CHAPTER 12 - EXCITEMENT

4.1K 90 17
                                    

CHAPTER 12 – EXCITEMENT

What the heck's going on? Tumingin lang ako sa paligid ko habang nagsasayaw kami. Ang ganda ng paligid punong puno ng ilaw. Ngayon lang ako nakakita ng ganito kaganda at nakarxperienced ng ganito.

Pero ang weird. Bat pa naghanda ng ganito si Lee? Then naalala ko yung sinabi niya sa akin. No reaction nga lang ako eh. Ang sama ko ba?

"Hoy." Sabi niya sa akin habang nakatingin. Tinignan ko naman siya sa mata at tinaasan ng kilay. Nagtitigan lang kami, ayaw magpaawat.

"Ah! Talo!" Sabi ko sakanya. Kumurap kasi siya.

 

"Isip bata." Sabay inirapan ako.

 

"Tss." Tahimik lang kami hanggang sa matapos ang kanta.

Hawak niya ang kamay ko pero binitawan niya ito saglit para iurong yung upuan at doon ako umupo. Umupo naman siya sa harapan ko then may mga lumabas at nagserve ng mga pagkain.

"Tabete." (Eat) Nagsimula naman na akong kumain ganoon din siya.

Habang kumakain kami bigla siyang nagsalita. "Oo nga pala. Sabay na tayo umuwi." Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Why? Ayaw mo akong kasabay?”

 

 

 

"Ayaw." Sabi ko.

"Okay." Sabi niya sa akin at kumain ulit siya. Natapos ang pagkain namin, hindi pa din kami nagsasalita. Siguro ilang minuto bago siya nagsalita.

"Sa bahay ko ikaw matutulog." Napatingin afad ako sa kanya. Ano daw?

"Anong sinabi mo? Bahay MO?!"

 

 

 

"Yes, is there a problem?"

 

 

Female Yakuza - Assassin [BOOK 4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon