TUM 11
Razen was preparing himself dahil kagabi pa niya na-recieve ang flight details ni Jelena. It was a stolen picture from her youngest sister dahil blurred iyon, mabuti na lamang at may scanner siya para mapalinaw iyon.
Nagsabi siya kay Mr. Birkenston kahit pa pahinga niya ngayon at kaagad naman siyang pinayagan nito. Aabangan na niya sa airport ang asawa, gusto niya itong sunduin dahil gusto na niyang makita ito.
“Oh. Aalis ka?” Tara barged in his office.
He nodded. “Susunduin ko si Jelena.”
Hindi na nagtaka si Razen sa rumehistrong emosyon sa mukha ni Tara. Hindi na lamang niya binigyan pa ng pansin iyon at nagtuloy-tuloy siya sa pag-aayos ng mga gamit niya at pagsusuot ng kaniyang coat.
He was about to leave ng makarinig ng malakas na kalansing ng nahulog na babasagin sa loob si Razen.
“Tara!”
“I'm sorry, hindi ko sinasadya—”
“Huwag na, ang pa—”
“Aray!!”
Dali-daling dinaluhan ni Razen si Tara na naka-apak ng nabasag na bubog galing sa nahulog na glass figurine sa table ni Razen.
Binuhat ni Razen si Tara para dalhin sa malapit na hospital. Ayaw niyang mahuli kahit na kaunti sa pag-aabang sa asawa sa airport pero hindi niya pwedeng hayaan si Tara. Silang dalawa lang ang Filipino citizen na magkasama sa trabaho kaya hindi niya maaaring hayaan lamang ito.
Mula sa emergency rooms lobby area panay ang check ni Razen sa kaniyang cellphone. Isang oras na lang at lalapag na ang eroplanong sinakyan ng kaniyang asawa, kailangan niyang maka-abot.
“Excuse me. Are you related to patient Tara Aleen Mendoza?” the nurse reached out on him.
“No but we're workmates. I'm Architect Razen Escalante, How is she?”
“Mr. Escalante, the patient has a deep wound on her feet that's why we need to make sure that all the possible tiny glass will get remove also her wound is deep so we have to make sure that it'll be close to avoid infection. We want to ask if you can stay here for an hour and more— we just need you to sign some papers for her. Is that okay with you?”
Nag-aalangan man si Razen wala na siyang nagawa kundi tumango at pabagsak na naupo ulit.
Hindi na niya masusundo ang asawa, he felt so much frustrated. Paano pa niya ito ngayon makakausap? Paano pa siya makakapagpaliwanag sa asawa?
Bumuga ng marahas na buntong hininga si Razen at pinatay na muna ng tuluyan ang cellphone. Paniguradong puputaktihin siya ng kapatid ng update, maiinis lamang lalo siya.
Isang oras lang nakalipas at binalikan na rin kaagad si Razen ng nurse at doctor na nagtahi ng sugat ni Tara. May pinirmahan siyang mga papel at pinayuhan siyang bumalik sila after seven days para i-check ang sugat ng dalaga.
Walang kibo si Razen habang tulak-tulak palabas ng emergency room si Tara.
“I'm sorry, Razen. Pwede mo na ako—”
“Sa palagay mo maiiwan kita ng ganiyan ang kondisyon mo? Isa pa, naabala mo na ng lubos ang oras ko— hindi ko na nasundo ang asawa ko because of this this shit kaya lubusin mo na.” malamig na pahayag nito kaya naman natahimik si Tara.
Razen never spoke on her like that before, ngayon lang. Kilala niya ang dating nobyo, kapag naiinis ito ay tahimik lang ito at walang gustong kausapin, tiyak na sa lagay nito ngayon ay nagagalit na ito.
Pagpasok na pagpasok pa lang ni Jelena at Yeshua sa loob ng Los Angeles airport after their 13 hours flight, para na siyang giraffe sa kahahanap sa kaniyang asawa.
Nadulas kasi ang sister-in-law niya na susunduin siya ni Razen sa airport kaya naman ngayon ay parang gustong ibalibag lahat ni Jelena ang dala-dala niyang gamit.
Napuna na rin siguro ni Yeshua ang pagka-irita niya at paglinga-linga kaya hindi na ito nakatiis.
