Third person pov's
"Dalawa nalang kami. Asan na kaya ang Yero na yun. Tsk!"
Mahigit kalahating oras na naghahanap si Matthew sa kalaban niya. Hindi lingid sa kanya na ang natitirang kalaban niya ay pangalawa sa lahat ng malalakas.
Sa kabilang dako nakaupo lang si Yero nag-aantay na sugurin ni Ferrer. Wala sa sistema niya ang maghanap kaya umupo nalang siya at nag-antay.
"Yero! Lumabas ka! Lumaban ka!"
Sigaw ni matthew. Dinig na dinig ng buong battleground ang sigaw niya. Hindi rin lingid sa kaalaman ng lahat na mas maraming napatumba ang Deluters kesa sa Leader na si Yero."Nandito ka lang pala. Takte pinaghanap mo pa talaga ako!" Sa wakas nahanap na nito ang kalaban niya.
"KANINA pa kita hinihintay Matthew ay hindi pala. Hahahaha!!"
Nagulat naman ang isa. Ang alam ng lahat ng nasa battlegrounds ay ang codename nila. Wala ni isang nakakaalam ng tunay nilang pagkatao. Pero bakit siy? Kilala niya ako. "Sinong Matthew? Tae ako si Sharp!" Pagmaang-maangan naman ng kabila.
"Lokohin mo na ang lahat wag lang ako! Alam ko ang lahat Ugok! Maloloko mo sila pero ako hindi!"
"Sino kaba?! At bakit mo ako kilala!" Asik nito. Naiirita siya dahil kilala siya nito pero siya walang kaalam -alam sa tunay na pagkatao ng kaharap niya.
"Puro ka satsat! Laban na nga lang!" Unang sumuntok si yero at eksaktong tumama ito sa tiyan ni ferrer. Napasinghap ang lahat dahil nakita nilang bumuga ng dugo si ferrer sa lakas ng pagkakasuntok.
"Grabe ang lakas nun! Pare solid yun ah. Pero tangina di na mauulit yun!" Siya naman ang sumugod. Lahat ng pinapakawalang suntok at tadyak nito sa kabila at tumatama sa katawan nito. Di na mabilang kung ilang suntok ang tumama dito.
Napadura naman ito ng dugo. "Yan lang ba ang kaya mo? Paano mo siya maproprotektahan! Paano! Wala kang binatbat sa kanya! Tanging siya lang ang may kayang iligtas si HEaven. Wala kang kwenta!"
Naasar siya sa sinabi ni Yero. Hindi niya maaninag kung sino ang nasa likod ng maskara nito. Kung sino man ito gustong alamin ng ferrer.
"Ikaw ang walang binatbat ulol! Isang suntok palang tumatama sa akin!"
Sinapak niya ulit ito. Pero kahit na anong gawin niya hindi na lumalaban si Yero.
"Kung di lang magagalit si White G kanina pa kita binugbog gago ka!"
Nagulat si Ferrer sa narinig niya. Isang tao lang ang tumatawag ng ganun sa taong mahal niya. Si Jhaypee.
"Jhaypee? Blue Dragon? Teka? Paanong?!" Naguguluhang tanong nito sa kaharap.
"Ako nga. Grabe ka! Tsk. Wag mo kung maliitin dahil ang pangalawa sa pinakamagaling na grupo sa buong asia ay nasa harap mo. Hahaha ako ang leader nila. !" Tawa nito kahit alam niya sa sarili niya na masakit na katawan niya dahil sa dami ng natamo ng suntok at tadyak sa kaharap.
"Tangna! Ikaw pala yan!? Bat di mo agad sinabi!" Asar na tanong ni Ferrer kay Yero/Jhaypee/Blue Dragon
"Kung sinabi ko bubugbugin mo ba ako ng ganito? Haynaku ang hina mo rin talaga. Wag kang mag-alala magpapatalo naman talaga ako. Isang bagay lang ang sinisiguro ko"
"At ano naman yun?"
