Nakatulala lamang ako sa office ko ngayon. Ilang taon na ang lumipas ng naghiwalay na kami. Naramdaman ko nalang na may kumurot sa pisnge ko kaya napatingin ako kay Amira.
"Chill. Hindi mo dapat ginaganyan ang maganda mong kaibigan"
I just rolled my eyes. Napatingin ako sa window na at nakita ko na naman ang palulubog na araw. Parang bumalik ang alaala na matagal ko ng kinalimutan.
Kamusta kaya siya? Nakahanap na ba siya ng iba nung naghiwalay kami? May family na kaya siya?
Lahat ng iniisip ko ay biglang naglaho ng may isang mukha ang sumipot sa harapan ko. It's Khry.
"Hi Solene" he said while waving his hands
Napatingin ako sakanya at tiningnan siya ng mabuti. Ilang taon na rin ako nitong nililigawan pero hindi ako pumayag. Break na rin sila ni Aliza.
"Hello Khry, What do you want?" i asked him and i heard him chuckled.
"Wow, kakadating ko lang tas parang want mo na akong paalisin." sabi niya at maya maya lang ay may binigay siyang bulaklak at chocolate sa akin. "Flower and chocolate for the girl that i love" dagdag niya pa habang ngumingiti
Napabuntong hininga na lamang ako. Ilang taon na rin kaming naging ganito at sinusundan niya ako kahit saan ako mag trabaho.
"Thankyou, you can leave now."
Hindi pa nakakasagot ng may nagsalita sa likod namin. "Wow. Ano to? Ligawan? Hay nako Khry kahit anong gawin mo dyan pag pusong bato talaga ang isa hindi mo madadaan sa ganyan" parinig niya pa
"I know, that's why i'm trying my best na ibigay at iparamdam sakanya na hindi ako nagbibiro. I'm willing to wait kahit bumalik pa siya sa buhay mo, Solene."
Napatigil ako sa aking ginagawa ng marinig ko iyon. Did he really need to do this? Hindi nako naniniwala sa love na 'yan simula nung nawala siya sa akin.
"Please stop this. Ilang taon kana nanliligaw sa akin at tingnan mo hindi pa rin kita sinasagot. Hindi nako mag ririsk pa sa ganitong bagay mas gusto ko lang maging masaya para sa sarili ko." sabi ko sakanya "Hindi ko na muling nakikita ang aking sarili na mahulog pa sa ganitong bagay" dagdag ko pa
Nakita ko ang sakita sa kanyang mga mata pero mas lalo lamang itong nasaktan sa kanyang sinagot. "Okay, I will stop this. Maybe you can find someone better than me or maybe siya pa rin" sabi niya
Tumalikod siya sa amin at unting-unti lumakad papalayo sa amin. Para akong natauhan sa aking ginawa pero wala akong magagawa dahil iyon ang gusto ko.
Siya pa rin. Siya at siya pa rin ang hinahanap ng pusong ito.
Narinig ko ang pag ubo ni Amira kaya napatingin ako sakanya. She smile at me na para bang may sinabi akong nakakatuwa sakanya.
Lumapit siya sa akin at pinantayan ang mga mukha ko. Para nagkaroon kami ng eye to eye at narinig ko ang sinabi niya "Do you still love him?" she asked me
"Lagi naman, Araw araw ko naman minamahal 'yon"
I can feel the bitterness in my voice. Lagi naman siya ang mahal ko kahit sino pa ang mga lalaki ang iharap sa akin.
"Kung mahal mo bakit hindi mo hanapin? I heard nasa pilipinas na siya" sabi niya
"Nasa Pilipinas? So you mean nag-ibang bansa siya?" tanong ko sakanya pero tanging iling lang si Amira "I don't know. Sinabi lang ng asawa ko, chinika lang sa akin kagabi" sagot niya sa akin
May asawa na pala siya. It's Leon, parang dati lang iniyakan niya lang dahil nga nagbreak up sila. Leon found out about the unborn child pero imbes na makatanggap ng salita si Amira ay yinakap lamang siya ni Leon. Leon comforted Amira about their unborn child and the next thing i knew may anak na sila.
Nagkaroon man sila ng mapait na nakaraan pero bumawi naman ang tadhana sa kanilang dalawa ngayon. Dahil nagkaroon ako ng pamangkin at nakita ko kung kanino ito nagmana sa pagiging maldita kay Amira.
"Naks asawa parang dati lang iniiyakan mo lang 'yan" pang-aasar ko sakanya pero imbes sagot nakuha ko ay bigla nalang akong nabatukan.
"Okay lang iniyakan kaysa naman naalala si ano sa anak ko. Dahil raw magkamukha sila" parinig niya kaya inirapan ko nalang siya
Kamukha ng pamangkin ko si Troy. Hindi ko alam pero sa tuwing nakikita ko ang pamangkin ko ay parang may hawig siya ni Troy. Sa ilang taon kong paghihirap ay nandito pa rin ang mga pictures namin lalo na ang kanyang sweater.
Ang sakit.
Ang sakit kase sa isang iglap nagbago ang lahat. Para bang sinisisi ko ang sarili ko kung bakit naging ganon ang nangyari sa amin. Nung nakipaghiwalay ba siya sa akin ay hindi na siya nahihirapan? hindi na ba lumalagas ang mga buhok niya?
Naramdaman ko nalang na may pumunas sa aking pisnge. Natauhan lamang ako doon at nakita ko si Amira na parang iiyak na rin.
"Iiyak ka na naman eh, Sabi ko sayo dapat magpa therapy ka na" sabi niya sa akin pero umiling lamang ako "Hindi na, Kaya ko naman to. Tsaka nadala lang siguro ako sa emosyon ko" sagot ko sakanya
"Anong nadala? Tanga. Ilang taon kana nagkakaganyan tapos nadala kalang sa emosyon mo? Simula nung nawala siya at nung nalaman ko na ikaw ang nagbayad sa apartment natin at mas lalong dumagdag ang ina mo kaya nagkaganyan ka. Naging maayos nga kayo ng mama mo pero hindi naman nagpaparamdam sayo"
Para akong natigilan sa mga sinasabi niya. Did i gaslighting myself? Para bang maayos lang lahat? Pero ito ako eh ayaw ko iniisip ang mga ganitong bagay.
"Stop it, Let's go back to our work. Baka matagalan pa tayo"
Bumalik kami sa trabaho namin. Nakakapagod man mag type pero kinakaya ko para na rin sa sarili ko. Bawal ako tamarin lalo na't nag tutor ako ng mga bata.
Monday to Friday ay sa office ako habang ang saturday at sunday ay tutor naman. Nakasanayan ko na ito dahil sinanay ko na ang sarili ko sa mga gawain na ito. Sa una ay mahirap pero nakaya ko naman.
I graduated as a Magna Cum Laude in our batch. Bachelor of Education is my course and kahit na mas nag focus ako sa company ay natupad ko pa rin ang isa sa gusto ko maging trabaho.
Nang matapos kami ay sabay kami bumaba pero magkaibang sasakyan ang gamit namin. Sinundo kase siya ni Leon at nakita kong napatingin sa akin si Leon he just smile at me.
"Good Evening Solene, How are you?" pangangamusta niya sa akin
I just smile at him and said "I'm fine, thankyou"
"Someday you will find out why he need to leave you. Why he need to choose his own decisions than your relationship." he said and ramdam kong napatigil ako roon "We have to go, Ride safely Solene."
I just nodded and wave my hand to them. Pumunta na ako sa sasakyan ko at sumakay na. Niconnect ko ang cp ko sa sasakyan para magpa music at sakto yung kanta ay "Love you in the Dark". Parang bumalik ang mga alaala na kung saan ay sinabi ko sakanya kung gaano ako nakaka relate sa kantang ito.
If i will found out the reason why he need to leave me. Alam kong maintindihan ko siya pero hindi ako babalik sakanya kagaya ng dati.
YOU ARE READING
The Sunset Goodbyes (COMPLETED)
FanfictionThe goodbyes that I can't accept. The sunsets are so beautiful, but the meaning is painful. How can I move on if I always remind you when the sun goes down? My past was painful, but I didn't know that my present was more painful than my past. I am S...