Ilang araw ang lumipas nandito pa rin kami sa hospital. Palitan kami ng schedule nila Tita lalo na't may trabaho rin akong inaasikaso kaya mas lalo akong nahihirapan.
Nandito ako ngayon, ako ang nagpapakain sakanya dahil nahihirapan siya kumain. Inaalayan ko na at tanging iling at tingin lamang ang ginagawa niya. Para bang bumalik kami sa dati.
Yung dati na hindi niya pa ako masyadong kilala. Pero kinakaya ko dahil alam kong babalik rin siya sa dati. Mas lalo lamang akong kinakabahan dahil parang nararamdaman ko na lumalayo na siya sa akin.
Hindi ko kaya na mawala siya sa akin.
Siya lang ang kaya kong panghahawakan sa mapait naming sinapit. Nang matapos ko siyang mapakain ay nakita kong sumilay sa kanya ang mga ngiti sa labi.
"It's....you....again...."
Napangiti ako nung sinabi niya iyon. Kahit nahihirapan siya ay alam kong nakilala niya pa rin ako. Walang makakapaghiwalay sa amin ngayon gusto ko bumawi sakanya.
"Yes, it's me again. Bakit? Ayaw mo na ba akong makita?" pabiro kong sabi sakanya kaya napailing siya ng mahina at sinabing "N-no, H-hindi ka ba busy? Ilang araw kana nandito and parang hindi ka nagpapahinga eh" sabi niya.
Ikaw ang pahinga ko, Troy.
Ikaw ang pahinga ko dahil sa tuwing nakikita kong okay ka ay para bang nagiging maayos na ako. Ayaw kong ipakita sayo na mahina ako dahil baka ikaw rin ay manghina.
"You can rest here in my bed." sabi niya at umusog ng konti "Sleep here. Mas maganda pahinga ka muna kahit isang oras lang" dagdag niya pa
Wala na akong magawa kaya naman ay humiga na rin ako sa tabi niya. Ilang minuto lang ang lumipas ay nagising ako dahil sa sobrang lamig kaya pagbangon ko ay bigla kong nakita ang kumot na nakabalot sa akin. Pag tingin ko sa higaan ay wala na siya kaya naman ay napatayo at nakita ko siya sa tabi ng glass wall kaya hindi ko mapigilan na tingnan siya.
Para bang tiningnan niya ng mabuti ang araw na palubog dito sa mismong hospital. Bigla siyang lumingon sa akin at nakita ko kung paano nagdaan sa mga mata niya ang sakit at takot. Sakit na alam niyang wala nang magiging lunas ang sakit niya at ang takot na kung sakaling mawala siya sa amin.
"Kamusta ang tulog mo?" tanong niya sa akin at dahan dahan na lumapit kaya naman ay pumunta ako sakanya at inalalayan siya ng mabuti at pinaupo sa hospital bed.
"Okay lang. Medyo napasarap ang tulog ko, Ikaw? bakit nandito ka? Sino ang nagtulong sayo na makatayo?" sunod-sunod na tanong ko sakanya
Kaya naman ay napatawa siya at sinabing "May sakit lang ako pero hindi ako pilay. Tsaka saktong nandito yung nurse habang tulog ka kaya nagpatulong ako"
Napatawa naman ako sa naging sagot niya. Bigla siyang napatingin sa labas at tinuro ang araw na ngayon ay palubog na at sinabing "That sunset. It symbolize our past, when i watched the sunset i remember our yesterday. The yesterday that we left, Alam kong hindi na natin maibabalik ang mga masasaya nating alaala. Your smile, your voice, your hair, and your face. It always remind me of you, you remind me to fight for this battle. I can't promise you na gagaling ako pero kung darating ang araw na kailangan ko na bumitaw ay bibitaw na ako." mahabang sabi niya
"The Sunset Goodbyes will always be our last journey. That beach, will remind me how we share our first and it turn to our last." sabi niya kaya ramdam ko na naman ang nagbabadyang mga luha na patulo na "Let's go to that beach, Gusto ko muling maramdaman ang totoong malaya na kasama ka. I know na bawal ito pero kahit ngayon lang ay pag bigyan niyo ako" dagdag niya pa
"Gagaling ka, alam ko 'yan dahil nagtitiwala ako sayo. Matapang ka at higit sa lahat ay hindi ka basta basta bumibitaw sa kung ano man ang mangyayari sayo, I will make sure na makakapunta rin tayo sa beach na gusto mo." sabi ko sakanya at ngumiti
Sumunod na araw ay nandito kami sa beach. Pumayag naman ang doctor kaya naman ay nakalabas rin kami. Nandito sila tita pero
nasa room nila dahil nagmumuni muna kami ni Troy. Nasa harap kami ng dagat at naghihintay sa araw na lumubog. Napaka ganda at ramdam ko ang saya sa aking mga labi kaya napatingin ako sa kasama ko. Parehas kaming nakaupo at siya lang ay nakatingin. Maya maya lang ay kinuha niya ang kamay ko at may nilagay na singsing sa isang daliri ko.Kaya naman ay napatingin ako sakanya at magsasalita na sana ako pero biglang siyang nagsalita. "Wear this ring forever, Itong singsing na ito ay ang magiging gabay mo sa paglalakbay mo. Mahal na mahal kita, hindi ko hahayaan na masaktan kita muli kaya nandito ako sa harapan mo para ipangako na ikaw lang sa habang buhay. Ikaw lang kahit sa kabilang buhay o sa kasalukuyan, Thankyou for staying, Thankyou my love. Iloveyou" he said
Pagkatapos niyang isuot sa akin ay bigla niyang hinalikan ang kamay ko at nakita ko ang luha na pumatak sa kanyang mga mata. Kita ko sa mga mata niya ang panghihina pero alam kong hindi niya ito pinapansin.
"Maari ba akong sumandal sayo?" tanong niya kaya naman ay umayos ako ng upo at hinayaan na sumandal siya sa balikat ko.
"I love you, In my afterlife or in my present. You never failed me, you amaze me more, I love you my Solene Gracinea Pangilinan Devan." pahina na nang pahina ang kanyang mga boses
"You are my savior, You are the one who raised my standards so high. I love you Troy, Please wait for me. Wait for me until we meet again in the same place, wait for me until the sunset goes down everytime we cross our paths. You can rest now, My love" i said at parang tumigil ang aking paghinga ko ng naramdaman kong bumigat na ang aking balikat.
Isa lang ang ibig sabihin nun. Tuluyan na siyang nagpahinga, hindi sa lupa pero sa kabilang buhay. Siya ang taong kayang panghawakan ko pero siya rin ang bumitaw dahil sa nakatadhana sa kanya.
The sunset witnessed how his body slowly giving up and the sunset witnessed how painful my past is.
You can rest my love. Lets meet to our afterlife.
YOU ARE READING
The Sunset Goodbyes (COMPLETED)
Hayran KurguThe goodbyes that I can't accept. The sunsets are so beautiful, but the meaning is painful. How can I move on if I always remind you when the sun goes down? My past was painful, but I didn't know that my present was more painful than my past. I am S...