CHAPTER 6.1 – FOR THE SECOND TIME
Isang buwan na ang nakakalipas simula ng maging magkaibigan kami ni Alice. Hindi kami kagaya ng nga normal na magkaibigan na laging magkasama. Naguusap kami pero hindi kami magkasama. Madalas na din akong pumupunta sa kanila.
Ayaw kasi siyang payagan magovernight sa amin or lumilibot. Kaya ako na lang ang pumupunta. Lagi ko siyang tinuturuan ng basic self defense. Hindi naman pwede na yung literal na ginagawa ko ang ituro ko sa kanya. Ako kasi hindi naman talaga totally tinuruan. Ang tinuro lang sa akin eh mga martial arts. Alam niyo naman yun diba?
Pero yung iba, ako na ang gumagawa. Nung nagsimula akong nagassasinate ko lang nadiscover ang gift ko.Once na nakita ko siya, nagagawa ko siya. Kaya pagmay pinapanuod akong action movies, nagagaya ko. Alam niyo ba yung movie na Azumi? Doon ko nakuha ang ilan kong moves. Paborito ko kasi iyong palabas.
Minsan naman kusa ko silang pinagaaralan. Minsan kasi pagdi ako nakaconcentrate, hindi ko nagagawa kung ano ang nakita ko. Wala akong photographic memory. Triny kong gamitin iyon sa school pero hindi ko magawa ng maayos. Kailangan talaga full of concentration. Ang may photographic memory kasi tanda agad eh. Ako hindi, kailangan pa din ng puspusang pag-aaral.
"Tama ba ginagawa ko Azumi?" Tanong niya sa akin. Kendo lesson namin ngayon.
"Yes, tama." Sabi ko habang pinapanuod siya. "Magrest ka muna." Sabi ko sakanya.
Nagpahinga muna siya samantalang ako tumingin tingin muna sa mga pictures na nasa ibabaw ng piano.
Tinignan ko maigi ang family picture na andoon. Familiar ang lalaking ito.
"That's my stepdad." Sabi niya sa akin. "He's a great father kahit hindi ko siya real father. Too bad he's gone.”
"I see." Sabi ko habang nakatitig pa din sa kanya.
I remember the first guy na niligtas ko. Begging for forgiveness. Kamukhang kamukha niya ito.
"He looks like a Japanese." I said.
"Yes he is."
"Tell me more about him."
"Well naging sila ng mom ko nung 10 years old ako. Ang alam ko sila na before that, hiwalay na kasi sila ng biological father ko noon. Nung 13 years old ako, biglang may nagbago." She sighed. "Nung pumunta nga siya dito, parang takot na takot ng umuwi ng Japan. Narinig ko sabi niya kay mom na Yakuzas haunting me. Hindi ko nga alam kung ano ung mga iyon eh kaya pinabayaan ko na lang. Lumipat kami ng America, then umuwi kami dito sa Pilipinas nung namatay siya."
“I see.” Nakatitig pa din ako sa larawan. Nakikinig lang sa mga kwento niya.
“Simula ng bumalik siya from Japan nagiba siya. Naging strikto siya. Ayaw niya ako palabasin na ng bahay simula nun. Ayaw na niya akong makipaghalo bilo.” Umupo siya sa harapan ko.
“I know there’s a reason behind that pero sumobra na kasi siya. Yung tipong nasaktan na niya ako para lang pigilan akong lumabas? Kahit nga group project or overnight eh wala, ayaw niya. And because of that, di ko ding maiwasang magbago.”
“Kailan babalik ang parents mo dito?”
“Tomorrow.” She smiled. “Pakilala kita, matutulog ka dito diba?” She said. I nodded. Nakakatitig pa din ako sa picture, hindi kaya siya ito?
“May problema ba Azumi?” Tinignan niya ako ng nagtataka.
“Familiar siya.” I said. He’s really familiar. Hindi ko na lang ito pinansin, binuksan ko ang piano at tumugtog.
Napanuod ko kasi yung Secret nung minsan, natutunan ko siya agad tugtugin. Tinugtog ko ang theme song ng Secret entitled: Secret. Alam niyo ba yun?
Anyway, di na kami bumalik sa pagseself defense, ang ginawa na lang namin nagmovie marathon ng any Korean Drama.
Since I’m not fond of Korean dramas, nabore ako.
“Ihh Azumi naman. Panuorin mo to, ang ganda ganda nito promise!” Nakaupo lang ako at nakataas ang left kong paa sa upuan. Tumango tango lang ako at nagplay na siya.
Movies and series ang pinapanuod namin. Andami na naming pinanuod este siya lang pala, pero ni isa wala akong maintindihan. Yung iba walang subtitle, yung iba naman di ko talaga trip kasi heavy drama. Pati nga siya naiiyak eh.
“Pansin ko, bored na bored ka na ha?” Sabi niya sa akin sabay bato ng unan.
“Hindi ko trip kasi ang mga yan.” Sabi ko na lang.
“Ay oonga pala, Japanese ka. May Japanese ako dito, Gokusen.” Sabi niya.
“Yan na lang!” Sabi ko. Syempre ako tuwang tuwa.
Sa kalagitnaan ng panunuod namin, at kung saan maganda na ang part, biglang may nagdoorbell. Wala pa ding nagbubukas doon hanggang sa paulit ulit na ang tunog ng doorbell.
“Ang ingay!” Reklamo ni Alice. “Ya! Yung gate may nagdodoorbell.” Ilang minuto ang nakalipas wala pa ding nagbubukas.
Dahil sa inis ni Alice tumayo siya at siya na ang nagbukas. Medyo may mali sa kutob ko kaya tumayo ako at sinundan siya.
Pagkabukas niya ng pinto, may nakatutok agad sa kanyang baril.
SORRY LATE :)
MIDTERM NA :D
TOMORROW YUNG KASUNOD. INAANTOK NA AKO HUHUHU
PAGOD MUCH -_-
VOTE COMMENT SHARE XXX
BINABASA MO ANG
Female Yakuza - Assassin [BOOK 4]
Action[The Assassin Sequel] *NO SOFTCOPY* © 2014 by iammejlyn Kyomiko Azumi, 18. When I was 16 years old, there's a price on my head. 5 Billion Yen or 2 something Billion Pesos. Every year the price always adding up to 1 Billion Yen. But they can't catch...