Chapter 30

129 8 0
                                    

Monday na ngayon kaya naman ay nag ready nako for 2nd sem enrollment. Maaga ako nagising kaya ako naman ang nag saing at nagluto samin.

Habang nagluluto ako ay narinig ko ang mga yapak ng mga paa kaya pagtingin ko ay si Amira lang pala. Kakatapos niya lang din maligo at  nakabihis na ito.

"Ang aga mo naman ata gumising. Bakit ikaw ang nagluluto? Sana ginising mo nalang ako"

Nang sabihin niya iyon ay napatigil ako sa aking ginagawa at humarap sakanya. "Bakit ayaw mo ba? Lagi nalang kase ikaw ang nagluluto baka isipin mo inaapi na kita. Tsaka maaga ako nagising kaya naisipan ko ako ang magluto satin ngayon" sabi ko sakanya

"Ayaw ko ikaw nagluluto. Baka masunog sayang naman ang mga niluto" sabi niya at bahagyang tumawa

"Excuse me? Apaka arte mo talaga eh hindi naman 'yon nasusunog eh. Makapang-lait to parang hindi mo rin nasunog 'yong hotdog nung bata pa tayo!" rebat ko sakanya habang pinipigilan ang matawa

"Bata palang tayo kaya lahat tayo nagkakamali!" sabi niya

"Pikon"

Natatawa ako sakanya dahil halata talaga sa kanya ang pagkapikonin. Sakto rin na tapos na ako magluto kaya naman ay kumuha na ako ng plato at nilagay ang sininangag at itlog at hotdog.

Tahimik lang kami kumakain hanggang sa matapos na kaya naman ay umalis na kami sa apartment at nag grab na. Nang makahanap kami ng grab ay pumasok na kami at umalis na.

Ilang minuto lang ang lumipas ng makarating kami sa school. Naghiwalay muna kami ni Amira at pumasok na ako sa Senior High Department. Mahaba na ang pila kaya naman ay pumila na agad ako.

Habang nakapila ako ay may nakita akong tatlong lalaki na papalapit. Ang isa ay tumatawa, Ang isa na busy sa kakabasa ng libro, at ang isang naman ay diretsong nakatingin sa pwesto ko.

Nang mag tama ang mga mata naming dalawa ay parang bumalik ang panahon na kung saan una kaming nagkita. Sa bawat hakbang nila ay para bang bumabagal ang mga lakad nila.

Naramdaman ko nalang na may yumakap sakin kaya napabalik ako sa aking sarili at nang tingnan ko iyon ay si Kristy pala. Nang tumingin ako sa likod niya ay nandun na ang tatlo.

"Hi Love, Good morning." bati niya sa akin at hinalikan ako sa noo

"Ano ba yan Kuya! Ako yong nauna tas ikaw bigla kang sisipot. Where's your manners dumbass?" sabi niya sa kuya niya

Kaya naman ay binalingan siya ng kanyang kuya at sinamaan ng tingin. Narinig ko ang tawanan ng ibang tao dito kaya para naman akong nahiya.

"Next" sigaw ng nasa cashier

Kaya naman ay napatingin ako doon. Nakita ko ang cashier namin na parang ang suplada tingnan.

"Ang tagal mo ineng. Nakikipag landian ka pa kase" sabi niya habang inaayos ang mga requirements ko

Kaya naman ay napatingin ako sakanya. "Pasensya na, kung bitter po kayo sa relasyon ng iba edi sana po humanap ka ng magiging bf mo." sabi ko sakanya

Nang sabihin ko iyon ay napatingin sa akin yong cashier at inismiran nalang. Natapos na kaya naman ay nakita ko sila sa may table na nakaupo. Pumunta ako sakanila pero bigla nalang akong napatigil ng may makita akong babae na nakaupo sa tabi ni Troy.

Hindi siya si Aliza pero may kamukha siya. Pamilyar sa akin ang mukha niya pero hindi ko mamukhaan kung saan.

"Babe, Did you already told them about our marriage?" she asked him

Troy didn't answered. Tumingin siya sa gawi ko pero bigla rin iyon umiwas. Ramdam ko ang mabigat na presensya dito aalis na sana ako ng bigla siyang nagsalita.

