CHAPTER 5 - ALICE

5.6K 113 11
                                    

CHAPTER 5 – ALICE

Kinabukasan pagkapasok ko, mga nagkakagulong estudyante ang sumalubong sa akin. Mga kaklase kong nagkakagulo, mga taga-ibang section na nakikichismis.

 

"Ikaw bruha!" Sigaw ng isang babaeng pamilyar sa akin.

 

"Ikaw pala ang mangaagaw!" Sigaw naman nung babaeng isa na pamilyar din sa akin.

Hindi ako makapasok masyado sa classroom dahil sa mga nagkukumpulang estudyante.

"Excuse me!" Sigaw ko. Pero wala pa din. Mas lalong dumami ang nga tao sa classroom.

Pinilit kong makapaok. At nga makapasok ako isang malutong na sampal ang naabutan kong natanggap ni Michelle.

"Ahas!" Sigaw naman ni Ms. Jimenez.

Ano bang nangyayari? Nakakaistorbo sila sa may klase. Umupo na lang ako sa pwesto ko at nagsoundtrip. Ginawa ko na din yung homework sa Calculus.

Habang nagsosolve ako bigla akong natamaan sa napasubsob na babae. Then biglang sumugod yung isa sa kanila at sa pwesto ko na sila nagsabunutan.

Oh please! Not in my place. Hinila ko si pataas dahil nakapatong siya kay Michelle then I chopped the back of her neck ng mabilis at dahil doon napatulog siya.

 

"Anong nangyari sa kanya?" Tanong naman ni Michelle.

 

 

"Tumayo ka na lang diyan." Sabi ko at tinignan siya ng masama.

Kitang nag-aaral yung tao ginugulo ako. After ilang minuto dumating na din ang principal, vice principal at guidance counselor namin.

Half day walang pasok dahil doon sa nangyari. Dahil sa kalokohan nilang dalawa nawalan ng klase. Tumambay na lang ako sa rooftop ng school. May rooftop to pero bawal pumunta ang kahit sinong estudyante. Nasanay na kasi akong dito tumatambay kaya pinilit ko talagang makapasok.

 

"Tambayan ko to." Sabi ng isang babae. Pagtingin ko si Alice.

 

"Bat nandito ka sa school?" Tanong ko.

 

 

"Masama ba?" Tinaasan ko lang siya ng kilay. "Hindi kasi alam ng parents ko na suspended ako. Kaya nagstay na lang ako dito kesa naman maglibot. Mas nakakabagot."

Female Yakuza - Assassin [BOOK 4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon