Chapter 12

266 15 0
                                    

Nasa room nako habang nakikinig sa instructor namin dahil nga ay lalabas kami at pupuntang field para sa activity namin. Hindi ko na inisip ang sinabi sakin ni Amira kanina i know naman na nag-aalala lang siya sa akin.

Biglang may pumunta sa harapan ko kaya naman ay naharangang ang instructor na nag-uusap sa harapan namin. Tumingin ako sa lalaki at nakita na naman si Celerio.

Siya yung lalaking nakipag-usap sakin nung first day of school at inaasar-asar ng kaibigan niya. He look at me and smile.

"Lutang ka na naman"

Sinamaan ko siya ng tingin at sinabing "Edi huwag mong pansinin." supladong sagot ko

"Suplada." sabi niya "kaya 'yan ang mga gusto ko eh, mga suplada" dagdag niya pa at nag wink sakin

I just rolled my eyes and i focus to our instructor. Pinalabas na kami ng instructor namin at ngayon ay tinatahak na namin papuntang field kaya naman ay hindi ko maiwasang matuwa.

Naramdaman kong may humawak sa kamay ko kaya naman ay napatingin ako sa taong humawak sa akin. It's him again. Celerio.

"What the fuck are you doing?"

He smirked and said "Holding hands with my future girlfriend."

Future girlfriend? Is he out of his mind? Sinamaan ko siya ng tingin kaya napatawa na naman siya. Naramdaman kong may nakatingin sa amin kaya ng lumingon ako ay nakita ko si Troy. Seryoso ang kanyang mga mata habang nakatingin sa amin.

Anong ginagawa nito dito? Akala ko kami lang ang ma p.e?

Pumunta samin ang instructor at sinabing "I'm sorry guys. Ngayon ko lang nalaman na ma p.e rin pala ang taga Stem Department. Ganito na ang napag-usapan namin ng instructor nila na, half of this field ay sa atin at yung half naman ay sakanila" he said and all of us nodded

Narinig ko pa ang sari saring bulungan ng mga kaklase ko.

"Yes makikita ko na naman ang taga Stem"

"Ang gwapo talaga omyghad"

"Mas gwapo si Laconia"

Puro yan lang ang naririnig ko pero hindi ko nalang pinansin. Hihilain ko na sana ang kamay ko galing kay Khry ng makita ng kaibigan niya kaya napatingin sa amin lahat.

"Hoy putangina. Ano yan Celerio at Devan? Kayo na ba?" tanong ng kaibigan niya

Napabitaw ako sa kanyang kamay at nakaramdam ng hiya. Napatingin din ang mga taga Stem sa amin at sa isang lalaki ako napatingin. His eyes mas lalong lumalim ang mga titig nito at nakita ko kung paano umigting ang kanyang panga.

This time our eyes met once again pero siya na ang unang umiwas. Baka narealize na niya kailangan niya umiwas lalo na't may gf siya. Nakita ko siyang nilapitan ng kaibigan niya ng mestizo at parang inaasar-asar pa siya dahil tumatawa pa iyon.

Iniwas ko nalang ang aking tingin at tumingin sa instructor namin na isa isa na kaming pinapapila. Katapat ko ngayon si Celerio pero hindi ko nalang ito pinansin.

Kaya pala pinapunta kami dito sa field dahil ma practice ng sasayawin namin. Kung sino ang katapat namin ay siya ang magiging ka partner at kung minamalas ka nga naman si Celerio pa ang katapat ko.

"Okay everyone, Humarap kayo sa ka partner niyo." pagkasabi ng instructor namin ay humarap ako sa kapartnet ko at nakita siya sa akin.

"You're my partner. Buo na naman ang araw ko nito" hirit pa niya

Tumingin nalang ako sa kabilang field at nakita ko si Troy na kausap yung Aliza at nakikipag tawanan pa sila. Iniwas ko nalang ang aking tingin at humarap nalang sa ka partner ko.

Nabigla ako dahil lumapit siya sa akin at tinapat ang kanyang bibig sa aking tenga kaya ramdam ko ang hininga niya na amoy menthol.

"Don't be sad honey, If you like him then confess your feelings. I'm also jealous" he said and bumalik na sa kanyang pwesto

Our instructor clap his hands and said "Everyone, Hawakan niyo ang bewang ng inyong ka partner. Tapos ang mga babae ay ilagay niyo ang right hand niyo sa balikat ng lalaki at isang kamay ay sa kamay ng lalaki" sabi ng instructor namin kaya sinunod namin iyon "Mga lalaki naman ay humawak sa kamay ng babae at dahan dahan kayong gagalaw na parang nagsasayaw." dagdag pa ng instructor namin

Ginawa namin iyon at hindi ko mapigilan mapatawa ng matapakan ko ang paa ni Khry kaya sumisimangot ito. Nag eenjoy ako sa ginagawa namin, akala ko nung una ay malaro kami pero naalala ko tungkol pala sa sayaw ang topic namin.

Ilang beses pa namin ginawa hanggang sa pina break kami ng instructor namin. Kinuha ko ang panyo ko dahil pinagpapawisan ako at uminom na ng tubig maya maya lang ay bigla na kaming bumalik sa aming linya at sa sobrang taranta ko ay hindi ko alam kung naibalik ko ba ang panyo sa aking bulsa.

Napatingin ako sa kabilang field at nandun pa rin sila. Parehas ang ginagawa nila sa amin, Nakita ko kung paano ni Troy yung Aliza sa bewang. Kung paano sila magtawanan at kung paano sila nag eenjoy sa ginagawa nila.

Hindi ako nagpaapekto kaya bumalik nalang ako sa aking ginawa hanggang sa natapos namin. Bumalik na kami sa room at nagpahinga hanggang sa sumunod na ang prof namin.

Naging maayos naman hanggang sa may narinig akong tumawa sa pangalan ko.

"Solene, May naghahanap sayo" sigaw ng kaklase ko

Kaya naman ay tumayo ako at nakita ko sa labas si Troy kasama ang dalawa niyang kaibigan. Nung nakita niya ako ay umayos siya ng tayo at may inabot sakin. Pagtingin ko ay ang panyo ko pala.

"Take it." sabi niya sabay hawak sa panyo ko kaya naman ay kinuha ko iyon paalis na sana sila ng tawagin ko siya.

"Laconia, Thankyou." i said while smiling pero umiwas siya ng tingin at tumango nalang

Nakaramdam ako ng hiya. Hindi dahil sa hindi niya ako pinansin pero dahil sa narinig ko kung paano siya asarin ng kaibigan niya sa akin.

"Tangina. Ngayon ko lang nakita kung paano ka mainlove bro."

The Sunset Goodbyes (COMPLETED)Where stories live. Discover now