CHAPTER 26 – OPPONENT
Saturday.
Ang bilis ng araw at sabado na. Excited na ako! Hinihintay ko talaga tong araw na ito. Nandito sa isang pavilion sa tapat ng building namin. Dito kasi kami magkikita kita since dalawa lang ang kotse na gagamitin.
8:00 AM ang laban at 7:00 AM kami magkikita kita. Pero 7:15 AM na, wala pa din sila. Mga 7:23 AM na sila nakarating.
"Why are you late? Akala ko ba usapan ay 7:00?" Sabi ko doon sa Stephen.
"Sorry, nalate ng gising."
"Ganito talaga sa Pilipinas Azumi, 7:00 ang usapan pero after ilang minuto doon palang lilitaw. Masanay ka na." Sabi ni Ashton.
"Masanay? Kaya walang disiplina mga tao dito eh. In other countries once you are late, you will receive a punishment kahit 1 minute late ka lang. Well anyway, ayoko ng magrant. Let's go." Sabi ko. Pumasok ako sa kotse sa harapan ako umupo. Napatingin naman sila sa akin. "What?" Umiling iling lang sila.
On the way na kami sa lugar, I dunno where is that place. Luckily, hindi traffic. "So, anong naisipan mo bakit bigla bigla kang sumasama sa mga hindi mo kakilala at mga lalaki pa? Tapos sa isang race event pa?" Sabi nung Stephen. Siya ang nagdridrive, sa likod yung dalawa niyang barkada na nameet ko din sa kainan. Yung isang sasakyan nauna na.
"Gaya nga ng sabi ko, I'm bored."
"Bored ka kaya ka sumama sa amin?" Tumingin ako sa kanya.
"Hindi ako sumasama sa inyo because of some other reasons like looking for a mate or what, I'm here because of the race that's all." I smirk.
"Bakit ang sungit mo?" Sabi nung Ashton sa likod.
"Really? Hmm. Di ko alam eh. Siguro nature ko na lang yung ganito. Pranka lang naman ako ee. Ayoko kasi ng nakikipagplastikan."
"Kaya ba puro mga lalaki mga nagiging kaibigan mo?" sabi ni Jed.
"Hindi naman sa ganon. Sadyang, hindi lang ako sanay makipagplastikan sa mga babae. Madami na kasi akong naencounter na ganon at halos lahat plastic. Kunwari mabait pero kapag wala ka na at nakatalikod ang dami ng sinasabi." Naalala ko tuloy nung nag-aaral pa ako sa Japan. Pero okay lang na wala akong kaibigan sa mga kaklase ko, mas okay na yun kesa makipagplastikan pa ako.
"Ahhh. Bakit nga pala Engineering course mo?"
"No choice" sabi ko "pinagpili kasi ako ng family ko sa mga courses na sinabi nila. Civil Engineering yung nagustuhan ko sa mga sinabi nila"
"Ano ba ang gusto mo?" tanong ni Ashton.
"Medicine. Pero iniisip ko baka nursing muna bago magmed. Or maglaw. But that's impossible baka tawanan lang nila ako."
"Bakit mo naman nasabi?" tanong niya ulit.
Because we're the family of yakuzas and assassins. Syempre di ko sinabi yon. "Tingin nila hindi ko kaya. Hindi naman kasi ako mahilig mag-aral eh. Kung pwede lang ayokong mag-aral at magtrabaho na lang pero di sila pumayag."
"Anti-social ka noh?" tapos nagtawanan sila.
"Hmm. Yea? Medyo? But as much as possible ayokong magkaroon ng mga kaibigan or magkaroon ng mga malalapit na kaibigan."
"Bakit naman?" because I kill people or should I say I've killed thousands of people already. Sinong makakaaccept sa akin diba?
"Namimili ako ng kinakaibigan eh." Sabi ko na lang at ngumiti. "Kanina pa kayo tanong ng tanong ah."
BINABASA MO ANG
Female Yakuza - Assassin [BOOK 4]
Action[The Assassin Sequel] *NO SOFTCOPY* © 2014 by iammejlyn Kyomiko Azumi, 18. When I was 16 years old, there's a price on my head. 5 Billion Yen or 2 something Billion Pesos. Every year the price always adding up to 1 Billion Yen. But they can't catch...