"I will cancel this fucking arrange marriage. I will never marry you unless ikaw si Solene. I have a girlfriend and i want you to stay away from me" sabi niya

Parang nabunutan ng tinik ang puso ko. Parang nagkaroon ulit ako ng pag-asa kahit alam kong sakanya na ako. Naramdaman kong may humawak sa kamay ko at hinarap ako sa babaeng iyon.

"This girl. This is the girl that i want to marry and not you" he said

Parang kanina lang ay maayos lang kami. Bakit parang nag-iba ata? Hindi ko napansin ang babae iyon kanina na kasama si Troy.

"I will tell this to my mom." sagot ng babae at tsaka tumayo at lumapit sa akin "You, You are nothing but a lowclass bitch. I will make sure na hindi kayo magtatagal, Ako ang dapat magiging asawa niya at hindi isang kagaya mong hampas lupa."

Biglang kumulo ang dugo ko sa kanyang sinabi. "A lowclass bitch? Then it's fine, Kaysa naman sa mga taong gumagamit pa ng arrange marriage para lang makuha ang isang tao na ayaw sakanila. I may be a lowclass bitch but i will never degrade someone just to prove to everyone that i am powerful and a higher bitch." sabi ko

Dahil dun ay narinig ko ang tawanan nila at ang babae na nasa harapan ko ay halata na ang pagkapikon pero mas lalo akong nagulat ng malapit na niya akong sampalin pero nagulat ako ng may sumalo sa kamay na iyon.

Pagtingin ko ay kamay iyon ni Troy. Nang tingnan ko siya ay para akong nanghina dahil ang kanyang mga mata ay halata talaga sa kanya na galit na galit.

"Don't you dare to touch my girl or else ako mismo ang gagawa ng paraan para mawala kayo sa landas naming mga Laconia."

Those words made me stop. Ngayon ko lang siya nakita na galit na galit at nambabata dahil sa akin. Did i made a mess? May nagawa ba akong mali?

Kasabay ng mga sinabi niya ay siya ring pagpigil ni Kristy sa kanyang kuya. "Kuya, huwag dito please. Marami ang makikita and baka malaman pa 'to ni mom, Alam kong gumagawa na ng hakbang si Mom para matigil itong arrange marriage niyo" she said at halata sa mata niya ang kaba

Bumaling ang tingin sakanya ni Troy and this time. His eyes become soft, from anger to a soft one. The tension earlier become back to normal.

"I will tell this to Mom. I will make sure na matutuloy ang kasal natin. Not now but soon Mr. Laconia"

Pagkasabi niya 'yon ay kinuha niya ang bag niya at bago pa siya umalis ay tumingin siya sa akin. She rolled her eyes at akmang babagain ako ng umiwas ako sakanya kaya ang ending malapit na siya masubsob.

Nang makaalis siya ay umupo muna ako dahil napagod ako sa nangyari kanina. I can see their worries in their eyes pero hindi lang sakin pero sa lalaking katabi ko rin.

"Did you take your medicine?" Steven asked

Medicine? What kind of medicine is that? Nababanggit nila ang tungkol dyan lalo na pag nandito ako.

Nakita ko na pinanlakihan ni Troy si Steven ng mata kaya napaayos si Steven ng upo.

"Later. I will fixed this mess first. Excuse us"  he said at kinuha niya ang kamay ko kaya naman ay kinuha ko ang bag ko at nakita ko ang pagmamadali niya kaya minadalian ko na rin.

Hanggang sa makaabot kami ng parking lot ng school at nakita ko ang mercedes niyang sasakyan. Walang pasabi-sabi na binuksan niya iyon at nagmamadali na pumasok sa loob. Nang nasa loob na kami ay pina andar niya agad at mabilis kaming umalis sa school na iyon.

Habang nasa sasakyan kami ay ni on niya ang radio at nagpasound ng "The Man who can't be Moved" kaya naman ay parang naganahan ako.

"I will explain myself later."

The Sunset Goodbyes (COMPLETED)Where stories live. Discover now