Chapter 2
Nagising ako sa sunod-sunod na katok sa pintuan. Irita kong binuksan at bumungad sakin si Amira. She looked pissed and irritated at the same time.
"Kaaga-aga lakas ng katok mo" sabi ko sakanya "Malamang ang tagal mong nagising at baka nakakalimutan mo Señorita ma enroll tayo mamaya kaya bawal tayong matagalan." sabi niya
Wala na akong magawa kundi ay kumilos na agad. Naligo na ako at nagbihis na sinuot ko nalang ay pants at crop top na hindi masyadong kita ang pusod. I put some liptints, and foundation in my face para maganda tingnan. Pinuyod ko ang aking buhok at ginawang sintipid.
Kinuha ko ang aking bag at nilagay doon ang cellphone, requirements, and wallet. Bumaba nako at nakita ko si Amira na naka ready at halatang ako nalang ang hinihintay. She look at me "Mabuti naman naisipan mong bumaba na dahil late na tayo" sabi niya nang makaupo nako sa upuan
"Look I'm sorry. Nakalimutan ko magpa-alarm tsaka ang aga pa kaya 6:00 palang ng umaga Amira." sabi ko sakanya "6:00 am nga ng umaga pero yung saming mga college ay alam kong mahaba na ang pila ngayon." sabi niya
Hindi nako nagsalita dahil baka magalit pa siya pero yung totoo nagpapa-pabebe lang 'yan. Ganyan talaga 'yan pag tinopak kaya naman ay binilisan ko na kumain hanggang matapos na kami.
We locked the apartment and naghanap na ng masasakyan. Pahirapan ngayon humanap dahil madami ring mga pasahero pero thankfully ay nakapag grab pa kami.
We immediately arrived in Laconia University.
Nagbayad na kami at bumaba na ni ready kona ang mga requirements at ganon rin si Amira."Saan tayo magkikita? Nakakatamad pumunta sa Deparment niyo. Tirik na tirik ang araw jusko." reklamo ni Amira "Sa Coffee Latte nalang. Kung makapag reklamo ka parang ikaw lang ang hindi naiinitan" sabi ko sakanya
"Swerte ka nga kase hindi ka naiinitan hindi ka umiitim. Eh paano naman ako? Isang tama lang iitim na agad" sabi niya
"Reklamo ka nang reklamo mas matatagalan pa tayo nito. Reklamadora ka talaga kahit kailan" sabi ko tumingin siya sa relo at nagulat sa oras kaya naman ay nagpaalam na siya.
Wala na akong magawa kundi ay pumunta na sa Shs Department. Malawak ang Department dahil nandun lahat ng strand. May Department ng Humss, Abm, Stem, Tvl, at Gas.
First floor is Gas Department, Puro taga Gas ang nandun kaya naman ay hindi kana mahihirapan maghanap sa room mo at mga undecided pa ang mga students sa kursong gusto nila. Second Floor is Abm Department, Puro mahihilig sa math ang iba dito na rin papasok ang mga gusto maging accounting. Third Floor is Humss Department, Which is my department, Dito papasok ang gustong magkuha ng law, teacher, and iba pa na related sa strand. Fourth Floor is Stem Department, Puro mahihilig rin sa math at ito rin ang strand ng mga gusto mag engineer in the future. Last but not the least is Tvl Department dito ang mga mahihilig magluto or gusto maging chef in the future.
Nasa tapat nako ng Shs Department at nakikita ko ang mahabang pila galing sa mga iba't ibang Department. Pumunta nako sa Humss Department at nakita kona ang mahabang pila pero pumila na rin ako.
Ilang minuto akong naghintay hanggang sa malapit nako sa may cashier ng may narinig akong nagtatawanan na mga lalaki. They look good but one person caught my attention.
The Chinito guy who wear a eye glasses. Wolf cut ang hair cut niya and he look good in that hair cut. Naka polo na puti at ang pambaba niya naman ay kulay black na korean black casual trousers.
Bigla siyang napatingin sa gawi ko at napatigil siya pagtawa. He looked at me naramdaman kong tumigil rin sa pagtawa ang kanyang mga kaibigan. Ako ang unang umiwas at naramdaman kong nawala na rin sila dahil papalayo na nang papalayo ang kanilang tawanan.
Ako na ang mapa enrolled kaya binigay kona lahat ng requirements at tinanggap naman nila 'yon. Nagbigay na rin ako ng fee for 1st Semester and ilang minuto pa ay natapos na rin.
Umalis na kaagad ako sa Shs Department at pumuntang Coffee Latte dahil baka naghihintay na dun si Amira. Pagkapasok ko palang ay bumungad na sa akin ang malamig na simoy ng hangin na nangagaling sa Aircon.
Tumingin ako sa paligid at wala pa si Amira kaya naman ay nag-order nako. I order my favorite drink which is the Caramel Macchiato. I found a spot kung saan malapit sa bintana and kaya dun ko naisipan pumwesto. Kinuha ko ang cellphone ko at nag chat kay Amira at saktong online naman siya.
Solene Gracinea:
Amira, Where are you?
Amira Cainea:
Gurl, Nandito pa ako sa College Department. Ang daming pogi!
Natawa naman ako sa nireply niya and ganyan talaga siya tuwing nag eenroll marami raw kase pogi ang makikita niya sa iba't ibang course.
Solene Gracinea:
Tagal mo, Nandito nako sa Coffee Latte. Punta ka nalang dito:)
Amira Caine:
Copy Madam!
I didn't reply na. Nagmumuni nalang ako dito sa loob ng Coffee Latte at saktong dumating na ang order ko. Napatingin ako sa pumasok at akala ko si Amira na pero hindi pala. Yung lalaki nakita ko kanina sa Humss Department.
Taga Humss Department kaya siya? O baka taga ibang Department. I look to another direction baka isipin nung lalaki ay may gusto ako sakanya.
I heard their conversation dahil sa lakas ng boses nung kasama niyang lalaki. Parang sila lang yung tao dito. Mabuti na nga lang at konti dito baka mapaalis sila kaagad.
"Troy, Ang ganda ng babae kanina. She look like an angel" sabi nung isa kasama niya
"I want to know her name. I think she's from Humss Department" dagdag pa nung isa
Tatlo sila. Chinito, Moreno, at Mestizo. Magaganda siguro ang lahi ng mga to. I look in their direction and nakatalikod lang sila while nag-oorder.
"I heard mapanakit raw ang taga Humss Department." sabi nung isa
"Nasaktan kalang ng isa dinamay mo na ang lahat." sabi pa ng isa
Kahit sa pagsalita ay hindi ko siya narinig. Parang ang tahimik niyang tao at nakikinig lang siya sa mga sinasabi ng mga kaibigan niya.
YOU ARE READING
The Sunset Goodbyes (COMPLETED)
FanfictionThe goodbyes that I can't accept. The sunsets are so beautiful, but the meaning is painful. How can I move on if I always remind you when the sun goes down? My past was painful, but I didn't know that my present was more painful than my past. I am S...