CHAPTER 27 - I'M DEAD
"Congratulations Ms. Hanazawa..." my professor in Trigonometry said bitterly while he gave my paper. 90%, I won, of course I already expect that. Isang linggo mahigit din ang tiniis ko na hindi matulog sa klase niya, but now, I can sleep peacefully.
"Sir, kapag ba naperfect namin exam pwede na din ba kaming matulog?" sabi ng isa kong kaklaseng lalaki. Biglang naging seryosong seryoso ang prof namin.
"If you can. Anyone in this class, kapag naperfect niyo ang final exam. Final Exam ha, gagawin ko ang lahat kahit bagsak bagsak mga quizzes niyo pero perfect ang exam, uno agad ang ibibigay kong grade sa inyo. Naiintindihan niyo ba? FLAT ONE." He smirked. Panigurado hihirapan niya ito. Kinabahan naman ang ilan, siguro naiisip na nila na magiging mahirap ito.
--
KIYOSHI POV
"I miss my daughter." sabi ko kay Kumiko.
"So do I, pero wala tayong magagawa. Hindi siya matututo kapag di natin iyon ginawa." sabi niya.
"Kaasan, we have a family event on Friday." Hikari said.
"Dapat we are complete ha? Mommy, dapat neechan's there ha." Hikaru said. (sister)
"PLEASEE!!!" they plead.
"Your sister can't come, she's busy because of school--"
"Di pa naman natin siya tinatanong ah.." humarap ako sa mga anak namin. "We'll tell her sweetie."
"Kiyo---"
"Huwag mong ikulong si Azumi."
--
AZUMI POV
I lay on my bed pagkadating ko ng dorm. I'm starting to hate this place. Ang kalat. Mabait naman sila eh, pero.. ang kalat. Wala sila ngayon dito, magisa ko lang. Nastress ako sa lugar na ito. Nasasakal ako.
*ring.. ring..*
"Hey dad. Sup?"
"Available ka ba sa Friday morning?"
"Hmm.. have classes. Why?"
"May family event kasi ang kambal, gusto nila andoon ka eh. Well, it's okay sabihin ko--"
"No dad. Pupunta ako. Aabsent na lang ako."
"Are you sure?"
"Of course. I miss them.." eventhough pinagseselosan ko sila. Pero bata lang naman sila, wala silang kaalam alam. Buti nga dito na sila pinag-aral. "and I need to talk to you guys."
"Ah.. okay. Kamusta jan?"
I sighed. "Nasasakal ako dad. Hayy. Friday na lang, you me and mom really need to talk this out."
"Okay nak. See you!"
I closed my eyes hanggang sa di ko namalayan nakatulog na ako.
In my dream, I was walking in a forest... dark forest ng may narinig akong sigaw from behind.
"AAAAAAAHHH!!" Lumingon ako at pinakinggan kung saan nagmumula ng biglang paglingon ko may isang babae na hindi ko familiar ang itsura. Hindi ko pa siya nakikita, duguan. May dugong lumalabas sa mga bibig niya. Ang mga kamay niya punong puno ng sugat.
Lumapit siya sa akin at hinawakan ang braso ko. "Help me, please!" Tears started to fall from her eyes, but it's blood. "Help me!" Tinitigan niya ako sa mata, gusto ko siyang tulungan pero hindi ako makagalaw.
"AAAHHH!!" Bigla na lang may humila sa kanya. Gusto ko ring sumigaw pero hindi ko magawa. Hindi sumusunod ang katawan ko sa utak ko.
"Come on!" sabi ko sa utak ko. Lumingon ako sa gilid ko, andoon ang katana ko.
"AAAAAAAAHHHH!!" Her voice is slowly fading. Someone, killed her.
I can hear footsteps papalapit sa akin. I'm trying to bend at kunin ang katana ko pero ayaw talaga. Sht! C'mon body, move!
"Don't. Dare." Gulat na gulat ako kung sino ang nasa harap ko. Para akong nakatingin sa salamin.
It's me. Holding my katana on my side. Ang daming dugo sa damit at katawan ko. Pati na rin sa mukha ko. Ngumiti ito sa akin habang papalapit. This is the first time na natakot ulit ako. Hindi ako natatakot kahit kanino, hindi ko rin ineexpect na.. matatakot ako sa sarili ko.
Tumingin ito sa kanan, may mga nagsilabasan na mga samurais, ganon din sa kaliwa. Sabay sabay silang umatake. Sht ano to? Mamamatay ako?! HINDI AKO MAKAGALAW!
"AAAAHHH!! KILL HER!!!" Sabay sabay silang sumugod habang ako naghihintay kung anong mangyayari sa akin. Nakikita ko ang sarili ko, pinapatay niya kung sino man ang lumapit sa kanya. Ang lakas niya, ang galing niya, nakakatakot siya.
Dinadaan daanan lang ako ng mga kalaban, sht. I want to go home. Naiiyak ako. Alam ko sa sarili ko na nakakita na ako kung paano pumatay ang iba, hindi ako natakot. Pero ang sarili ko... hindi ako makapaniwala. Para akong bata na iniwan mag-isa sa isang crowd.
She's tearing every piece of their body. Ganito ba talaga ako pumatay? Or hindi ko lang talaga namamalayan na, ganito na pala ang ginagawa ko.
"STOP!" I shouted. Sa wakas, nakakagalaw na din ako ng maayos. Kinuha ko agad ang katana ko sa gilid. Ang sarili ko na lang ang natitirang buhay. I positioned my katana on the front, gripping it using my two hands.
"Azumi.. this.. is.. your.. destiny." She smiled.
I strike my katana. Pero pinigilan niya ito. Ganito ba talaga ako kalakas? PArang hindi tao. Mas lalo kong diniinan ang katana ko, ngumisi lang siya. "Weak" Pwinersa niya ang katana niya pataas saka niya ako sinaksak.
"AZUMI!" Rinig kong may tumawag sa akin pagkabagsak ko. Hindi ko alam kung sino iyon. Napahawak ako sa dibdib ko, sa may puso. I'm dead... I'm dead. Myself killed me. Why? How?
"AZUMI!" Darkness filled my sight, It's so cold, I can't feel anything... this is hell.
THANK YOU GUYS FOR WAITING! WILL UPDATE NEXT WEEK! :)
BINABASA MO ANG
Female Yakuza - Assassin [BOOK 4]
Action[The Assassin Sequel] *NO SOFTCOPY* © 2014 by iammejlyn Kyomiko Azumi, 18. When I was 16 years old, there's a price on my head. 5 Billion Yen or 2 something Billion Pesos. Every year the price always adding up to 1 Billion Yen. But they can't catch...