Nagtatakang tanong nito."Fight for her. Ayokong masaktan si white G gaya ng ginawa niya. Ayokong malaman niya ang lahat at masaktan siya. Kilala mo ako Sharp. Kilalang-kilala Higit pa sa alam ng lahat ang alam ko tungkol sayo. "
Kasabay ng pagsambit niya sa huling salita ay ang pagbagsak ng katawan nito. Naging maingay naman ang buong Battle ground. Dahil may nanalo na. At si Sharp yun ng Deluters."Gago ka talaga jhaypee!" Inakay nito si Jhaypee at lumabas sa pinto. Nagsidatingan naman ang mga kaibigan niya.
"Oh bakit dala mo yang si Yero?" Pagtatanong ni Fritz.
"Tingnan niyo kung sino nasa likod ng maskara niya, kayo na muna bahala diyan pagod ako. Matutulog na muna ako para mamaya."
Tumango naman ang lahat. At dahan-dahan tinanggal ni Fritz ang Maskara.
"Siya!" Sabay sabay nilang turan.
Fritz Pov's
Sobrang tagal na nila sa loob mahigit kalahating oras na. Pero hindi parin nahahanap ni Ferrer ang Yero na yun. Tsk. Takot ata.
Pero mas nagulat sila ng makita nilang simpleng nakaupo lang ito. Walang bakas ng takot sa mangyayari.
"Akalain mong umupo lang siya diyan at hinayaang hanapin si ni Matthew?"
"Tama ka diyan Ramel. Parang may mali. "
"Shut up please ang ingay niyong dalawa!"
Sino pa edi si Zeen teka asan si Jhaypee?
"Tsss. Yes boss. Pero teka nga asan si Jhaypee?" Tanong ko dito.
"Nagpapakabayani. Tssss " hindi ko siya naintindihan pero hinayaan ko nalang. Mas tinuon ko ang atensyon ko sa laban.
Bagsak na si Yero pero parang nag-uusap sila. Bakas sa mukha ni Ferrer ang Galit pero sa kalaunan ay napalitan ng Pagtataka at pag-aalala.
"Ano kaya nangyayari sa kanila?" Tanong ko kay Ramel.
"Di ko alam pero halika na palabas na siya. Tayo ang nanalo"
Tumango naman ako at sinalubong si Matthew. Pero teka bakit buhat niya si Yero? "Oh, bakit dala mo yang si Yero?" Nagtatakang tanong ko.
Tingnan niyo kung sino nasa likod ng maskara niya, kayo na muna bahala diyan pagod ako. Matutulog na muna ako para mamaya."
Tumango naman ang lahat. At dahan-dahan kung tinanggal ang Maskara.
"Siya!" Sabay sabay namin sigaw maliban kay Zeen. Mukhang alam niya. Ito ata yung sinasabi niyang nagpapakabayani. Pero teka? Diba ang hinahawakang grupo nitong si Jhaypee este Yero ay pangalawa sa pinakamalakas sa asia? Ibig sabihin?
"Guys iisa lang ba nasa isipan natin?" Tanong ni Dref
Tumango naman ang lahat.
"Naknang! Malakas pala ang Jhaypee este Yero na to! Wooaaah! Pero teka bakit buntot siya ng buntot kay Heaven?" Naguguluhang tanong ni Aljan. Kahit ako naguguluhan din sa nangyayari.
"Dahil Gusto niya" bored na sagot ni Zeen. Mukhang marami siyang alam ah?
"Buhatin niyo na siya at dalhin sa quarters natin para magamot. At ikaw naman Dref At kuya Harold puntahan niyo si Matthew. Teka wala bang balita kay Heaven?"
Lahat naman ay napayuko. Tsk asan na kaya siya sabi niya manunuod siya?Bahala nga siya.
--------------------------;------
A/NNairaos din ang chapter na ito. I'm sorry if hindi gaanong maganda di naman talaga ako magaling hehehe. ANyway Thank you guys. 15.3k reads sobrang natuwa ako dahil ang dami niyo palang nagbabasa. Thank you☺
BINABASA MO ANG
I'm HER STALKER. (EDITING)
FanficDestined to fall in love. Destined to get hurt. Destined to be in the darkness. Destined to die. It's written in the book of god but how will you fight against him? You can't WIN. Just precious the time and chance to have memories with her. Remembe...