Simula nangyari yon ay napapadalas na ang pag-uusap nila Aliza at Troy. Hindi ko siya pinagbawalan pero mismo siya ang umiwas. Nag iimpake na kami sa mga gamit namin dahil aalis na kami mamaya.
Amira and Leon become more talkative than before. I always saw kung paano sila mag-usap at kung paano sila nag-aasaran siguro ay naging maayos na sila. Naalala ko kung paano nawala ang bata sa sinapupunan ni Amira.
Napatingin naman ako kay Kristy at Thyron nag papakitaan sila sa cellphone nila habang nagtatawanan. Si Aliza at Steven ay busy sa pag pipicture pero nakita ko ang pasimpleng pag-sulyap ni Steven kay Aliza.
"Aliza and Khry already broke up. She found out that Khry cheated on her."
Dahil sa sinabi ng nasa likuran ko ay napalingon ako. Nakita ko si Troy na naka t-shirt at shorts lang kahit simple lang ito ay lumalabas pa rin ang pagka gwapo niya. Una kong tiningnan ang kanyang ayos bago ang kanyang mukha. Nakita ko ang pamumutla niya at ang malaking eye bags niya.
"Nakatulog ka ba ng maayos?" i ask him and umiling lamang siya at sinabing "I didn't sleep, baka mahirapan lamang ako. Don't worry about me, I'm always fine" he said and smile to me
Ngumiti ako sakanya at tumingin ako sa harapan ko. Hanggang sa nakarinig kami ng nagbobosena kaya naman ay lumabas na kami bitbit ang mga gamit namin. Si Troy ang nag dala ng gamit ko habang ako naman ay dala ang mga magagaan dahil nakakahiya kung ipapadala ko pa to sakanya.
Umupo ako sa may bandang likuran at tumabi naman sa akin si Troy. Pagkapasok ni Aliza ay napatingin siya sa pwesto namin bago tumingin sa isang upuan na bakante at dun nalang siya umupo katabi kay Steven. Nang magsimula na umalis ang van ay nakaramdam ako ng antok kaya naman ay umidlip nalang ako.
Nagising ako na nasa isang kama ako. Isang puting tela ang nakabalot habang ako ay hindi alam anong gagawin. Biglang bumukas ang pinto na siya ang naging kung bakit ako napabangon. Isang lalaki na hindi ko namukhaan dahil bumabalot sakanya ang liwanag pero ramdam kong kilala ko ito pero hindi ko matukoy kung saan.
Bigla siyang lumapit sa akin at inabot ang kanyang mga kamay. Nakakatatak sa utak ko ang kanyang kamay at dun ko narinig ang kanyang boses.
"I will chase you in our afterlife. We will hold our hands together and i will make sure that we will be happy."
After he said those words ay napamulat agad ako at nakita ko ang natutulog ko na kasama. Naramdaman ko ang kamay ni Troy at napansin ko na parang may kaparehas siyang kamay. Ngayon ko lang napansin na yung bodyguard pala nila ang nagsundo samin dahil pinabalik niya ito nung nakarating kami dun sa beach.
Naramdaman ko ang pag galaw niya kaya naman ay bumalik ako sa pagtulog-tulogan. Bigla ko nalang naramdaman ang kanyang kamay na humahaplos sa aking mga pisnge, amoy na amoy ang kanyang bibig na amoy menthol.
"Beautiful"
Yan ang huli kong narinig bago siya muling bumalik sa kanyang pagkakatulog. Naramdaman kong inaantok ulit ako kaya naman ay natulog nako.
Nagising ako ng may tumatawag sa pangalan ko kaya naman ay pagtingin ko ay si Amira ang bumungad. Nang tingnan ko ang nasa loob ng van ay nakabukas na ang pintuan ng van at nakikita kong dinadala na ang gamit namin.
"Sol, Nandito na tayo sa apartment. Ang tagal mo nagising tulog mantika ka talaga" sabi niya kaya naman ay inismiran ko nalang siya
Inayos ko na ang mga gamit ko at bumaba na rin ng van. Nakita ko si Troy, Steven, at Leon na nagbubuhat ng mga gamit namin. Nang matapos na nila itong ilipat ay nagpaalam na sila at nagpasalamat naman kami.
Nang makapasok kami sa loob ay bigla akong napangiti dahil namiss ko ito. Kahit ilang araw lang kami umalis dahil nag beach outing kami.
"Sol, Tom na pala ang enrollment for 2nd sem. Sino kasama mo? Ako o si Troy?" she asked kaya naman ay napatingin ako sakanya
"Ikaw. Kase baka magkita nalang kami ni Troy sa school" sabi ko sakanya kaya naman ay tumango siya
Umupo ako sa sofa at tumabi sakanya at humiga sa mga hita niya. Ramdam ko ang pagkatigil niya pero hinaplos niya ang mga buhok ko.
"Ano kaya ang magiging future natin no?" sabi niya habang hinahaplos pa rin ang buhok ko
Napaisip rin ako sa magiging future ko. Hindi ko alam pero nakakatakot na dumating sa puntong marami kang dapat i let go or may mag stay. Dahil tuwing tumatanda tayo ay mas narerealize natin na may mga bagay na hindi talaga mag stay sa atin.
"Siguro kung anong trabaho ang gusto natin ay makukuha natin. Kase tayo kahit walang magulang ang gumabay ay kaya natin lagpasan lahat, kaya natin kunin ang mga bagay na gusto natin pero kailangan muna natin paghirapan." sabi ko pa sakanya
"Paano kung dumating sa punto na hindi mo makakamit ang gusto mo dahil sa isang tao? Paano kung mag-iba ang ihip ng hangin yung gusto mong kurso ay mag-iiba na?" sabi niya pa sa akin
Dahil dun ay natigilan ako paano nga ba kung mag-iiba ang kurso ko? Siguro yon ang nakalaan para sa akin. Pero kahit yon ang nakalaan sa akin ay gusto ko pa rin makamit ang kurso na gusto ko.
"Depende. Depende sa panahon kung makakaya ko ba o hindi" sabi ko sakanya
Yun na ang huli naming usapan bago kami pumasok sa kanya-kanya naming kwarto. Inayos ko na ang mga gamit ko at habang nag-aayos ako ay may isang sweater na kumuha ng atensyon ko.
Kulay puti iyon kaya naman ng tingnan ko iyon ay mas lalo akong nagtaka dahil wala naman akong sweater na dinala nung nag beach outing kami.
Nang tingnan ko iyon ng mabuti ay may nahulog na papel sa loob nito at nang kunin ko iyon ay may nakasulat.
"Wear this sweater everyday, You will feel my presence even though i'm not there."
— Laconia
Ramdam ko ang mga ngiti na sumilay sa labi ko. Hindi ko mapigilan na mas lalong mahulog sa taong ito dahil mas lalo lamang niya pinaramdam sakin na hindi huli ang magmahal.
YOU ARE READING
The Sunset Goodbyes (COMPLETED)
FanficThe goodbyes that I can't accept. The sunsets are so beautiful, but the meaning is painful. How can I move on if I always remind you when the sun goes down? My past was painful, but I didn't know that my present was more painful than my past. I am S...