“Mama, sorry po ang ta—”
“Hey, babu….”
Natigilan si Jelena ng marinig ang boses na nagsalita mula sa kabilang linya.
“So it's true.. nakauwi na pala talaga si Razen. Tell him I said hi. Saan ka niya tinago ha? Ang galing rin ha, almost two months kitang hinanap.”
Hindi kaagad nakapagsalita si Jelena kaya naman hindi iyon nakatakas sa asawang nakaupo lamang sa tabi niya. Hiniram nito ang cellphone na hawak hawak niya saka dahan-dahan niyang iniabot sa asawa.
“Ma?”
“Oh there you are my dear cousin. Where the hell are you? Bring back Jelena here.”
Razen sighed habang nakasandal paupo ito sa sofa at pinipisil pisil ang kamay ng asawang si Jelena para pakalmahin ito. “Bakit na sayo ang cellphone ng mama ni Jelena? Ganiyan ka na ba talaga kalala?”
“Damn you, Razen! Magpinsan tayo! Bakit pumayag ka makasal sa babaeng mahal ko?!”
“Huwag kang gumawa ng kahit na anong gulo, Harold. Babalik kami ni Jelena jan, mag-uusap tayo.”
Pagak itong tumawa. “Hindi ikaw ang kailangan kong makausap. Ipapa-trace ko ang numero mo at ako ang susundo kay Jelena. Magpapakalayo-layo kaming dalawa.” magsasalita pa lamang si Razen ng biglang mamatay ang tawag.
Iiling-iling si Razen na ibinalik ang cellphone sa asawa. “Kumusta sila mama? May nangyari bang masama?” may bahid ng takot ang boses ni Jelena.
“I'm sorry. Mag-ayos ka na, babalik na tayo ng Laguna.” ani Razen saka ilang ulit na hinalikan ang noo ni Jelena.
“Raz..”
Kaagad na niyakap ni Razen ang asawa. “Huwag kang mag-alala. Hindi ka makukuha sa'kin ni Harold. Kasal tayo at hindi ako papayag na madampian ka kahit sa balat lamang ng lalaking 'yon. Babalik tayo sa Laguna at aayusin ang dapat nating ayusin. Hinihintay na rin tayo ng bahay natin.” matamis na halik sa labi ang iginawad ni Razen sa asawa saka ito sinamahan paakyat ng kanilang kwarto.
Harold was on his way to Laguna para hanapin si Jelena dahil baka umuwi na ito ulit sa bahay ng mga magulang pero ganoon na lamang ang gulat niya ng makita si Tara.
Kaagad niyang ipinark ang sasakyan sa gilid at sinundan sa coffee shop na pinasukan ang babae.
“Tara!”
Mabilis siyang nilingon ni Tara at kaagad na umirap sa kaniya ng makita siya. Halos inilang hakbang niya lamang ang pagitan nila.
“Anong ginagawa mo rito?! Kailan ka pa nakabalik? Hindi ba't sinabi ko sa'yo na bantayan mo ang ex boyfr—”
Iritang sinuklay ng babae ang buhok. “Pwede ba, Harold? Kung hindi ka pa maka-move on jan sa second cousin mo pwes huwag mo na akong idamay. Gusto ko na ng tahimik na buhay.”
Pagak na natawa si Harold. “Baka nakakalimutan mong magkasabwat tayo sa mga naunang plano.”
Tinapatan naman ng babae ang nananakot na tingin ng lalaki. “So? Edi lakad ikaw ang magbantay kay Razen at sa asawa niya tutal magdadalawang linggo naman na mahigit mula nung nakabalik si Razen dito sa Pilipinas e. Lubayan mo na ako at baka ako pa ang magpakulong sa'yo.” dali-daling naglakad ang babae palayo sa kaniya.
Puno ng inis at prustrasyon ang siyang nararamdaman ni Harold. Mabilis siyang lumabas ng coffee shop at sumakay sa kaniyang sasakyan para magtungo sa bahay ng mag-asawa.
How come na hindi niya natunugan ang pag-uwi ni Razen? Wala pang isang taon mula noong umalis ito para sa proyekto nito sa California, ano't bumalik kaagad ang lalaki?
BINABASA MO ANG
The Unwanted Marriage [Completed]
RomanceKailan naging solusyon ang kasunduang kasal para mapagtakpan ang isang kahihiyang matagal ng tinuldukan? Ang pagpapakasal ni sa hinagap ay hindi sumagi sa isipan ni Jelena Alejo, isang magazine writer at photographer. Matapos ang paulit-ulit na kab...