KABANATA 40:
Ilaria POV
SAGLIT ko lang na sinulyapan si Samael, nagmamaneho siya ngayon habang ang isa niyang kamay ay nakahawak sa kamay ko. Kapag tinatangka ko naman na tanggalin ang kamay niya sa akin ay lalo lang niyang hinihigpitan ang pagkakahawak niya sa 'kin. Medyo nahihiya ako dahil nakaupo sa backseat si Nanay Dolores at tiyak na nakikita niya ang pagiging clingy nitong si Samael sa akin.
Actually, kanina pa siya ganito.
Panay ang hawak niya sa kamay ko, minsan naman ay may oras na nakalingkis ang braso niya sa beywang ko. Mula nang magkita kami ay hindi na talaga siya umaalis sa tabi ko. Kahit na pupunta lang ako sa banyo para umihi ay sasama pa siya para masigurado niyang safe ako.
And I know he's just scared.
He is afraid that I might suddenly disappear from his side again and he doesn't want that to happen again. He really just wants to make sure that no one will kidnap me again and take me away from him. Kaya heto siya ngayon, grabe ang pagiging clingy niya sa 'kin.
And ghad, I miss him!
Hindi ko tuloy maalis-alis ang pagkakatingin ko sa kanya. Ilang araw lang kaming nagkahiwalay pero feeling ko ay isang taon kaming hindi nagkita. Masaya ako at panatag na ako dahil nandito na siya at nahanap ako. Na-realize ko na genuine ang kanyang pagmamahal sa akin. Na gagawin niya talaga ang lahat para sa akin.
Oh ghad, I can't stop adoring him.
Just seeing him sitting next to me makes my heart beat faster. I know that I am really safe. Kampante na ako at hindi na ako natatakot. May tiwala kasi ako na hindi na hahayaan ni Samael na maulit ang nangyari sa 'kin, hindi siya papayag na may kumidnap na naman sa akin at ilayo ako sa kaniya.
Ngayon ay papunta na kami sa bahay ni Nanay Dolores. Napagpasyahan ko na lang kasi na dumiretso na lang kami roon at napag-usapan na rin namin kanina ni Samael na gusto kong mag-stay sa poder ng tunay kong ina.
Para na rin sa gano'n ay mas makilala ko siya, magkaroon kami ng quality time bilang mag-ina at syempre para na rin malaman ko lahat-lahat ng mga nangyari noon, lalo na kung bakit pinaampon niya ako.
Gusto ko rin kasi alamin kung bakit tila galit na galit si Nanay Dolores sa totoo kong ama kahit na ayaw niyang mapag-usapan ang ama ko. Kapag nagtatanong ako sa kaniya ay sinasabi lang niya na hindi mahalaga ang aking ama at hindi ko na rin siya dapat hanapin pa. Ewan ko kung bakit. Pero isa lang ang sigurado ako, galit siya sa ama ko at halata naman 'yon sa kaniya.
"Nagugutom ka ba? Sabihin mo lang sa 'kin, okay?" pagbasag ni Samael sa katahimikan.
Ngumiti ako, "Magugutom pa ba ako samantalang marami kang pinakain sa akin kanina bago tayo umalis ng hospital?" nakataas-kilay kong sabi.
Aba, marami kaya siyang pinakain sa akin kanina! Bumalik siya sa ward room ko na maraming dala-dalang mga pagkain. Hindi niya ako papayagan na ma-discharge hangga't hindi ko nauubos 'yung mga pagkain na binili niya kaya naman kinain ko na lang iyon para hindi na niya ako kulitin.
He chuckled, "Ayoko lang na nagugutom ang maganda kong asawa. At saka gusto ko na manumbalik ang lakas mo," sagot niya sa 'kin.
Ngumiti na lamang ako para itago ang aking kilig na nararamdaman. Saglit ko na tinignan si Nanay Dolores gamit ang rear-view mirror. She's sleeping. Kaya pala kanina ko pa napapansin na wala man lang siyang kahit na anong imik, 'yun pala ay nakatulog siya. Nakasandal ang kanyang ulo sa headrest at kapansin-pansin na parang pagod na pagod siya.
"Wala ba man lang tulog si Nanay Dolores?" pagtatanong ko kay Samael.
Saglit naman siyang tumingin kay Nanay Dolores gamit din ang rear-view mirror bago niya binalik ang kaniyang atensyon sa kalsada.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 8: THE MAFIA'S HIDDEN DESIRE (R-18) ✔
General FictionIDLE DESIRE 8: SAMAEL LAZARUS Nangako kay Ilaria ang Kuya Samael niya na kapag dumating siya sa edad na dalawampu't taon ay papayagan na siya nitong makipag-boyfriend. But she hid from him that she already had a boyfriend before she reached the age...