CHAPTER 2 - I MET MY DAD

7.4K 147 9
                                    

CHAPTER 2 – I MET MY DAD

 

“Kahit kailan talaga Miss Hanazawa hindi ka na natuto!” Sigaw sa akin ng Vice Principal syempre in Nihonggo. Ako naman pasok sa kanan labas sa kaliwa. “Hindi porket pamilya mo ay isang yakuza kailangan mo ng magganyan ganyan? Miss Hanazawa! Hindi iyan pwede!” Nagbow na lang ako, papaalis na sana ako ng may narinig akong sinabi niya na di ko nagustuhan.

 

 

“Palibhasa mga katulad niyo puro basag ulo walang matinong magawa at pahamak sa lipunan.” He murmured.

Lumingon ako sa table niya, nagsusulat na siya ng kung ano man iyon. Dahan dahan akong lumapit sakanya. “Vice Principal, may sinasabi ka ba?” Napatingin siya sa akin at napataas ang kilay. Tinaasan ko din ng kilay.

 

 

“Kung ano ang narinig mo yun na yun.” I smiled at tumango tango. Tumalikod ako saglit at huminga ng malalim. Then mabilis kong inangat ang paa ko sabay bagsak sa table niya.

 

“AAHH!” Sigaw ng lahat ng nasa office.

 

“A..a..anong ginawa mo!?” Sabi ng Vice Principal.

 

“Kung ano ang nakita mo, yun na yun.” Sabi ko at ngumiti.

 

 

 

“Ba.. bat mo winasak ang lamesa ko?! Ipapatawag ko ang magulang mo! Or.. or.. maeexpel ka sa school na ito!” Sigaw niya sa akin habang dinuduro. Edi gawin niya. Wala naman akong pakealam. Umalis na lang ako sa office.

Lahat ng estudyante nagtitinginan sa akin. Siguro alam na nila ang nangyari. Lahat nagbubulungan, lahat natatakot, lahat gumigilid pagdadaan ako. Pagkapasok ko sa classroom tinignan ako ni Blake at umiling. Si Tomoyuki naman nagbabasa lang. Normal na sakanila ito, di ko alam bat si Blake hindi pa normal sa kanya.

After nun, nagsimula naman na ang boring na klase. Halos tulog lang ako magdamag. Hindi sa pagmamayabang ah? Pero kasi sa totoo lang, once na narinig ko na yung discussion mabilis ko na lang ito matatandaan at maiintindihan.

 

 

“Paano yan pagipapaexpel ka?” Sabi sa akin ni Blake. Lunch break namin.

“Si Azumi pa? Sus. Wala yang pake. At isa pa impusibleng ieexpel yan. Siya kaya ang highest sa buong academy. Dinaig pa ang mga nasa Section A.”  Tama naman si Yuki, ano ba yan dami kong tawag sa kanya, Yuki sige. Tama naman siya, pero wala akong pakealam doon.

Female Yakuza - Assassin [BOOK 4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon