TUM 7
Jelena was taken a back after she realized kung anong pumasok sa kokote niya at pumayag siya na sumama sa bahay ng Kuya Ralph para daw bisitahin ang kambal napamangkin nito at ang kuya nito bago umalis.
Kanina pa marahil siya hinihintay ng asawa sa kwarto nila. Naririto siya ngayon sa loob ng kanilang walk in closet. She's wearing a plain straight cut jeans at knitted black 3/4 sleeves top. Pinarishan niya na lang iyon ng white sneakers. Kanina pa siya palakad lakad sa loob ng closet.
“Bakit ba ako naba-bother kay Kuya Ralph? I should show him na hindi naman ako kasing sama ng iniisip niya.” she get her sling bag and put everything she needs inside at lumabas ng closet. Nandoon si Razen sa kama at matiyaga siyang hinintay. Nginitian siya nito pagkalabas niya.
They were both silent on ride. Walang nagsasalita sa kanila just like their usual life inside their house. Napalitan lamang ng masiglang ekspresyon ang mukha ni Jelena ng salubungin sila sa gate ng dalawang anak ng Kuya Ralph niya.
“Uncle! Auntie!” sabay silang sinalubong ng dalawang batang nasa apat na taong gulang lamang marahil. Ang sabi ni Razen sa kaniya ay kambal ang mga pamangkin niya. Isang babae at isang lalaki.
Napatingin si Jelena kay Razen na nakatingin din pala sa kaniya. “Auntie, up! Up!” a cute little girl hug her thigh.
She gently pinched the girl's cheek bago ito kinarga. “Argh.” napatingin ulit si Jelena kay Razen na nabigla rin sa paglagutok ng buto niya ng mabuhat na ang bata.
Kaagad na nag-iwas ng tingin si Jelena rito at sinenyasan itong mauna sa pagpasok. Parang gustong magpakain ni Jelena sa lupa. How come na ganoon kalakas ang paglagutok ng buto niya dahil lang sa pagbuhat niya sa malusog na anak ng brother-in-law niya.
“Hey, Good afternoon.” bati ni Razen sa sister-in-law nitong si Leicel.
Bumeso ito kay Razen at niyakap naman siya. “Mas maganda ka pala kapag wala kang make up. Maupo muna kayong mag-asawa. Pababa na rin si Ralph. Louella, anak... Baba ka na kay Auntie Jel.” bumubungisngis ang bata na nagpaalam sa kaniya at kumunyapit agad sa ina ng makababa.
“Raz!” malakas na tawag ni Kuya Ralph sa kapatid nito na kaagad sinalubong ni Razen.
“Hi, Jelena.” malamig na bati nito sa kaniya. “Hi. Kuya.” balik na bati niya rito at kaagad siyang nag-iwas ng tingin sa huli.
Ang akala ni Jelena madali lamang patunayan sa lalaki ang mga maling pagkakakilala nito sa kaniya pero ng makita niya ang uri ng pagkakatingin nito sa kaniya ay halatang halata ang disgusto doon.
“Tamang-tama. Dito na kayo mag-dinner, Razen. Akala nga namin hindi na kayo makakarating mabuti na lang nagpadala ka ng text message.” it was Leicel habang sinasapinan ang likod ng anak nitong si Louella.
Muntik pang mapaigtad si Jelena ng hawakan siya ni Razen sa may balikat niya mula sa likod at iginiya paupo sa sofa. “Feel at home, Jel.” Razen whispered on her ears.
Jelena wasn't used on Razen touching her first dahil ang mga naunang pagkakadikit nila ay siya ang nagfifirst move.
“Kumusta naman ang bagong kasal? May inaasahan na ba kaming baby?” muli na namang nagbukas ng usapan si Leicel habang magiliw na nakatingin kay Jelena.
Kitang-kita ni Jelena ang pagngisi ni Kuya Ralph sa tanong ng asawa nito.
“I don't wanna get my wife pregnant tapos wala ako sa tabi niya. Matagal tagal rin ako mawawala, ayoko namang magbuntis ang asawa ko na wala siyang kasama lalo na sa bahay.” Razen explained habang hinahaplos haplos ang kamay niya.
BINABASA MO ANG
The Unwanted Marriage [Completed]
Любовные романыKailan naging solusyon ang kasunduang kasal para mapagtakpan ang isang kahihiyang matagal ng tinuldukan? Ang pagpapakasal ni sa hinagap ay hindi sumagi sa isipan ni Jelena Alejo, isang magazine writer at photographer. Matapos ang paulit-ulit na kab...