CHAPTER 3 - THE REASON

6.3K 126 9
                                    

CHAPTER 3 – THE REASON

 

“Kakain na!” Sigaw ni mommy. Bumaba na ako mula sa kwarto ko. Umupo na ako at kumain. Tahimik lang ako habang sila abalang inaasikaso ang kambal.

Naiinggit lang talaga siguro ako sa kambal. Nakakamusta pa din ako ng parents ko pero limited lang. Diba nga hindi nila alam yung nangyayari sa akin?

Pagkatapos kong kumain bumalik agad ako sa kwarto ko, matutulog na sana ako ng biglang pumasok ang tatay ko.

 

“Meron ba akong hindi nalalaman?” Sabi niya habang nakasandal sa pader. Kung dati close kami ng father ko, pero ngayon hindi na masyado. Wala kasi siya lagi, eto naming nanay ko puro yung kambal ang inaasikaso. Hindi din kami close nung kambal dahil pagkakausapin ko sila minsan ako pa ang napapagalitan sa nanay ko.

Yung tipong pinapatahan ko sila since bata pa sila, ako pa ang napapagalitan. Hindi ko maintindihan Logic ng nanay ko.

 

“Wala naman.” I said.

 

“Nakita kita kanina.” Sabi niya. Medyo nagulat ako, pero hindi ko pinahalata.

 

 

“Ha? Where?” I said.

Tumabi siya sa akin at may binigay siya. A piece of cloth... that’s mine!

 

“This is yours.” He said. “Kahit hindi mo sabihin, ramdam ko pa din. Anak kita malamang. Kilalang kilala kita Azumi.” Tumingin ako sa kanya. He hugged me.

 

“Sorry kung hindi na kita masyadong nakakamusta. Busy lang sa work, alam ko nagtatampo ka na. Lalo na sa mom mo, puro yung kambal kasi hinahandle niya.” I smiled. He tapped my head.

 

 

 

“Are you sure na gusto mong umuwi ng Pilipinas?” I nodded. “Paano ang business mo?” Napatingin ako sa kanya. Fine aamin na ako.

 

 

“Hindi ko alam, dad. Maybe.. I’ll stop it.”

 

 

 

“Aren’t you tired killing people?”

 

 

Female Yakuza - Assassin [BOOK 4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon