EPILOGUE

174 1 0
                                    

“Excuse me po, pinatatanong po ni Father kung darating na daw po ba ang bride?” tanong ng sakristan na inutusan ng pari.

“Yes, pasensya na talaga. Baka nagkaroon lang ng problema sa sasakyan kaya natagalan.” abot-abot ang hingi ng pasensya ni Niesha—ang kaibigan ni Jelena na siyang bridesmaid.

Ilang sandali pa ay nagmamadali ang wedding organizer nilang tumakbo papunta sa unahan. Nakaramdam naman ng ‘di maipaliwanag na kaba si Razen.

Ikalawang beses na nilang ikakasal pero ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong nerbyos. Kung kailan mahal na rin sya ng asawa ay saka pa siya natatakot na baka umatras ito.

“Razen, your bride is still unreachable—gusto mo ba munang i-move ang kasal? Isang oras ng late si Jelena. Nakapatay ang cellphone niya nung huling tinawagan ko siya e. Pinapuntahan ko na sa isang tauhan ko para sigurado.” paliwanag ng organizer ng kanilang kasal.

“Everyo—” hindi pa man nakakapagsimula si Razen mag-anunsyo na matutuloy ang kasal at mag-intay pa lamang ng kaunting oras ay siya namang dating ng kanina pa nila hinihintay.

Hindi niya malaman kung maiiyak ba siya dahil sa wakas nakita na rin niya sa harap ng simbahan ang asawa o maaasar dito dahil sa pagpapaintay nito at pagpapakaba sa kanya.

Nagpalakpakan ang mga nandoon habang nakatingin sa iisang direksyon kung nasaan ang asawa at kabababa lamang ng kabayo. Kabayo?

Why the hell is she riding a horse?

Habang nireretouch ng organizer ang make up ng asawa mula sa labas ay sumenyas ito sa kaniya at kahit pa malayo ay naaninag niya ang sinasabi nito. Unti-unti namang isinara ulit ang pintuan ng simbahan para sa entrance ni Jelena.

From their first wedding’s set up ay mas pinaghandaan niya ngayon ng sobra ang kasal nila. Siya lahat ang lumakad at nakipag-usap sa organizer at coordinators na kakilala lang rin ng kaniyang mga kaibigan dahil gusto niyang maayos ang lahat sa espesyal na araw nila. Ngayon din kasi ang kanilang second wedding anniversary.

“Ma’am, what happened po? Akala po namin hindi ka na darating—grabe ‘yung pag-aaalala sa’yo ni Sir Razen kanina.” tanong ng organizer nila habang inaayos ang wedding gown ni Jelena maging ang veil nito.

“Nako, pasensya na talaga Ms. Chloe. Nagkaroon kasi ng aksidente sa road na dinaanan namin kanina kaya namasahe na lang ako tapos nawala naman sa isip ko na papasok pa nga pala ang simbahan kaya ayan tuloy napilitan akong humiram ng kabayo kasi nakakahaggard ang maglakad sa initan tapos may kakapalan pa itong gown ko. Hindi kasi pinayagan ipapasok ang tricycle kanina e.” nahihiyang paliwanag niya sa organizer.

Tumango-tango ito at imwinestra sa kaniya ulit ang mga gagawin niya.

On the count of five, the church door finally open at doon pumailanlang ang napiling kanta ng asawa for her bridal’s walk. Ipinaubaya niya na iyon sa asawa dahil sabi nito ay iyon ang kantang iniaalay nito sa kaniya.

Ang akala ni Jelena ay simpleng minus one lamang na background music ang siyang papailanlang, ganoon na lamang ang gulat niya ng marinig ang boses ng asawa.

“Yeah girl
I've been searching so long
In this world
Trying to find someone
Who could be
What my picture of love was to me
Then you came along…”

Hindi pa nga siya nakakarating sa mismong arko o ang dulo ng mga upuan ng simbahan mula sa pintuan na pinasukan ay namimilibis na ang luha sa kaniyang mata.

Para kasing nananariwa sa kaniyang isipan ang simula ng lahat.

Ang unang pagkakita niya sa binata noong dalhin siya ni Harold sa bahay ng kanilang Lola. Ang unang beses na nagdikit ang kanilang mga balat ng hilahin siya nito noong tatalon siya sa tulay. Ang unang beses na nakatitigan niya ito ng sandali sa mga mata matapos siyang dalhan ng pagkain sa kalagitnaan ng gabi. Ang unang beses na bigla siyang niyakap nito dahil sa pagrerebelde niya sa gaganapin nilang biglaang pagpapakasal, unang paglalapat ng mga labi, unang i love you maging ang mga simpleng effort nito para sa kaniya ay nananariwa sa kaniyang isipan.

The Unwanted Marriage [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon