TUM 6

88 3 0
                                    

TUM 6

                       Jelena woke up with a cramps. Akala niya ay dahil lamang sa malamig na kwarto dahil sa aircon kaya ikinumot niya lamang at yumakap sa unan pero halos ikutin na niya ang buong kama ay parang lalong pinipilipit sa sakit ang puson niya.

Bumangon si Jelena na hawak-hawak ang kaniyang puson. Muntik pa siyang mapasigaw dahil nang imulat niya ang nga mata ay nakaupo rin sa kabilang kama si Razen.

“Are you oka— hold on.” Razen stopped her. Tumayo ito at pumasok sa loob ng kanilang banyo.

Jelena glanced at her back and she saw a blood. Kung ganoon ay mayroon na siyang dalaw kaya para siyang pinipilipit ngayon. She felt embarrassed dahil natagusan niya ang bedsheet ng kama.

Bumalik si Razen na umikot sa kabilang side ng kama kung nasaan siya.

“Sorry, biglaan.” hingi ng pasensya ni Jelena. Hindi siya makatingin sa asawa.

“It's okay. Hindi 'yan problema. I prepared a warm bath for you, halika.” anito sa kaniya.

Napatingin si Jelena sa kamay ni Razen na aalalay sa kaniya. Tatanggapin pa lang sana ni Jelena ang kamay ni Razen pero bigla na siyang binuhat nito.

“Raze!”

“Relax. I know you felt uncomfy down there plus may cramps ka pa kaya dadalhin na lang kita sa banyo. Ako na ang bahala sa bedsheet, enjoy your bath.” nakangiti ito ng maibaba siya sa CR. Katulad ng sinabi nito, may nakahanda ng tubig sa tub, nay nakasabit na rin na roba malapit sa frosted glass wall ng bath tub at shower. Nang makalabas si Razen ng banyo ay kaagad ng pumasok si Jelena at doon na naghubad. Nilinisan muna niya ang sarili sa ilalim ng shower bago nagbabad sa bath tub.

Ang tagal rin bago nagpasya si Jelena na lumabas, pagbukas niya sa glass door ng shower area ay nakahanda na sa may lababo ang kaniyang underwear at sanitary napkin. Nakalagay pa iyon sa ziplock pouch.

Suot ang roba at ang panty na siyang panloob lamang na suot niya ay lumabas siya sa banyo. Sinilip pa muna niya kanina bago siya tuluyang nakalabas at dumiretso sa kanilang walk in closet para kumuha ng malaking tshirt na ipantutulog niya. Tulog na ulit si Razen at napalitan na rin ang bedsheet kaya dali-daling nagbihis si Jelena.

Nang makapagbihis ay kaagad na lumabas si Jelena. She saw Razen peacefully sleeping holding a thing na sa palagay niya ay hot compress. Kinuha niya iyon saka kinumutan ang asawa. Sa gilid ng kama kung saan nakapwesto siya ay may tray na may lamang ice bucket, may ice cream na nakalagay doon.

Habang nakaupo sa gilid ng kama, sinulyapan ni Jelena ang asawa. Tipid na ngumiti si Jelena at kinain ang ice cream na naroroon.

“Wala akong problema at hindi tigresa ang asawa ko.”  Abala si Razen sa kusina kaya hindi na nito namalayan ang pagdating niya. Magpapatulong sana siya rito para ipasok ang mga binili niya kaya lang ay kausap pala nito sa cellphone ang Kuya nito habang nag-aayos ng iluluto.

Hindi sana plano makinig pa ni Jelena at uunti-untiin na sana niya ang mga pinamili kaya lamang ay narinig niya ang sinabi ng Kuya nito.

“Naks. Asawa ko. Para namang may pagmamahalan talaga sa pagitan ninyo, e halatang halata naman ang pagkadisgusto sa'yo ni Jelena. See that, hindi man lang hinintay na umuwi ang mga bisita bago ka iniwan sa reception. Lahat naman tayo pagod pero iyong pangiiwan niya sa'yo kahapon, ako ang nahihiya for her. Nakalimutan yata niyang kung hindi naman dahil sa pinasok nila ni—”

“Kuya, I called because I wanna ask something about married life. Hindi para magsalita ng masama sa asawa ko. Wala mang pagmamahalan sa aming dalawa, kasal na kami at asawa ko na siya. Sister-in-law mo na siya, please respect her as you respect me.”  Nakaramdam rin ng sakit si Jelena sa sinabi ng Kuya ni Razen, pero tama naman ang sinabi nito.

The Unwanted Marriage [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon