CHAPTER 33 - ENNEA

739 14 5
                                    


CHAPTER 33 - ENNEA


2 months kaming nagtagal sa grupo nila. sa 2 months na iyon, inobserbahan lang namin sila. Paano sila gumagamit, paano ang kilos nila at kung ano-ano pa. Akalain mo yon? Ginagawa namin ito dahil bored kami, but on the second thought, gusto ko rin silang tulungan. They're still young. Lalo na ngayon uso ang patayan dahil sa drugs.


"Richard" tawag ko sakanya. Naghihithit siya ng shabu. Pinanuod ko siyang maghithit. Sa dalawang buwan, si Richard lang ang hindi tumigil talaga. Kalahati sa grupo niya nagbago, pero syempre hindi nila iyon pinapakita kay Richard. Takot silang lahat sakanya.


"Uy bakit?" Nakangiti niyang sabi. "Gusto mo?"


"Kailan mo ba ititigil yan? Nakita ko kapatid mo kanina pauwi galing school. Bata palang siya pero umuuwi na siya mag-isa, naglalakad. Tingin mo. Paano kung yung kapatid mo, imbes na maghithit ka diyan eh ihatid mo? Ilang beses ko na--"


"Anong bang pakealam mo? Sino kaba ha?" Hinawakan niya ako sa leeg at sinakal.


"Richard!!" Sigaw ni Harry.


"Huwag kang makealam dito kung gusto mong patayin ko to at isusunod kita!" Sabi niya. Tumakbo siya palabas.


Hawak ko lang ang mga kamay niyang unti-unti akong pinapatay. Ramdam ko yung higpit, sobrang higpit na wala siyang pakealam kung mamamatay ako. Hindi na ako makahinga.


Biglang nawala ang pagkakasakal ko. Si Hideo, hinila si Richard at sinuntok siya. "Never ever do that to my girlfriend. Kung hindi, ikaw ang malilintikan." Nakaupo lang sa sahig si Richard. Lumapit sa akin si Hideo at hinawakan ang aking pisngi. "Are you okay?"


"I.. guess.." Nagkalayo kami bigla ng may dumaplis sa pagitan namin na kutsilyo. Nadaplisan si Hideo. Nakita namin nakatayo si Richard.


"Well kids. It's time for you to say goodbye. May mga nagbago, meron ding hindi." Tinignan ko si Hideo. Ano bang sinasabi nito?


Pagkatapos, may biglang lalaking pumasok. Nakaputi na longsleeve, nakablack pants at nakablack shoes. Pagtingin ko si Chester Law. 


"Anong ginagawa mo?" sabi ko sakanya.


"Azumi, sawa na akong makita ang mga batang to. May mga nagbago, meron ding kailangan na talaga ng guidance, and we're not that people. Don't worry, officer Law here is very kind. Di naman sila idederetso sa kulungan, lalo na bata pa sila. And he's not like one of the policemen na nababalitang pumapatay bigla."


"Long time no see." Sabi niya sa akin habang nakangiti.


"Officer Law, this are the kids that I've been telling you. Please take care of them." Binigay niya kay Law ang isang listahan. Kinuha ko naman iyon sa kamay niya at binasa. Unang una doon ang pangalan ni Richard. Sumunod ang mga kasama niyang gumagamit pa din. "This kid," turo niya kay Richard. "is there leader."

Female Yakuza - Assassin [BOOK 4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon