31. Commander

369 14 9
                                    

"Hoy unggoy! Anong nangyari sayo? Bakit ka puro pasa! Diba sabi namin sayo antayin mo kami? Tigas talaga ng ulo mo!"

Di na ako sumagot sa kakatalak ni Harold Tanda. Pagod ako. Kakatapos ko lang makipag bugbugan sa Croplier na yun.
"Hay, nakakapagod!"

"Teka asan si Heaven?, Si Zeen?, tsaka Jhaypee?"

Bahala kayo diyan Old Man nakakapagod pa eh.

"Hoy Unggoy sumagot ka diyan! "

"Nakiki-unggoy ka na rin Fritz?" Ay sakit ng katawan ko.

" sumagot kana kasi. Asan si Heaven tsaka yung dalawa. " maktol ni Fritz. Hehehe ang cute.

"Sasagot ka o sasagot? Baka gusto mong madagdagan yang sakit sa katawan mo?"

"Tingnan mo to si Old Man. Haynaku!"

"Abat!"

"Kuya tumigil ka!"
Hahahaha booom megaphone! Sumigaw daw ba si Heaven. Hahahaha

"Princess! Buti okay kalang!" Tssss. Kita mo to. Hahaha.

"Heaven okay ka lang? " Dref

"May masakit ba sayo?" Fritz

"Anong nangyari?" aljan

"Asan na yung grupo ni Croplier" nino.

"Teka nga! Isa-isa lang at pwedi ba mamatya nalang yan! Di niyo ba nakikita si Matthew!"

Natawa naman si Zeen,Jhaypee,Tanda sa sigaw ni Heaven. Paano naka megaphone na naman kasi. Sigurado nag-aalala na ito. Nagtataka kayo bat ako nabugbug at anong nangyari? Ganito kasi yun.

Flashback

"Anong plano mo?" Tanong ng Venven ko. Oo dahil akin siya.

"Papalabasin natin na magkaaway tayo para hindi siya/sila makahalata. Ako na bahala dun. Ang unahin niyo muna yung Battlegrounds dahil magsisimula na yun sa makalawa."

Shoot! Nakalimutan ko yun. Sa makalawa na pala. "Ano gagawin namin ngayon?"

"Hmmmm. Simulan ang drama. "

May biglang lumapit kay Heaven at hinawakan ito sa magkabilang braso. Napatayo naman kami ni Jhaypee.

"Oh chill lang di pa nga nagsisimula eh"

"Sabihin mo na para matapos tayo dito!" Di ko parin maalis galit ko dahil sa kanila ni Chloei naghiwalay kami ni Venven ko.

Susugod na sana si Jhaypee

"Oppz wrong move." Hinawakan siya ni Zeen. Takte ano na naman ba ito.

"Nagtataka na siya. Hahaha. Kalabanin mo ako. Para magsimula na ang drama. "

"Kahit gustong-gusto ko ng basagan yang pagmumukha mo di ko parin gagawin"

"Bakit? Natatakot ka Ferrer?"

"Hindi, may isang tao lang akong sinusunod " hehehehehe Let the drama start here.

"At sino naman yun?"

"Si Commander Heaven"
Hahahahaha epic mukha nila Zeen at Croplier.

"At bakit ako unggoy?!"

"Kasi mahal kita" sabay kindat.

Namula naman si Heaven.

"Urur mo Ferrer. Bahala ka diyan"

Hehehehe. Sige nga.

I'm HER STALKER. (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon