tawag ni Razen isa-isa sa kani-kanilang mga magulang at isa-isang nagmano roon. Kinamayan naman nito si Reth at niyakap ang kapatid na si Relene.
"Ang aga niyo po napadalaw."
Natawa ang ama ni Jelena. "Napag-usapan kasi sa G.C. kagabi na magbonding tayo at least ngayon bago ka umalis. Ayos lang naman hindi ba?" Tanong ng ama ni Jelena.
"Opo naman. Sorry po, tinanghali po ako ng gising e." hingi ng paumanhin ni Razen sa mga bisita nila.
Sumunod ito sa mga bisita nila na nagpunta na sa kusina. Razen put a kiss on Jelena's forehead habang nag-hahain ito. "Good morning."
"Good morning, Raz." balik na bati ni Jelena kay Razen. Nabigla siya sa ginawa nito pero kailangan nilang galingan sa pagpapanggap para wala ng kung anong usapin na mabuksan.
Nahuli ni Jelena ang nagpipigil na ngiting si Relene at Rett. Aware kasi ang dalawang ito sa pagpapanggap na nagaganap ngayon. Alam naman ng mga magulang nila na walang pagmamahalang nabuo sa kanila pero ng kausapin sila ng mga ito pagkatapos ng kasal, umaasa ang mga ito na matututunan nilang dalawa na tanggapin at mahalin ang isa't-isa
"Kumusta na kayong dalawa, mukhang may nabubuo ng magandang samahan sa pagitan ninyo ah. Nakwento sa akin ng Kuya Ralph mo na napatawag ka raw sa kaniya last time, humihingi ka raw ng payo tungkol sa buhay may asawa." pagsisimula ng usapan ng ina ni Razen.
Nginitian ito ni Razen at tinango-tanguhan. "Yes, mom. Gusto ko po kasi sanang maitrato ng tama ang asawa ko. As we all know, it's my first time. Although nagkaroon naman po ako ng girlfriend before, iba naman po ang karanasan ko doon sa buhay ko ngayon. Actually, wala na po akong mahihiling pa. Jelena is a very wife material woman. I'm lucky but I feel bad na isang linggo lang kaming nagkasama after the wedding dahil po sa project ko sa L.A." pagpapaliwanag ni Razen sa kani-kanilang nga magulang.
"Natutuwa ako, Hijo. Eto na ang simula ng magandang pabuo ninyo ng pundasyon ni Jelena. Sabi ko naman sa inyo hindi niyo pagsisisihan ang naisip naming paraan. Siya nga pala, Jelena- anak. Kinukulit ka pa rin ba ni Harold? Nabalitaan ko kasi kay Helen na mukhang nagkasira daw si Harold at si Deneese. Nag-alala kami ng Dad mo. Baka kako ginugulo ka na naman ng pamangkin nitong Dad mo." natahimik si Razen sa tanong sinabi na iyon ng ina.
BINABASA MO ANG
The Unwanted Marriage [Completed]
RomanceKailan naging solusyon ang kasunduang kasal para mapagtakpan ang isang kahihiyang matagal ng tinuldukan? Ang pagpapakasal ni sa hinagap ay hindi sumagi sa isipan ni Jelena Alejo, isang magazine writer at photographer. Matapos ang paulit-ulit na kab...