CHAPTER 10 - LOOK WHO'S BACK

4.6K 97 24
                                    

CHAPTER 10 - LOOK WHO'S BACK

 

 

AZUMI POV

 

Lakas ng mukha niyang sabihin sa akin na fair and sqaure eh halata mong friniframe up ako. Tinithreat ako saka huhulihin? Ano yon? Nasaan ang ebidensya nila? Tinutukan pa ako ng baril! Aba dapat sila nga ang makulong at hindi ako.

Kinabukasan maaga akong gumising. Aakyat ako ng bundok ngayon at itratrain ko ang sarili ko. Bakit?

Unti unti na kasi akong bumabagal. Last time na nagharap ulit kami ni oyaji (father) ang bilis niya habang ako napakabagal. Kailangan kong iimprove ang stamina ko. Nagdala ako ng maraming tubig, extra clothes, tatlong bento, pera at syempre ang pinakamamahal kong katana ko.

"Okay na ba talaga yang tatlong bento?" Tanong sa akin ni Obachan (grandma)

 

 

"Yes basaan!"

 

 

 

"Oh ito towel, baka maligo ka din doon. Kailangan mo ba ng shampoo?" Natatawa na lang ako kay obaasan.

"Obasama, okay lang ako. Okay na yung towel." Sabi ko.

"Clarence masyado mong binibaby ang apo natin."

 

 

 

"Naku! Syempre walang bata dito. Yung anak ni Shin baby pa, alangan naman yun kausapin ko. Itong si Azumi, dalaga na." Sagot ni baasan.

"Hayaan mo na yang lola mong gurang. Mag-iingat ka ha?" Sabi sa akin ni Ojiichan.

"Anong sabi mo Laurence? Mas gurang ka." Ang cute talaga nila obaasan at ojiichan pagnagaaway. Tapos kung pumorma sila parang bagets na bagets. Daig ako! Sabagay di naman sila mukhang matandang matanda ee.

"Sige na po, una na po ako." Sabi ko sa kanila at ngumiti.

"Mag-iingat ka iha. Tawagin mo kami agad pagdi mo na kaya." I nodded. Kiniss ko naman silang pareho at umalis na.

Female Yakuza - Assassin [BOOK 4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon