CHAPTER 4 - PHILIPPINES

5.9K 111 19
                                    

CHAPTER 4 – PHILIPPINES

 

“Are you sure, Azumi?” Sabi ni mommy. Naiinis pa din ako sakanya. Nasa airport kami ngayon, hinatid nila ako. Ako lang ang uuwing Pilipinas. Miss ko na din kasi sila Obaasan at Ojiisan. (Grandma; Grandpa)

 

“Yes.” I said. Poker face lang ako pagkinakausap ako ng mom ko lately. Naiinis pa din ako.

 

“Mamimiss ka ng mga kapatid mo.” She said. Mas lalo akong nainis sa kanya. Ibig niya lang sabihin ay ‘Mawawalan ng mag-aalaga sa kapatid mo’. Paksht! Yun lang naman tingin niya eh. Mahal ko mga kapatid ko, pero iba trato sa akin ng nanay ko. Ginagawa akong katulong. Alam kong may obligasyon akong tumulong pero iba talaga eh. Halatang may favouritism. Ayoko sa lahat ang ganon.

 

“Halika na, ihatid na kita sa entrance. Malalate ka na.” Dad said. I nodded. I hooked my hand on his arm. Ganito kami kaclose ng dad ko. Kahit na nagkaroon ako ng hinanakit sa kanya noon? At kahit na ang mother ko lang ang kasama ko noon, ngayon kabaliktaran ang nangyayari.

Nakadating na kami sa entrance, hinalikan ako ni Dad sa noo. “Take care, anak. Tatawag ako after 6 hours. Ingat ka doon. Araw araw akong tatawag—“

 

 

“Dad. Okay lang ako, remember?” I smiled. He smiled back at tumango tango.

 

 

“Pakabait ka doon ah? Wala ng away.” I nodded. “Lalo na’t wala sila Blake at Tomoyuki doon.”

“Si Blake po yata susunod eh. Si Yuki, mukhang hindi. Gusto niya daw po ditong magcollege.”

 

 

“Ah, I see. Anyway, larga na.” Hinug ko ng mahigpit ang dad.

 

 

“Aishiteru jiji.” (I love you dad)

 

“Aishiteru mo.” (I love you too)

Then I’m off. Almost 4 hours ang byahe ko, diretso agad ako sa bahay. Sinalubong naman ako ng mga yakap at halik ng mga lolo at lola ko. Gayundin si Tito Shinichi with his wife and anak.

 

 

“OKAERINASAI!!” (Welcome home) Pagkapasok ko sa mismong loob, andaming tao! Sinalubong nila ako ng confetti at pagbati. Lahat ng kamag-anak namin halos andito. Even my second cousins!

Female Yakuza - Assassin [BOOK 4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon