KABANATA 6

17K 668 149
                                    

KABANATA 6:

Ilaria POV

          MAINGAT kong binitbit ang tinimpla kong mainit-init na kape para kay Kuya Samael. It's a black roast coffee that he drinks often. I'm actually the one who makes his coffee most of the time. Sakto lang naman ang lasa nito, hindi masyadong matapang at hindi rin naman nasosobrahan sa pait at tamis.

Pagpasok ko palang sa office library niya ay wala siya sa loob. Baka nandoon pa siya sa kwarto niya at hindi pa bumababa. Dito rin naman ang punta niya kaya diniretso ko na dito sa office library niya ang kape. Inilapag ko lang yung kape sa office desk niya. Aalis na sana ako nang may mahagip ang dalawa kong mata na nakapatong sa desk ni Kuya Samael.

Isa itong litrato.

Kunot-noo kong pinagkatitigan ang picture na yun. Hindi pa ako nakuntento at kinuha ko pa iyon para mas matignan ko ito ng maigi. Hindi ako maaaring magkamali. Ako ang batang nasa picture. Ako yung baby na nasa litrato na ito at mahahalatang nasa isang taon gulang na ako nito. Pero bakit buhat-buhat ako ng ibang babae at isa pang katulong?

"Amore mio?"

Agad akong napaangat ng ulo para tignan si Kuya Samael na biglang nagsalita. Hindi ko namalayan na nandito na pala siya sa office library niya. Napansin ko na napatingin pa siya sa litratong hawak-hawak ko.

"Kuya? Hindi ba't ako itong baby na nasa picture?" panimula kong katanungan bago ko ipinakita sa kanya itong hawak kong litrato.

Sigurado talaga ako na ako ang baby na nasa litrato. Kilala ko ang mukha ko at meron rin kasi akong mga baby picture na kagaya nitong nasa litrato, pero ang pinagkaibahan nga lang ay kasama ko sa mga pictures ay sila Mommy at Daddy, maski si Kuya Samael.

Naku-curious rin ako kung sino ba itong babae na buhat-buhat ako? Halata rin na katulong siya base na rin sa suot niyang damit. Ngunit hindi ko naman siya kilala.

"Yes, amore mio. Ikaw nga ang nasa picture," sagot ni Kuya bago siya humakbang palapit sa akin.

"Then, sino naman itong babae na buhat-buhat ako?" naka-kunot noo kong katanungan. Malalim pa muna siyang bumuntong-hininga bago niya kuhanin sa akin yung picture.

"Nothing. Isa lang siya sa mga naging katulong natin noon at nag-alaga sa atin nung baby ka palang. Nakita ko lang rin itong picture sa dating mga gamit nila Mommy," sagot niya kaya napatango-tango ako at hindi na lamang ako nagtanong pa. Baka nga siguro dati lang namin itong katulong nung baby palang ako.

"Anyway, hindi ka pa ba aalis? Sinabihan ko na ang family driver natin na ihatid ka sa pupuntahan mo. Hindi ba't magsha-shopping ka pa?" he asked.

Bigla ko namang naalala na aalis nga pala ako ngayon. I checked my wristwatch, 3PM na at almost ten minutes na rin akong late. The heck! Baka kanina pa naghihintay si Rosales sa akin doon sa meeting place namin.

"I gotta go, Kuya! Uuwi rin po ako agad!" nakangiti kong paalam sa kanya.

He just smiled and nodded his head at me.

"Careful, amore mio. You should go home before nightfall, okay?" paalala ni Kuya Samael sa akin.

Tango lang ang isinagot ko sa kanya.

Humalik lang ako sa pisngi ni Kuya bago ako nagmamadaling lumabas sa office library niya. Nagpahatid lang rin ako sa family driver namin hanggang sa tuluyan kaming nakaalis ng Mansyon.

Inabot lang ng ilang minuto hanggang sa pinahinto ko na lang kay manong driver yung kotse sa tabing gilid lang ng kalsada kung saan malapit lang rin doon yung clothing store. Ito yung store na alam ni Kuya Samael na pinagbibilihan ko ng mga damit.

IDLE DESIRE 8: THE MAFIA'S HIDDEN DESIRE (R-18) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon