TUM 17

85 1 0
                                    

“Kumusta na ikaw, Jelena?” bahagya pang nagulat si Jelena ng magsalita ang ama. Maaga pala itong umuwi.

Nasa teresa siya ng kanilang sala habang nagmumuni-muni sa kanilang halamanan.

“Kanina pa po kayo nakauwi?” tanong niya sa ama na umupo di kalayuan sa inuupuan niyang bench.

“Kani-kanina lang, nasa kusina ako nung makita kitang lumabas e. Ayos ka lang ba?”

Saglit na natahimik si Jelena, hindi kasi niya alam papaano ba sasagutin ang tanong na iyon ng ama.

Ang totoo'y hindi komportable si Jelena makipag-usap sa ama lalo na sa mga personal na bagay lalo't may kinalaman ang mga iniisip niya at nararamdaman.

Noong mga bata sila ni Reth ay close lang sila ng ama sa mga bagay na nagkakasundo-sundo sila pero kung tungkol sa relasyon nila bilang mag-aama ay hindi niya alam.

Strikto kasi at maiinitin ang ulo ng kaniyang ama kaya hindi sila ganoon ka—bukas sa ama lalo na sa bagay na mapapag-usapan ang kanilang mga personal na agenda at gusto sa buhay.

“Opo. Nagpapahangin lang, Pa. Kayo? Kumusta po kayo? Maayos naman po ba sa shop?”

Tumango-tango ang ama at tumingin rin sa kanilang halamanan. “Okay naman, maayos ang negosyo natin. Ako naman ayos lang rin pero nag-aalala ako sa iyo. Alam kong hindi mo naman gustong mapag-usapan ang kung ano lalo na kung sa akin mo sasabihin.” pabirong pagkakasabi ng ama saka tumawa.

“Jelena, gusto kong malaman mo na tatay mo ako—kung mayroon ka mang gustong alamin o itanong, anytime pwede mo akong lapitan anak. Hindi kayo sanay ni Garreth, oo pero subukan natin kahit na alam kong malalaki na kayo at ikaw—may asawa na.”

Napatitig si Jelena sa ama. “Sorry, Papa.”

Malabo pa man ng kaunti ang paningin ay naaninag pa rin ni Jelena ang pagngiti ng ama. “Ano naman ang ipinagsosorry mo?”

“For dragging our family into this mess. I was lost and blind nang pasukin ko ang bagay na iyon. Alam ko pong mali pero tumuloy pa rin ako dahil masyado po akong na-attach sa atensyon, pag-aalaga, at pagmamahal na ibinibigay sa akin ni Harold—na akala ko po totoo.” nahihiyang pag-amin ni Jelena sa ama.

Bumuntong hininga ang ama. “Sa totoo lang ay hindi ko alam ang mararamdaman ko ng nalaman ko ang bagay na 'yon. Naghalo yung inis ko dahil masyado ba kitang napabayaan at ipinagkatiwala sa kaniya kaya nangyari 'yon and at the same time naiinis ako dahil nakatatanda siya sa'yo pero sinigi pa rin niya ang bagay na alam niyang mali.” nagngingitngit ang panga ng ama ni Jelena sa tuwing naaalala ang bagay na iyon.

“I'm sorry, papa. May mali rin ho ako. Alam kong mali pero hinayaan ko pa rin po na umabit kami sa ganoon.”

Nilapitan siya ng ama at niyakap. “Sshh. Nangyari na, anak. Sana naman ay may natutunan ka sa bagay na pinagdaanan mo. Naikasal ka ng wala sa oras dahil sa nangyaring yon.”

Tumango-tango lamang si Jelena. Natahimik siya at napaisip na naman.

What is Razen trying to do this time? Saglit lamang nito pipirmahan ang annulment paper, kung tungkol naman sa hearing ay nandoon naman ang mga magulang nito para irepresenta siya o di kaya'y online siyang aattend.

“What do you think about Razen, papa?”

Sumandal ang ama sa sandalan ng kinauupan nito. “Razen? Hindi ko siya ganoon kakilala personally, anak e. Ang alam ko lang magaling at kilalang arkitekto ang batang iyon. Mukha naman siyang mabait pero again—we can't tell naman how good and kind is a person kung hindi pa natin sila nakakasama sa iisang hubong. Well, except you since you are his wife. Bakit sa akin mo itinatanong?”

The Unwanted Marriage [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon