“Kumusta kayong mag-asawa? Galing rito ang Tita Helen mo noong nakaraan, hinahanap kayong mag-asawa e ang sabi ko naman may inaasikaso kayo at kako'y plano n'yo ulit magpakasal sa Marso.” Imporma ng ina ni Jelena sa kanilang mag-asawa ng bumisita sila sa bahay ng mga magulang.
Napagkasunduan na kasi nila iyon na weekly ay salitan nilang bibisitahin ang kani-kanilang mga magulang at gayundin sa Kuya Ralph nila dahil laging gustong makasama ng kambal si Jelena.
“Ma, sana po hindi niyo muna sinabi kay Tita ang tungkol sa kasal. Alam n'yo naman po baka mabigat pa rin po ang loob ni Tita sa pagkawala ni Harold tapos ay tayo nagkakasiyahan naman.” ani Jelena sa ina.
“E anak, wala naman sigurong masama roon. Gusto lamang naman ninyo ni Razen na magpakasal ulit dahil nga di ba parang hindi naman ninyo kamo masyadong feel ang unang kasal ninyo. At saka hindi naman nagsabi ng kung ano ang Tita Helen n'yo. May hinuha pa nga s'ya na baka raw buntis ka na.” napataas ang dalawang kilay ng ama ni Jelena.
Nagkatinginan naman ang mag-asawa. “Magandang balita nga po 'yon Papa kung buntis na nga po ang asawa ko.”
Siniko naman kaagad ni Jelena ang asawa. “Ewan nga.”
Nagtawanan pa silang mga naroroon ng biglang tumunog ang doorbell. Kaagad na tinungo ni Razen ang gate. Napangiti si Jelena ng makita ang kapatid na nakipagfist bump sa kaniyang asawa. Dala-dala nito ang mga bagaheng ibinaba galing sa taxi.
“Ate!” mabilis itong yumakap sa kaniya at nag-abot ng paper bag.
Nangunot ang noo ni Jelena. “Ano 'to? Hindi mo man lang kami sinabihan na uuwi ka na, sana nasundo ka namin ni Kuya Raz mo.” ani Jelena saka binuksan ang paper bag.
Si Reth naman ay kaagad nagmano sa mga magulang at binigay rito ang kani-kanilang mga pasalubong.
“Oh kanino 'yang naiwan na 'yan?”
May sinusupil na ngiti si Rett sa labi, hindi naman na nagtanong si Jelena dahil nakita niya ang pangalan ng bunsong kapatid ng asawa sa labas ng paper bag.
“Kuya Raz, s-si Relene ba nasa inyo?” may pag-aalinlangan sa tanong ni Rett.
Nagkatitigan naman si Razen at Jelena. “Nasa bahay naman siguro kasi bakasyon na yata siya, kaso ang pagkakaalam ko bibisita sa bahay ngayon ang manliligaw ni Relene e. Nagpaalam kasi siya sa family gc kanina if okay lang tumanggap ng bisita.”
Kaagad na napansin ni Jelena ang pag-iiba ng kislap ng mata ni Reth. “Oh, sayang pala. Last time kasi that we talked sabi niya ay isama ko siya kapag babalik ako doon sa place na gusto niya puntahan—may bisita pala. Anyway, kuya dadaanan na lang ako kila Nay Aira para ibigay 'to sa kaniya iaakyat ko muna mga gamit ko saka pahinga ng slight.” mabilis itong bumeso sa ate at sa ina. “Jan muna kayo, guys.”
“Reth.” tawag niya sa kapatid na kaagad namang lumingon. “Te?”
“Salamat sa pasalubong, dalaw ka minsan sa bahay ha.”
Napangiti si Reth sa ate niya. “Aba Ate, kahit araw araw pa. Dapat punuin nyo lagi ni Kuya ang ref niyo.” tumalilis rin kaagad ito ng pasok sa loob.
“Ma, siya nga po pala— sa susunod pong linggo plano ko pong sumama kila Mama Aira sa Silang, ililibot raw po ako doon. Gusto n'yo po bang sumama?”
“Opo nga naman, Ma. Para rin po makapagrelax relax kayo ni Papa. Marami naman hong kwarto ang staycation house.” dagdag aya pa ni Razen sa mga biyenan.
“Nako salamat, anak. Sa susunod na lamang kami at mag-enjoy muna kayong mag-asawa. At anak, Jelena— ingatan mo ang kalusugan mo ha.” pagpapaalala pa ng ina sa kaniya.
BINABASA MO ANG
The Unwanted Marriage [Completed]
RomanceKailan naging solusyon ang kasunduang kasal para mapagtakpan ang isang kahihiyang matagal ng tinuldukan? Ang pagpapakasal ni sa hinagap ay hindi sumagi sa isipan ni Jelena Alejo, isang magazine writer at photographer. Matapos ang paulit-ulit na kab...