“Wow, hindi affected pero umaasang susunduin. Iba ka rin talaga, Jelena.” iiling-iling si Yeshua habang hila-hila nito ang maletang dala-dala.
“Pwede ba tayong maghintay pa ng kahit ilang sandali? Baka kasi nahuli lang si Razen. Nadulas si Relene sa akin at nasabi niyang susunduin ako ng kuya niya.”
Tumango-tango si Yeshua. “Sure, we can wait pa naman. Gusto ko rin makita ang asawa mo. Baka kasing hambog din ng ugok na pinsan mo e.”
Ang ilang minutong paghihintay nilang dalawa ay naging kalahating oras hanggang sa tawagan na sila ng hotel na kanilang pinagbook-an ng flight at nagtatanong kung magchecheck-in pa sila.
Mabigat ang paang nilisan ni Jelena ang airport. Kaagad silang sumakay ng taxi at nagpahatid sa kanilang hotel. Nananatiling tahimik si Jelena.
“Ayos ka lang? Gusto mo bang magkasama na lang tayo sa isang room?”
Matalim na tingin agad ang itinapon ni Jelena kay Yeshua na natawa. “Yeah. Yeah. E kasi naman para kang pinagsakluban ng langit at lupa jan. Call me on IG lang ha. Magpapahinga muna siguro ako, para habang abala ka sa work mo bukas may energy ako para maglibot. Ang boss mo pala?” dagdag na tanong pa ni Yeshua, nasa tapat na sila ng kani-kanilang room.
Jelena sighed. “Magkikita na lang daw kami bukas sa mismong building. Hindi pa ako nagbubukas ng emails ko, baka naisend na niya ang location and details.” she explained at bagsak balikat na nagswipe ng kaniyang key card.
“Jels. Want me to—”
“Magtigil ka nga. Kahit nalulungkot pa ako, I won't let you come in. Married ako.” ipinakita pa nito ang dalawang singsing na nasa daliri nito.
Tatawa-tawa na namang nagswipe si Yeshua. “Alam ko, Mrs binibiro ka lang naman. Sige na at para maganda ka kapag ininterview mo ang asawa mo bukas.” dali-dali itong pumasok sa loob kaya naman hindi nakahampas si Jelena.
Jelena get inside her room and drop her bag. Inilibot niya muna ang paningin sa kabuuan ng kwarto bago pasalampak na humiga.
“Should I feel excitement dahil may trabaho na ako ulit o parang napasama ang pagbalik ko sa trabaho dahil ang asawa ko ang isa sa mga ifi-feature ko sa magazine ko this year?” she asked herself habang nakatitig sa kisame ng unit na kaniyang inuukupa.
Bahagyang natigilan sa pag-iisip si Jelena. Since when she claim and called Razen as her husband? Ang gandang pakinggan noon sa tenga niya pero masakit ang kung ano sa puso niya sa isiping everything they have ay pagpapanggap lamang at sambot kahihiyan lamang.
Totoo nga kaya ang sinasabi ni Yeshua tungkol sa nararamdaman niya para sa asawa? May puwang na nga kaya ito sa puso niya? Hindi mahirap magustuhan ang lalaki— kung marupok lamang siyang babae ay baka nahulog na rin siya sa mga ginagawa nito para sa kaniya pero hindi rin imposible na hindi nito kayang gawin ang panloloko at pagpapaikot na ginawa sa kaniya ni Harold.
Jelena irritatedly grip her hair. Kinakastigo niya sa isipan ang sarili, bakit nga ba masyado siyang nag-ooverthink ng mga bagay bagay na hindi naman niya dapat pinagtutuunan ng pansin? She's here for a job, she should enjoy katulad ng kaniyang mga naunang trip, doesn't matter kung asawa man niya ang subject— they're married, yes. Only on papers at sagip kahihiyan lang, iyon lang.
BINABASA MO ANG
The Unwanted Marriage [Completed]
RomansaKailan naging solusyon ang kasunduang kasal para mapagtakpan ang isang kahihiyang matagal ng tinuldukan? Ang pagpapakasal ni sa hinagap ay hindi sumagi sa isipan ni Jelena Alejo, isang magazine writer at photographer. Matapos ang paulit-ulit na kab...