TUM 10

111 3 0
                                    

TUM 10

                       Isang buwan mahigit na mula ng makaalis si Razen at mula noong magpunta si Harold sa bahay nila ng dis oras ng gabi. Nagpapadala ng email at tinatawagan siya ni Razen pero lahat ng iyon ay blinock niya.

Nagpalit na rin siya ng simcard maging ng mga accounts. She decided to forget about their marriage kahit pa sa papel lang. Ganoon rin naman ang ginagawa ni Razen sa Los Angeles. Hindi lang isang beses may nagpapadala ng iba't-ibang email sa kaniya. Lahat iyon ay mga kuha ni Razen kasama nito si Tara.

She's a photographer at binusisi niyang mabuti ang mga larawan. Walang edited doon. Lahat ay raw.

Ngayon ay nakaschedule siya to meet her friend— Yeshua. Pinabalik na muna niya si Relene sa bahay ng mga magulang nito dahil babalik na siya ulit sa trabaho at exclusive ang kaniyang assignment kaya hindi muna siya pinayagan na magsama.

Naintindihan naman iyon ni Relene na ipinagpapasalamat niya. Inihatid niya ito kahapon at nagpaalam ng maayos sa kaniyang mga biyenan. Ipinaalam niya rin sa mga ito ang tungkol sa pakikipagkita niya sa kung sino mang gusto niyang i-meet.

Hindi na ipinakita pa ni Jelena ang mga larawang ipinapadala sa kaniya ng kung sinong sender. Anak pa rin ng mga ito si Razen, hindi siya kakampihan ng mga ito.

Ni hindi man lang nga siya pinigilan ng mga ito ng sabihin niyang makikipagkita sya sa kung sino. Ibig sabihin ay wala talagang pakialam ang mga ito.

“Jels!” hindi na nagulat pa si Jelena ng marinig ang nakakairitang tawag sa kaniya ni Yeshua. Kumaway siya pabalik dito at naupo sa table na nakuha nito.

“Makatawag ka naman.” aniya at bumeso sa lalaki.

“Sorry. Na-miss lang kita. Ikaw naman kasi binigla mo ako sa pagpapakasal mo. Akala ko pa naman may chance na ako.” umarte itong nagtatampo.

Pabirong tinampal ni Jelena ang braso nito. “Tigil nga. Kumusta ka na? Buti napasyal ka dito.”

“Okay naman. Medyo naging busy sa work kaya hindi rin ako nakadalo nung kasal mo. Anyway, nabanggit mo sa akin kagabi na pupunta ka sa L.A?”

Tumango-tango si Jelena at nakislice sa kinakain ni Yeshua na blueberry cheesecake. “Oo. Bakit? Sasabay ka? Ano ba 'yan, hindi mo man lang ako ini-order.” reklamo pa ni Jelena na kinuha na lahat ng cake.

“Gutom na gutom ka ba? Para kasi sa'yo talaga 'yan kaya lang nagutom na ako kakaintay sa'yo. Lagi kang late sa totoo lang.” pabiro pa siyang sinabunutan nito.

“E kasi dumaan pa ako sa biyenan ko. Nagpaalam ako na kikitain kita.”

Natawa si Yeshua. “Wow ang honest mo namang manugang. Grabe talaga, simula noon hanggang ngayon hanggang front mo lang talaga ako.” iiling-iling ito.

“Ideya mo naman 'to e. Ikaw ang nag-suggest, sinakyan ko lang kasi feel ko mang-asar. I'm tired of always being the weak one where I can always return the favor naman di ba?”

Yeshua nodded while staring at her na inuubos ang slice ng blueberry cheesecake. “So kailan ang flight natin? Ikaw namang gaga ka, pwede mo naman sigurong tanggihan iyong assignment mo talagang naghahanap ka ng ikakasakit mo e.”

Tumaas ang kilay ni Jelena. “Hindi ako nasasaktan.”

“Pero gaganti ka? Alam mo denial ka na naman. Hindi mo pa lang siguro matanggap sa sarili mo that somehow— your husband has a little space na jan sa buhay mo. Kasi you wouldn't mind na dapat kung wala lang sa'yo si Razen.” seryosong pahayag nito sa kaniya.

Hindi na nakipagtalo si Jelena. Kilala niya naman ang sarili. Baka mag-away lang sila ni Yeshua kung makikipagtalo pa siya dito.

“So isasama mo pa ba ako?”

The Unwanted Marriage [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon