TUM 18

81 2 0
                                    

Razen deactivated all of his social media accounts for almost seven months already. Hindi kasi siya gaano makapag focus sa trabaho niya kaiisip kung bakit hindi na sinasagot ni Jelena ang mga messages niya.

Ang mga mensahe namang natatanggap niya ay galing sa kaniyang ina, ama,kuya Ralph, at bunsong kapatid na si Relene. Minsan siyang tinawagan ng ina ni Jelena para kumustahin bagay na ikinatwa niya. Doon lang kasi siya nakakabalita sa asawa.

Hindi man magandang balita ang nasasagap niya ay nagpapasalamat na rin siya at kahit papaano may alam siya sa nangyayari sa Pilipinas.

Tagusan ang tingin ni Razen sa laptop screen nang may kumatok sa kaniyang opisina, ang akala niya ay si Mr. Birkenston pero ang kapatid pala iyon ni Jelena.

“Arch? Free ka to disturb?” tanong ni Reth sa kaniya.

Tumango-tango naman siya. “Upo ka. Ayos ka lang ba here?” tanong ni Razen sa kaniyang bayaw.

“Yes, Kuya. Ahm kumusta ka? Malapit na matapos ang project mo. Congratulations, kuya.”

Tipid na ngiti ang ganti nito bago nagsalita. “Reth, may balita ka ba about your Ate? You know I deactivated my account—almost seven months na rin. Wala rin namang use, hindi naman ako nirereplyan ng ate mo sa lahat ng accounts niya online. Hindi ko na rin macontact again ang numero niya sa Pilipinas. I guess naka-blocked na ulit ako.”

Saglit na natahimik si Reth. Hanggat maaari ay ayaw nitong magsalita patungkol sa Ate niya pero seeing Razen's reaction always makes him feel guilty. “I'm sorry, Kuya Razen kung naaapektuhan ka ng sobra sa mga nangyayari. Like what I've said noong una kita nameet sa bahay. Ayaw ni Ate sa kasal at sabihin na rin nating hindi pa siya handa sa bagay na iyon. Alam kong pure and sincere ang intensyon mo sa Ate ko, kuya—but the problem now is her. If I were you, pipirmahan ko na lang ang annulment.” bumuntong hininga si Reth bago sumandal sa sandalan ng sofa.

Napahilot ng sintido si Razen. “Hindi ba ako fit para maging asawa ng ate mo? Ayaw ba niya sa'kin? Ganoon niya ba ako kadisgusto?”

“It's not about her not wanting you, Kuya. It's about her stand regards being married. Ang bilis rin kasi masyado ng mga pangyayari between you two.” maikling paliwanag pa ni Reth.

“She still have five remaining months before ako bumalik sa Pilipinas, I'll stop kung wala pa rin talaga. Pipirmahan ko ang annulment katulad ng gusto niya. You're right, masyadong mabilis ang lahat baka kaya hindi niya rin ako magawang mahalin.” there's pain in every single word na lumalabas sa bibig ni Razen, Reth can sense that.

“You're in love with Jelena?”

Napatingin si Razen sa bayaw tapos nag-iwas ng tingin ulit. “Ayokong makipag-divorce sa ate mo, Reth. And to answer your question, oo mahal ko na nga yata ang ate mo. Kung hindi, ano 'tong nararamdaman ko? Hindi ko maipaliwanag paano at kailan nagstart. Ang alam ko lang noon attracted ako sa kaniya not until magdesisyon ang pamilya namin na ikasal kami.” tumayo si Razen mula sa swivel chair na kinauupuan nito at humarap sa malaking glass window na nasa likuran. Tanaw mula sa kaniyang pwesto ang studio na kaniyang proyekto. “I was just admiring her from a far noong nagsisimula pa lang makilala ang pangalan ko sa industriya natin, if I'm not mistaken rookie pa lang din ang ate mo sa magazine company na pinagtatrabahuan niya noon. She caught my attention and I tried many times na magpapansin sa kaniya pero hindi sya nag atubili man lang na tapunan ako kahit na saglit na tingin. I guess that's what makes me fell for her even more. Fell yeah, kasi baka akala ko noon paghanga lang pero hindi ako aware na yumabong na.”

“Awww.. such a sweet reminiscing.”

Sabay na napalingon si Reth at Razen sa gawi kung saan nanggaling ang boses. Si Tara na naman iyon.

The Unwanted Marriage [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon