Chapter 6

329 17 0
                                    

Nandito nako sa school at nakikinig sa aming prof. Hindi ko namalayan na dahil sa mga katanungan na iyon ay ganito ang kahihinatnan ko. Lutang ako buong klase kahit si Kristy na lumipat ng upuan at dinadaldal ako ay hindi ko kayang makinig.

"Okay ka lang ba? Do you have a problem? Care to share? Don't worry i won't judge you." sabi niya at dun nako napatingin sakanya hindi ko alam anong isasagot ko sakanya kaya ngumiti ako at sinabing "Yes naman, I'm okay may iniisip lang ako." i said at parang naniwala naman siya kaya tumingin nalang siya sa harapan

Break na ulit at nandito kami sa cafetaria. Ni order ko lang ay tubig dahil wala naman akong gana kumain. Ang hirap pag ganito ang nangyayari sakin parang wala akong gana sa lahat.

Nilapag ni Kristy ang ni order kong tubig at tumingin siya sakin na halatang nag-aalala. "Putek. Hindi ako sanay na tahimik ka ano ba talaga ang nangyari?" tanong niya ulit sakin

"I'm fine. Kulang lang ako sa tulog."

Hindi pa siya nakakasagot ng may nagsalita na sa likod namin. "Fuck bro, Kung nakita mo lang kung gaano ka tamlay ang bebe mo siguro madadamay ka sa kalungkutan niya." sabi ng isang boses

"She just need my kiss"

"Wow, Lakas naman ng apog mo. Kaya hindi ka napapansin ng Taga Humss Department eh" sabi ng isa niyang kasama

What a flirt. From Stem Department. Siya na naman kailan ba hindi ko siya makikita kahit ngayong araw lang? But there's  something wrong with me. Biglang nawala sa isip ko ang mga iniisip ko ngayon dahil sa pagdating nila.

Hindi ko na narinig ang boses nila akala ko masabay na naman sila sa amin. I just looked at Kristy she's busy sa pag t-type kaya hindi ko na inabala. I just open my phone and bumungad sakin ang post ng isang Secret Files ng School na to.

Laco's Secret Files. This Files is about sa mga student parang dito ka pwedeng mag confess sa isang tao na gusto mo. Pwede kang maglabas ng hinanakit at iba pa.

Laco's Secret Files
just now

Hi, sa Taga Humss Department na singkit at tahimik na lagi kong nakikita sa Coffee Shop. You're so Beautiful.  Section 1-A

- Stem Department

Dahil sa post na 'yon ay maraming nagcomment and some of them are clueless because of that girl. I'm one of the student in Section 1-A but i know hindi ako 'yan.
I just read some comments and that make me feel a little bit weird.

Christian Navarro: Hala ang swerte naman ni ate girl.

Lovely Mendoza: Taga Humss Department nakuha ang puso ng taga Stem Department.

Luke Lourdes: I think familiar kase i'm from section 1-A, Humss Department.

Kristy Gayle: Naneto mga 'to btw pachismis Admin!

I just look at Kristy she's busy while typing in her phone.  She look at me and smile "Did you know kung sino ang girl na tinutukoy? Ka section natin" sabi niya

"I don't know. Maybe she's one of our classmate"

"Predict ko lang ah baka ikaw ang tinutukoy kase nga diba singkit ka tas ang ganda mo pa at ang tahimik pa"

"Me? No. No. No.  May similarities lang kami pero alam kong hindi ako 'yon" depensa ko sa sarili ko

"Sabagay"

Hindi na nasundan ang usapan namin dahil mabilis lang din ang break time.  Kagaya ng aking nakasanayan ay mabilis lang din ang natapos ang aming klase. Hindi pako uuwi dahil sa library muna ako tatambay. Bukod sa maaga pa ay hindi pa ako pupunta ng Coffee Shop dahil gusto ko muna sulitin ang natitirang oras ko.

Pagkapasok ko sa library ay bumungad sakin ang simoy ng hangin dahil sa bukas na bintana dito. May ibang students napapatingin sa gawi ko meron namang iba na hindi. Pumunta nako sa bookshelves at naghahanap ng libro na pwede kong basahin hanggang sa may nakakuha sakin ng atensyon.

Isang libro na may kulay pulang cover. Kinuha ko 'yon para basahin at pagtingin ko ay namangha ako sa ganda ng unang pahina nito.

It's all about quotes in our life. May tungkol sa pag-ibig, academics, family, and etc. Humanap ako ng upuan at kinuha ang ear phones ko para naman ganahan ako sa pagbabasa.

Sinimulan ko na ang pag-babasa at hindi ko mapigilan mamangha dahil hindi lang pala quotes ito  dahil ang kasunod nito ay isang story na ang pamagat ay "Chasing The Time".

Chasing The Time? What is it? Are they Chasing the time for what? I read the description and ang nakasulat ay "I will always choose to chase the time because it's always remind me how both of us fall in love in each other arms."

Binasa kona kaagad ang Chapter 1 hanggang sa may narinig akong boses na nagrereklamo sa librarian.

"Ate naman hindi niyo po ba talaga nakita ang libro ko?"

Pumunta ako sa may librarian habang hawak ang libro na hiniram ko. Dun ko nakita ang kuya ni Kristy. What is he doing here? What the fuck? Siya na naman!

"Sorry Sir. Hindi ko naman po kase alam na mawawala ang paborito mong libro" paumanhin ng babae

Hindi pa nagsasalita ang lalaki ay nagsalita nako. "Sorry to interrupt you guys, But can i ask anong libro ang nawawala?" i ask them kaya nabaling sa akin ang atensyon nila at dun ko napansin na nakatingin ang lalaki sa hawak kong libro.

Nagulat siya pero nawala agad 'yon "That's...My....Book."

Kaya napatingin ako sa libro at agad na binigay sakanya. "Sayo pala to, Pasensya na." sabi ko at akmang aalis na ng hawakan niya ang kamay ko.

For the first time in my life. Someone hold my hand. I never feel this in my entire life. I can feel a weird butterflies in my stomach but i didn't mind it.

"You can have this."

I look at him at halata sakin na nalilito sa biglang pag-asta niya.  Parang kanina lang ay halos himatayin na siya nung nawawala ang libro niya pero nung nalaman na nasa akin ay biglang nagbago ang ihip ng hangin.

"No, It's yours. Meron pa naman ata n'yan sa national books store kaya bibili nalang" i decline his offer ayaw kong dumating sa puntong baka yan ang gamitin niya pag nagkita ulit ang landas namin.

"Wala nito sa national books store..." sabi niya "Dahil ako mismo ang gumawa nitong story at mga quotes at sold out na lahat." dugtong niya pa

So siya ang sumulat ng storyang iyon? I look at him again and i saw his face turned into red. His face is like a tomato, Lumalabas rin ang pagkachinito nito.

"Then i won't read it anymore. I'm sorry to declined your offer but i can't have it"

Natigilan siya sa sinabi ko dahil halatang hindi niya ito inaasahan. "Okay. If 'yan ang gusto mo pero if you want to read it i will put it sa lugar na kung saan mo ito nakita." he said and walk away

I can't handle it anymore. The more we met the more my heart beats fast. Our first interaction, when our eyes met, when our hands attached it feel like i'm already in my peace.

The Sunset Goodbyes (COMPLETED)Where stories live. Discover now