Chapter 32

125 8 0
                                    

Ilang araw akong naka focus sa academics ko. Kung mas marami ang ibinigay sa amin dati nung first sem na mga activities ay mas marami ngayon.

Puro excuse na ako sa shop pero hindi pa rin ako natatanggal dahil minsan si Amira ang sumasalo sa akin. Kakauwi ko lang galing sa school at may mga assignments pa akong kailangan gawin.

Nang makita ko si Amira sa sala ay napatingin siya sa akin. Nagtataka siguro sa ayos ko dahil magulo at parang sabog na ako dahil sa pag rurush ko sa mga outputs.

"Anong nangyari sayo? Tangina? May umaway ba sayo?" sunod-sunod na tanong niya at tumayo sa pagka-upo niya

"Wala. Nag r-rush kase kami ng mga outputs dahil sa rami ng binibigay samin ng prof namin" sabi ko sakanya

Nilagay ko sa sofa ang bag ko at hinayaan nalang ang sarili kong maupo doon. Tumunog ang cellphone ko at ng tingnan ko iyon ay si Troy lang. Dahil wala akong gana sagutin iyon ay ni off ko nalang.

"Magkaaway ba kayo? Nako Solene. Hindi mo dapat pinapatayan ng tawag 'yang tao eh dapat inaayos niyo kung may hindi kayo pagkakaunawaan. " sabi niya sa akin pero tanging nasa isip ko lang ay ang mga outputs na kailangan kong ipasa. "Sa tingin mo ba maayos niyo yan? diba hindi? Kung ako sayo tawagin mo yung tao at hayaan mong mag usap kayo" dagdag niya pa

Napatingin ako sakanya at halatang namumungay na ang aking mga mata dahil sa kulang na kulang na tulog. "Hindi kami nag-aaway. Gusto ko lang muna mag pahinga" sabi ko sakanya at akmang tatayo ako ng magsalita ulit siya

"Kung hindi kayo nag-away edi bakit hindi mo sinagot ang tawag niya? Bakit mas gusto mong mag pahinga kaysa ayusin niyong dalawa?" tanong niya at halatang tumataas na ang boses niya kaya naman ay lumingon ako sakanya.

"Hindi nga kase kami nag-away ang kulit mo. Ilang araw akong walang sapat na tulog kaya kailangan ko magpahinga, ayaw kong sabihin sayo to dahil alam kong aakuin mo na naman ang pag tratrabaho dun sa shop na iyon. Pagod ako kaya ayaw ko magpaliwanag pero gumagawa ka ng paraan eh. Kung ni off ko ang tawag niya edi ikaw ang sumagot!" sabi ko sakanya at halata na sa boses ko ang irita

Tumingin siya sa akin na hindi makapaniwala. Ito lang ang unang naging away namin na sobrang lala kaya naman ay halata talaga sakanya ang gulat.

"Parehas din tayong pagod Solene pero hindi ko ginaganyan si Leon." sabi niya at parang may naamin siya ng isang malaking kasalanan sa akin.

"So it was true. Nagkabalikan nga kayo, kailan pa?"

Umiwas siya ng tingin at sinabing "Hindi relasyon namin ang pinag-uusapan dito Sol. Sainyo ang pinag-uusapan natin."

"Labas kana sa relasyon namin." sigaw ko sakanya kaya nagulat siya roon "Magpapahinga nako." dagdag ko at kinuha na ang mga gamit ko

Nang makapasok ako sa kwarto ko ay doon bumagsak lahat ng luha ko na gustong kumawala kanina. Ramdam ko ang panginginig ng aking mga kamay kaya gumagawa ako ng paraan para mapatigil ito pero mas lalo pa rin itong lumala.

Ramdam ko ang paninikip ng aking dibdib kaya napahawak ako roon. Para akong binagsakan ng mga problema sa aking naging sitwasyon at hindi ko hinayaan makagawa ng ingay kaya tinakpan ko ang aking bibig.

May narinig akong nagsasalita sa labas at nang sumilip ako sa maliit na butas ay nakita si Troy. Kausap niya si Amira at rinig ko ang usapan nila.

"Where is she? Bakit hindi niya ako sinasagot? Akala ko pumapasok pa siya sa shop pero bakit hindi na? Okay lang ba siya?" sunod-sunod na tanong niya kay Amira

"Okay lang siya. She just need some rest, don't worry babantayan ko siya ng maigi." she smile

I manage na hindi mag ingay hanggang sa makita kong nawala na siya sa harapan ni Amira. Nang matapos na akong umiyak ay hinang-hina ako pero nakaya ko pa rin ayusin ang mga gamit ko na nagkakalat sa sahig.

Tumingin ako sa bintana at nakita ko siya na nakatayo lamang sa sasakyan niya pero pumasok na rin ito at umalis na. Narinig kong may kumatok kaya naman ay nagsalita na ako.

"A-a-ano y-yon?" piyok na sabi ko

"Kakain na" sabi niya

Hindi pa ako nakakaramdam ng gutom kaya naman ay mamaya nalang siguro. "Mauna kana, hindi pa ako gutom" sabi ko sakanya

Wala na akong sunod na katok na narinig kaya naman ay kinuha ko na ang mga activities na kailangan ko. Ilang oras lang ang lumipas at pagtingin ko sa orasan ay 10:30 pm. Siguro ay nasa work na si Amira kaya naman ay lumabas na ako.

Nakita kong nakabukas ang ilaw sa sala. Kaya naman ay pumunta nako doon at nakita ko ang nakahandang plato na may kasamang ulam. Sinigang ang niluto niya kaya hindi ko maiwasan ang matakam at nagsimula na akong kumain.

Habang kumakain ako ay biglang may kumatok sa pinto kaya pag bukas ko at si Aling Maria lang pala. Nakatingin siya sa akin at tinaasan niya akong kilay kaya nagtaka naman ako.

"Kailan niyo balak babayaran ang apartment na to? Akala ko ba ngayong buwan na?" tanong niya sa akin kaya nagtaka naman ako dahil alam kong fully paid na kami sa apartment

"Ho? Anong sinasabi niyo? Akala ko ba bayad na kami?" tanong ko sakanya

"Anong nagbayad? Ay ineng hindi pa kayo nakakabayad ng buo. Naalala niyo yung sinabi ko nung nandito palang kayo? 7 thousands ang ibabayad niyo tuwing month at hindi ko naman alam na hanggang ngayon wala pa rin kayong mababayad jusko naman" sabi niya pa  "Kung wala kayong mababayad sa kinatapusan ay wala akong magagawa kundi ang paalisin kayong mag kaibigan dito." dagdag niya pa at umalis na

Nang dahil sa kanyang sinabi ay hindi nako nawalan nako ng gana kumain. Hindi ko alam kung anong gagawin dapat ay mag hanap nako ng trabaho para sa extra income ko. Tinapos ko lahat ng activities ko kahit naabutan nako ng madaling araw at naabutan ko rin si Amira pero alam kong pagod na iyon.

Ayaw kong sabihin sakanya ang tungkol dito. Ayaw kong siya na naman ang sumalo sa lahat dahil alam kong mahihirapan na naman siya nito.

The Sunset Goodbyes (COMPLETED)Where stories live. Discover now