CHAPTER 14 – FRIENDS
After 2 weeks. 9:00 PM at Mizushima Mansion.
“What do you think Ms. Azumi Hanazawa?” Sabi sa akin ni Blake. Kinuha ko ang mga files na inilapag niya sa harapan ng table ko.
Gamit namin ang office ni Ojiisan (grandfather). Wala silang alam tungkol doon sa pagkabuhay ng boss ng Ishinagi Family. Kaming tatlo lamang ang nakakaalam at mas maganda iyon. Ako ang nagumpisa, kaya kailangan kong tapusin ito sa pamamaraan ko. My unfinished business.
“Hayashi Akashi.” Tinignan ko si Blake pagkatapos. “Ito lang?”
“Hindi ko makuha yung original copy. Magtataka sila kung bigla na lang iyon mawawala.”
“Then sana pinicturan mo!” sabi ko. Bakit ganito magtrabaho si Blake ngayon? Ang dumi! Ang pangit! Hindi siya ganito dati! Kulang kulang ang trabaho niya!
Nagtinginan kami ni Lee. Mukhang parehas kami ng naiisip.
“Wala akong dalang camera eh.” Aba! Nagrason pa!
“Anong klaseng rason yan Fujimoto!? pinagplanuhan na natin ito, bakit ganyan ka kumilos?!” Sabi ni Lee.
“It’s Sylviejo. Fujimoto is my middle name.”
“Aba! Sumagot ka na lang.” Pero hindi siya sumagot. Yumuko lang ito at nanahimik.
“Ano bang nangyayari sayo ngayon ha? Blake?”
“Nagquit na ako sa pagiging assassin. Hindi na ako apprentice ng tatay mo Azumi.” Sabi niya sa akin agad agad.
“Anong nagquit!? Paano?”
“Sabi ng tatay mo sa akin, hahayaan na niya ako kung ano ang gusto kong gawin. Hindi ko na kailangang sumunod sa utos niya dahil tapos naman na daw ang war. May matinong buhay na ako Azumi, Tomoyuki.”
BINABASA MO ANG
Female Yakuza - Assassin [BOOK 4]
Acción[The Assassin Sequel] *NO SOFTCOPY* © 2014 by iammejlyn Kyomiko Azumi, 18. When I was 16 years old, there's a price on my head. 5 Billion Yen or 2 something Billion Pesos. Every year the price always adding up to 1 Billion Yen. But they can't catch...