KABANATA 37

16.1K 618 177
                                    

KABANATA 37:

Ilaria POV

          WALANG imik kong pinagkatitigan ang puting kisame. Umaga na at hindi mawala-wala sa isipan ko ang mga sinabi nu'ng bwisit na Luca na 'yun! Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nalaman ko kagabi.

Luca is a psycho jerk, I shouldn't trust him.

Paano naman ako makakasiguro na magiging ligtas sina Kuya Palermo pati na rin si Emmeline kung sakaling pumayag ako sa kagustuhan niya? Binigyan niya naman ako ng time para makapag-isip ako sa kung ano ang magiging desisyon ko.

Kaya heto, iniisip ko kung ano ang pu-pwede kong gawin. Kung ano ang dapat kong gawin. Alam kong may pagbabanta ang mga sinabi ni Luca sa akin kagabi, hindi siya nagbibiro. Dalawang buhay ang nakasalalay sa magiging desisyon ko.

Magkamali lang ako ay tiyak na mapapahamak sina Kuya Palermo at Emmeline. But Luca left me no choice. Gusto niyang pumayag ako sa kagustuhan niya na sumunod ako sa lahat ng mga ipag-uutos niya sa'kin.

Sinulyapan ko ang nakasabit na orasan sa dingding, alas-diyes na ng umaga. Binalik nila ako rito sa bahay ni Luca kung saan ako dinala ni Rosales at ng mga kasama niyang mga alipores. Nilock ulit nila ako sa kwartong 'to para hindi ako makalabas o makatakas. Nagtataka lang ako kung nasaan ang bugok kong ex-boyfriend na 'yun!

Hindi namin kasi siya kasabay na umuwi rito kagabi. Tanging mga kasama ko lang na bumalik dito sa pesteng bahay na ito ay ang magkapatid na sina Scarlett at Vince. Hindi ko rin alam kung saan nagpunta ang Luca na 'yun.

Bigla na lang siyang umalis matapos naming mag-usap. Tsk, as if naman na may pakialam ako kung saan sila nagpunta. Sana nga ay hindi na sila bumalik. Sana hindi ko na sila makita!

Huminga ako ng malalim at nagpasyang bumangon na sa kama. Dumiretso ako sa closet para kumuha ng damit bago ako nagtungo sa banyo para makaligo na. I was taking a shower quietly while Emmeline was running through my mind.

I hope she's okay.

Talagang kagabi ko pa lang siya ipinagdarasal na sana ligtas siya at walang masamang mangyari sa kanya. Naaawa ako sa bata, hindi niya deserve na maging gano'n ang buhay niya. Naging kalbaryo ang buhay niya dahil sa walanghiyang tiyuhin niya na ginawa siyang pambayad utang.

Marami na siyang pinagdaanan. Pero bago ako umalis kagabi sa Spice Strip ay may iniwan akong bagay sa kanya. Isang kwintas na iniregalo noon ni Samael sa akin. Nangako rin ako sa kanya na babalikan ko siya pati na rin 'yung kwintas ko.

Nag-iwan ako sa kanya ng pangako na ilalabas ko siya sa mala-impyernong lugar na 'yun kahit na ano pa ang mangyari. Siya na ang lumapit sa akin para humingi ng tulong. Bilang babae na may puso ay syempre tutulungan ko siya sa abot na makakaya ko.

Bahala na! Nakapag-decide na ako. Hindi ko naman kayang makita na may masamang mangyari sa inosenteng kagaya ni Emmeline pati na rin si Kuya Palermo na hinahanap din ako. Kailangan ko lang magtiwala kay Samael.

Alam ko at nararamdaman kong mahahanap na niya ako. Narinig ko kagabi kay Luca na nagbigay ng malaking pabuya si Samael sa kung sinuman ang nakakaalam kung nasaan ako.

I sighed. Hindi ko naman sinasadya na mapatingin sa suot kong singsing. Ito 'yung singsing na ibinigay ni Samael sa akin. Oh ghad, namimiss ko na siya! Ilang araw ko pa lang siyang hindi nakikita, ilang araw pa lang kaming dalawa na nagkakahiwalay pero sobrang miss na miss ko na siya.

I just let my tears fall. If only he was here.

Hindi niya siguro hahayaan na magkaganito ako at namroblema. I hope he finds me as soon as possible. Sana magkita na kaming dalawa bago pa maisagawa ni Luca ang mga plano niya. Ginagamit na nila ako para mabaliw sa paghahanap sa akin si Samael.

IDLE DESIRE 8: THE MAFIA'S HIDDEN DESIRE (R-18) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon