TUM 4
Sa ilang araw na nakalipas wala halos pahinga si Jelena at Razen dahil matapos ang naging dinner that night na kasama n'ya ang kapatid, nasundan naman kaagad iyon ng pre-nuptial shoot nila na sa nabiling bahay na lang din ni Razen kinuhanan dahil sa lawak ng bakanteng lote sa gilid noon.
Razen chose a garden wedding reception kaya naman may pagka-magical theme ang photoshoot nila. She and Razen barely talk while doing their pre-nuptial, siguro dahil sa dinner incident na hanggang ngayon naman ay hindi pinahahalata ni Jelena na nakita n'ya ito.
Their pre-nup photographer asked them if they were having some LQ kaya hindi nila halos magawa ang gusto ng photographer na pose nila kaya naman ng magkatitigan silang dalawa ay para bang iyon na ang naging pagkakasundo nila na magpanggap na lang na parang masaya at totoong nagmamahalan sila para matapos na ang photoshoot.
Kinabukasan naman noon ay photoshoot ng bride kasama ang kan'yang mga bridesmaid na hindi rin naman s'ya ang pumili ng karamihan, mabuti na lamang at nandoon ang kaibigang si Niesha na s'yang tumayong maid of honor n'ya. Naroroon din ang kapatid daw ni Razen na si Relene.
Sumunod na araw naman noon ay ang groom, best man at ibang abay pang lalaki ang naka schedule ng photoshoot. Si Ralph na nakatatandang kapatid daw ni Razen ang best man, si Kean na matalik na kaibigan ni Razen at si Rett na kapatid ni Jelena ay naroroon din, the rest ay hindi na si Razen ang namili.
Nakakapagod na mga araw iyon para kay Jelena, ni katingot na kasiyahan o kagalakan ay wala s'yang nararamdaman. Masama mang sabihin pero sa isip n'ya ay humihiling s'ya ng kung anong bagay para matigil ang kasal nila ni Razen.
She's overthinking and overthinking hanggang sa huling gabi na maaaring magkita si Razen at Jelena, humingi ito sa kan'ya ng saglit na oras para sa kung anong sasabihin nito kaya naman pinagbigyan iyon ni Jelena.
Ang akala ni Jelena ay mauuna pa siya kay Razen dahil sinadya niyang agahan mula sa oras na kanilang usapan pero ganoon na lang ang gulat niya ng salubungin siya nito.
Hindi nakatakas sa mga mata ni Jelena ang sing-sing na nakasuot sa daliri ni Razen. Kapares iyon ng engagement ring niya— lihim na kinapa ni Jelena ang sing-sing niya. Nakaramdamdam siya ng kaba ng wala iyon sa daliri niya.
“Okay na siguro itong lokasyon na 'to para mag-usap tayo.” panimula ni Razen ng masiguro na may kalayuan na sila sa bahay na kanilang magiging tirahan.
Tumango si Jelena at pinanatili lamang ang mga mata sa tanawin. Mabuti na lamang at maganda ang napiling lokasyon ni Razen dahil nasa mataas na bahagi ang nabili nitong bahay kaya tanaw nila sa ibaba ang ilang mga puno at nagniningning na mga ilaw.
“Ayos lang ba sa'yo kung after one week matapos nating maikasal ay aalis ako?”
Napatingin si Jelena sa kausap. Nabigla siya sa tanong nito, ano naman ngayon kung aalis ito? Hindi naman sila normal na magkasintahang magpapakasal dahil sa pagmamahalan.
“No, hindi ganoon 'yon na katulad ng iniisip mo. I'm not leaving for nothing— ayaw ko rin sana umalis kaya lang big project kasi ang inialok sa akin sa Los Angeles. That project will took one and a half year long pero pwede kitang isa—”
Kaagad na pinutol ni Jelena ang sasabihin nito. Para namang hindi niya agad mababasa at malalaman ang ganoong strategy, ginagawa rin iyon ni Harold sa kaniya. “Hindi mo ako kailangang isama, katulad ng sinabi ko, ikakasal lang naman tayo dahil sa kahihiyang pinasok ko— you're free to go anywhere, whenever you want.”
Bahagyang natahimik si Razen bago siya tinabihan at humarap rin sa gawi kung saan tanaw ang mga ilaw sa ibaba.
“I think you lost it.” iniabot sa kaniya ni Razen ang sing-sing na ibinigay nito sa kaniya. “Mas maganda ng suot mo palagi para iwas na rin sa tanong. Hubadin mo na lang kapag tayo na lang ang nasa bahay.” kaagad na kinuha ni Jelena ang sing-sing at isinuot iyon sa daliri niya.
BINABASA MO ANG
The Unwanted Marriage [Completed]
RomanceKailan naging solusyon ang kasunduang kasal para mapagtakpan ang isang kahihiyang matagal ng tinuldukan? Ang pagpapakasal ni sa hinagap ay hindi sumagi sa isipan ni Jelena Alejo, isang magazine writer at photographer. Matapos ang paulit-ulit na kab...