CHAPTER 25.2 – STILL BORED
It's been a week since nagsimula ang pasukan. It's been a week na puro ako tulog sa klase. Napakaboring kasi eh. English, Filipino, Theology at kung ano ano pang subject na napakaboring na di ko naman magagamit sa totoong buhay. Lalo na yang lintek na History na yan. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa nating balikan ang nakaraan na dapat nagfofocus sa present. Oh whatever, exciting lang yung part na may war.
Okay naman mga grades ko. Halos napeperfect ko nga eh. Bata pa lang ako ganito na ako. Natatandaan ko agad lahat.
Ang boring ng buhay ko. "Ms. Hanazawa!" Naririnig ko apilido ko. "HANAZAWA!" Grabe natutulog ako eh. "KIYOMIKO AZUMI HANAZAWA!!"
"Uruse!" (**urusai; shut up) sigaw ko. Lahat sila napatingin sa akin. Pati na din yung prof, tinignan ako ng masama. Hindi ko na lang sila pinansin.
"Ms. Hanazawa, solve the problem on the board." Sabi sa akin ng prof ko. Lumapit ako sa kanya at kinuha ang chalk na hawak niya saka ko sinolve ang pinapasagutan niya. Puro lang sohcahtoa kaya madali lang. Trigo ang subject ko ngayon.
Pagkatapos kong magsolve ibinalik ko sa kanya ang chalk. "ALL OF THEM!" Sabay sabi niya. Bumalik ako sa board at sinagutan ko ang limang problems na nasa board. Ibinalik ko sa kanya ang chalk ng matapos ako.
"Okay. Good. But next time ayokong natutulog ka sa classroom. Pay attention at makinig."
"But sir, nasolve ko naman siya. And it doesn't mean na I don't care about the subject nor doesn't pay attention kapag natutulog ako. I can hear you sir discussing."
"Hindi porke naririnig mo ako eh tama na yon. Dapat tinitignan mo ako! O sige Ms. Hanazawa, kapag naperfect mo ang Long Quiz niyo next week, papayagan kitang matulog. At kapag once na bumagsak ka sa isang quiz, seatwork or major exam, icicinco kita. Maliwanag?"
"Yes sir" pagkatapos ng klase umalis agad ako. Ang boring talaga! Sa likod ako ng university dumaan, try ko doon kumain. May nakita akong isang kainan, konti lang ang tao. Sakto, ayoko sa mga crowded.
"Uiy pre! Kailan yung laban mo?" malakas na sabi ng isang lalaki sa kasama niya.
"Sa Sabado na! Punta kayo ha? Bahala kayo di ko kayo malilibre. Sure win to mga parekoy!"
"Alam namin yun! Lagi naman e. Hahaha! Sana may chicks don." Sabi nung kaharap niya.
BINABASA MO ANG
Female Yakuza - Assassin [BOOK 4]
Action[The Assassin Sequel] *NO SOFTCOPY* © 2014 by iammejlyn Kyomiko Azumi, 18. When I was 16 years old, there's a price on my head. 5 Billion Yen or 2 something Billion Pesos. Every year the price always adding up to 1 Billion Yen. But they can't catch...