Dumating na sa bahay ng mga Escalante ang Annulment paper na ifinile ng pamilya Alejo. Sa makalawa raw ay pupunta ang mga ito sa kanilang bahay kasama ang abogado para sa magiging pirmahan nila.
Nakatitig lamang si Razen sa nakalatag na annulment paper nila ni Jelena sa kaniyang mini office, sa kwarto niya mismo.
Noong nakaraan pa siya nakauwi ng Pilipinas at saktong discharge rin iyon ng asawa sa ospital, pero hindi nya pa rin ito napupuntahan. Mas makakabuti na raw kasi iyon sabi ng ina ni Razen. Hindi naman niya malaman ano bang nagiging problema, may alam ba ang kaniyang mommy Aira?
Ayon sa balita ng Mamà Aira niya ay hindi daw ganoon kalala ang damage sa mata ng asawa niya. Medyo blurry pa rin daw hanggang ngayon ang paningin nito kaya doon naglalagi sa bahay ng mga magulang nito. Unti-unti rin daw babalik ang paningin ni Jelena basta ipagpatuloy pa rin ang eye irrigation nito kahit sa bahay lamang at bumisita sa Doctor sa araw ng check up nito.
Hindi na sya mapakali si Razen, gusto na niyang makita ang asawa. Gusto niyang makausap ang mga magulang ni Jelena.
Saglit syang napasulyap sa malaking portrait nila ng asawa na nakasabit sa uluhang parte ng kanilang kama.
Jelena was smiling preciously at that picture, miss niya ng makita ito. Dadamputin pa lamang niya ang susi ng kaniyang saksakyan na ibinalik ng ama ni Jelena bago pa siya makauwing Pilipinas ay sya rin namang pag-litaw ng pangalan ni Jelena sa calling notification niya.
Mabilis na dinampot ni Razen ang cellphone nya at sinagot ang tawag. "Jelena, can I visit you? How are you?" kaagad na bungad ni Razen.
"Hijo, si Mama Jil mo ito."
"Mama, pwede po ba akong bumisita sa asawa ko? Please po?"
Nahabag si Jillian sa boses ng kaniyang manugang. "Actually kaya kita tinawagan kasi gusto kang makausap ni Jelena. Dito ka na rin magdinner, okay? Ingat ka, nak." anang ina ni Jelena bago naputol ang tawag.
Mabilis pa sa alas quattrong nilisan ni Razen ang bahay nilang nag-asawa. Habang nasa biyahe ay nagpagawa na sya ng flower bouquet para sa ina ni Jelena para dadaanan na lamang niya ito, kay Jelena naman ay magddrive thru na lang sya para iorder ang asawa ng paborito nitong meal sa jollibee at bibilhan niya rin ito ng ice cream.
Razen was a bit nervous pagpasok pa lamang ng sasakyan niya sa loob ng bakuran ng mga Alejo. Kaagad siyang nagmano sa ina ng asawa ng salubungin siya nito. Nagpasalamat ito sa bulaklak na kaniyang dala-dala.
"Kumusta ka na, hijo?" magiliw ang bati nito sa kaniya kaya naman kahit papaano ay nababawasan ang kaniyang kaba, hindi man maalis sa isipan niya ang tanong na bakit nagfile ng annulment ang ina ni Jelena ay isinantabi na lamang muna niya.
"Kauuwi ko lamang po noong nadischarge si Jelena, hindi naman po muna ako pinapupunta ni mama kahit gusto ko po bisitahin ang asawa ko." paliwanag ni Razen.
Tumango-tango si Jillian. "Naiintindihan ko ang pinanggagalingan ng iyong mama, halika pasok ka. Puntahan mo na lamang si Jelena sa kwarto niya. Dumaan lang saglit ang papa niya sa drill shop maya-maya ay uuwi na rin 'yon." aya ng ina ni Jelena sa kaniya.
Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Razen, dala ang dalawang paper bag na naglalaman ng jollibee meal at sa isang bag na may ice cream ay kaagad na umakyat sa itaas si Razen.
Nakaawang ang pintuan kaya naman kumatok muna siya bago pumasok.
Nakasandal ang asawa sa headboard ng kama nito at nakapikit. May earbuds itong nakapasak sa dalawang tenga kaya siguro hindi nito alam na may tao. Nakatayo lamang siya sa gilid ng kama nito at pinagmasdan ang asawa. Almost three weeks pa lamang noong huli niya itong makasama sa L.A. pero namayat ito ng kaunti.
BINABASA MO ANG
The Unwanted Marriage [Completed]
RomanceKailan naging solusyon ang kasunduang kasal para mapagtakpan ang isang kahihiyang matagal ng tinuldukan? Ang pagpapakasal ni sa hinagap ay hindi sumagi sa isipan ni Jelena Alejo, isang magazine writer at photographer. Matapos ang paulit-ulit na kab...