TUM 15

84 2 0
                                    

“Razen, nag-iisip ka ba? Hindi mo ba alam na napakalaking proyekto ng bibitawan mo para lang sa babaeng hindi mo naman talaga asawa?! Bakit ba kailangan mong ilaglag ang career mo para lang sa babaeng 'yon? Seriously?” galit na galit si Tara na nakatingin sa kaniya. Magaling galing na ang sugat nito sa paa.

Nananatili lamang tahimik si Razen habang tumitipa sa laptop nito. “Are you even listening to me?”

Inalis ni Razen ang suot na specs. “I tried so many times na huwag na lang pansinin lahat ng pinaggagagawa mo, Tara. Ano ngayon kung iiwan ko ang career ko para sa asawa ko?”

“She's not your wife. Palabas lang naman lahat sa inyo!” sigaw ni Tara.

“She is! We exchanged I do's and vows in front of God, I care for her and that makes her worthy of our marriage. Wala kang karapatan para kwestyunin kung ano man ang nasa likod ng pagpapakasal namin.” kaagad na isinara ni Razen ang kaniyang laptop saka isinuot ang kaniyang coat.

“Ang tagal na nating tapos Tara. Tigilan mo na ako lalo na ang asawa ko, akala mo ba hindi ko malalaman na pinadadalhan mo ng mga pictures ang asawa ko? Pinagbibigyan kita sa mga gusto mo sa buhay mo dahil pinoprotektahan ko ang marriage namin pero sobra ka na.” akmang lalabas na ito ng opisina niya ng magsalita si Tara.

“Why, Razen? Ang tagal na nating magkarelasyon noon, ni minsan ba naisip mong magsettle down with me? Bakit 'yung babaeng yon na hindi mo naman kilala personally ganoon ka na lang kabilis pumayag magpakasal? Five years Razen, five years tayong magkarelasyon, I witnessed all your success and struggles—bakit hindi mo ako pinili nung panahong gusto kong magpakasal na tayo?”

Ayaw na sana ni Razen pansinin pa ito pero kung ikakatahimik nito ang sagot nya ay pagbibigyan niya. “What about the five years relationship? Pinapili mo ako that time, ikaw ang gumawa ng choices—namili lang ako. Ipinaliwanag ko sa'yo, hindi pa ako handa. Nagsisimula pa lang ang karera ko pero gusto mo pa rin na magpakasal na tayo. Hindi mo nagustuhan ang desisyon ko kaya ano? Nakipagbreak ka at nag bar hopping kasama ang college crush mo?”

“Wala namang nangyari sa'min!”

“I don't care, Tara. That immature action of yours made me realise that I did the right decision na huwag magpakasal sa'yo. You're a brat. Hindi lahat ng gusto mo ay makukuha mo dahil hiniling mo. Ano man ang kinahantungan ng naging relasyon natin noon, wala na akong pagkukulang roon. Tigilan mo na kami ng asawa ko.” naiwang nakatingin lamang sa lumabas na lalaki si Tara.

Dali-daling nagpunta si Razen sa top floor para personal na iabot ang kaniyang letter.

His phone vibrated. It was a call from Jelena's brother. “Architect Rett.”

“Kuya huwag tayong formal masyado. Narecieve ko yung email mo sa akin. Are you sure about this? This was a big project—maaaring maging kasiraan ito sa background mo kung bibitawan mo ang project mo knowing na nasimulan na.” Reth was worried on the other line.

“Uhm. Sigurado ako, Reth that's why sa'yo ko inaalok ang pagsambot ng project, pwede naman kitang hugutin sa company mo since sisters company lang pinagtatrabahuan natin. Your Ate Jelena needs m—”

“Pero kuya, hindi naman kayo totoong magkasintahan ni Ate e. Sorry pero wala akong kung anong ibig sabihin din. Ang laki kasi ng mawawala sayo sa bagay na to.” ani Rett na nililiwanagan ang isip ni Razen.

“We're married, asawa niya ako kaya dapat nandoon ako sa tabi niya lalo na sa sitwasyon nya ngayon.”

“Kuya, mama's filing an annulment case para mawalan na ng bisa ang kasal niyo...” unti-unting humihina ang boses ni Reth.

“Ha? Why? May nagawa ba akong mali? Nakarating ba kay Mama yung mga email na pinaggagagawa ni Tara?” sunod sunod na tanong ni Razen sa kapatid ng asawa.

The Unwanted Marriage [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon