TUM 27

88 2 0
                                    

“Saan ka naman pupunta ngayon, Harold?” kaagad na tanong ng ina matapos siyang makitang pababa ng hagdanan.

Dala-dala niya ang isang malaking maleta na naglalaman ng kaniyang nga gamit. “Lalayo muna, Ma. Sorry.”

Walang lingon likod siyang naglakad palabas ng kanilang bahay. Naririnig niyang tinatawag siya ng ina pero nagmistulang bingi siya at kaagad na sumakay sa loob ng sasakyan na nakaparada sa tapat ng kanilang gate.

“Yo, man. Ready?”

Marahas na hangin ang ibinuga ni Harold nang makapag seatbelt at mai-start ang sasakyan. “Yeah. Saan ko pwedeng iwan ang sasakyan ko?”

“Iwan mo na lang kay Mang Pab, kilala mo naman 'yon e. Siya na ang bahala sa sasakyan mo. Ibinilin ko na rin kay Mang Pab ang ticket mo at documents including your passport. Sasakay ka na lang once na ready to board na. Sana naman maliwanagan na ang utak mo pagdating mo sa Spain. Mas makakabuti sa'yo kung lalayo ka muna para makapag isip isip.” payo ni Jacov sa kaibigan.

“Yeah, tol. Salamat. Pasensya na rin sa nangyari last time na nagkasama-sama tayo. Nico was right. Hindi ko rin alam bakit ako nagkakaganito e kaya pumayaag na rin ako sa alok mong magvacation for good. Dadaan ko lang saglit si Deneese.”

Mabilis naman napatawa ng sarkastiko ang kaibigan sa kabilang linya. “Ano 'yan pahabol na mali?”

“No. Gusto ko lang humingi ng tawad sa nagawa ko. I— I killed our baby. Nalaglag ang bata because I pushed her, I even wish na sana nga makunan na lang s'ya and it happened.” he confessed. Ngayon lamang siya nakaramdam ng konsensya at awa.

“Damn, tol. That's so cruel. Never thought na aabot ka sa ganiyan. Buti hindi kankinasuhan ng pamilya—”

“Hindi nila alam. At sa oras na maging ganoon nga ang sitwasyon, handa akong pagbayaran ang kasalanan ko. Kaya dadaanan ko muna siya just to let her know na hindi ako aalis ng bansa para tumakas.”

“Okay, tol. Sige na baka maiwan ka pa ng flight mo. Enjoy, man.” iyon lang ang ibinaba na rin kaagad ng kaibigan si Jacov ang tawag.

Bumusina pa sya bago tuluyang nilisan ang kanilang lugar at mapuntahan na ang kaniyang mga sadya.

Papaalis pa lang sana ng bahay si Deneese ng makarinig na malakas na busina mula sa labas ng bahay. Kaagad siyang sumilip sa window blind ng kaniyang bintana at doon namukhaan ang sasakyan ng dating nobyong Doctor na si Kelvin.

Hindi na siya nagulat pa dahil matapos siyang ihatid nito dalawang linggo na ang nakalilipas ay nagsabi na itong bibisita sa kaniya sa oras na mabakante ito.

Iyon nga lamang ay may lakad siya, wala syang panahon na makipag chitchat dito.

Mabilis siyang naglakad palabas ng bahay. Doon lamang lumabas ang Doctor matapos niyang mailock ang gate.

“May check up ba ako, Doc?” salubong na tanong ni Deneese sa ex-boyfriend.

Blanko itong tumitig sa kaniya. “I'm not a Doctor for today. Saan ka na naman pupunta?” bahagyang tumaas ang isang kilay nito habang nakadantay ang siko sa roof ng sasakyan nito.

“Magsisimba at dadaanan sila Mama at Papa. Ikaw, napasyal ka?”

Kaagad na binuksan ni Kelvin ang pintuan. “Sakay.” kaagad na pumasok ang lalaki sa loob.

Nakatanga lamang si Deneese sa dating nobyo pero malakas na busina ang nagpataranta sa kaniya kaya nagmadali syang umabante para sumakay ngunit hindi pa man siya nakakapasok ay may bumusina na namang sasakyan mula sa harapan kung saan naka park ang kotse ni Kelvin.

Mabilis na lumabas si Kelvin ng sasakyan dahil kilala niya ang sasakyan na iyon.

“Kelvin. Halika na.” aya ni Deneese pero nagdire-diretso ito ng lakad at sinalubong ang lalaking lumabas sa sasakyan.

The Unwanted Marriage [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon