TUM 2
Alas onse mahigit na ng gabi ng magulantang si Jelena. Naalis na pala sa tenga n'ya ang airpods na iplinug n'ya kahapon. Ang haba na rin pala ng oras ng naitulog n'ya.
Muli na namang tumunog ang glass door mula sa teresa ng kan'yang kwarto kaya mabilis s'yang tumayo at dahan-dahang binuksan ang pintuan. Nakasuot pa s'ya ng dress at medyas dahil hindi naman na s'ya nag-atubili pang magbihis noong bumalik s'ya sa bahay.
Malakas na hangin ang sumalubong kay Jelena ng marating n'ya ang mismong teresa ng kwarto n'ya. Muntik pang mapahiyaw ang dalaga ng makitang may tao sa ibaba.
Inaninag mabuti ni Jelena kung sino iyon. “Razen?”
Mabilis itong sumenyas na huwag maingay at pinaiisod s'ya. Umatras ng bahagya si Jelena. Maya-maya lang ay nakita n'ya ang tuktok ng hagdan na lumapat sa kanto ng babang railings ng terrace.
“Anong ginagawa mo dito? Maghahating gabi na. Paano mo nalaman ang bahay namin?” salubong ang kilay ni Jelena na nagtatanong sa binata.
Sa halip na sumagot ay tinakpan nito ang bibig n'ya gamit ang kamay nito.
“Shhh. Baka magising ang mga magulang mo, nakakahiya.” saway nito sa kan'ya sa maawtoridad pero pabulong na paraan.
“Nakakahiya pero umaakyat ka ng bahay ng may—”
“Hindi mo ba muna ako papapasukin? Kanina pa ako sa baba, nilalamig na ako.” reklamo nito na may bitbit bitbit na paper bag.
Tinitigan pa muna s'ya ni Jelena. “Nagtanong ka pa samantalang hindi ka nga nagpaalam ng akyatin mo ang bahay namin. Magnanakaw ka ba?” Jelena asked him straight to the point kaya naman napatanga sa kan'ya si Razen.
“Pakibuksan ng ilaw.” utos sa kaniya ng binata na kaagad namang binuksan ni Jelena.
Pirmi lang itong nakatingin sa dalaga ng magbukas ang ilaw kaya naman napakapa si Jelena sa mukha ng marealize n'ya ang sabog-sabog n'yang buhok na agad n'yang inayos.
“Hindi ako magnanakaw. Nabanggit kasi sa akin ng mama mo sa chat na hindi ka pa daw nababa mula kanina ng sumama ako sa kanila pauwi. Ah... eto nag-take out ako ng pagkain sa jollibee— kumain ka na.”
Nakatanga lang si Jelena sa kan'ya.
“Hindi pa rin ako nakain— sabay tayo.”
“Kailan pa tayo naging close?” iritang tanong ni Jelena sa binata sabay kuha sa paperbag na inaabot nito.
Basta ng sumalampak ng upo si Jelena sa carpeted floor ng kwarto n'ya sa gilid ng kama na nakaharap sa nakabukas na sliding door ng teresa. Nakiupo rin si Razen.
“It doesn't matter if we're close or not— hindi mo kailangang gutumin ang sarili mo dahil lang hindi ka natutuwa sa paraang naisip nila to cover up what you and Harold did.” panimula ni Razen na nanunuod sa pagkain ng dalaga.
“Sino ka naman para pagsabihan ako?” tanong ng dalaga sa kan'ya habang sumusubo ng spaghetti.
Natawa si Razen. Hindi sa tanong ng dalaga kundi sa itsura nito, magulo pa rin kasi ang buhok nito at parang isang linggong hindi pinakain. “Kahit naman ayaw natin pareho, wala kang choice but to accept na sooner ikakasal tayo. Iyon lang ang paraan para matapalan ang issue sa inyo ni Harold.”
Jelena paused eating. “Bakit hindi ka tumutol? May ibang paraan, ginagawa lang nilang kumplikado ang lahat. Bakit hindi na lang si Harold ang magpakasal sa girlfriend n'ya? Bakit kailangan ko pang madamay sa ganitong sitwasyon? Matagal ng tapos ang ano mang meron sa amin noon. Alam kong nagkamali ako pero bakit ako ang dapat magsuffer? Ayoko magpakasal.”
BINABASA MO ANG
The Unwanted Marriage [Completed]
RomanceKailan naging solusyon ang kasunduang kasal para mapagtakpan ang isang kahihiyang matagal ng tinuldukan? Ang pagpapakasal ni sa hinagap ay hindi sumagi sa isipan ni Jelena Alejo, isang magazine writer at photographer. Matapos ang paulit-ulit na kab...