KABANATA 36:
Ilaria POV
PARA akong nawalan ng lakas. Nanghihina ang dalawa kong tuhod sa nakikita ko sa mga sandaling ito. Si Domenico? Siya ang Boss nina Rosales? I can't believe it! Hindi naman siguro ako nananaginip ng gising, 'no?
Tama ang nakikita ko ngayon. Si Domenico nga! Ang tauhan ni Samael. Pero bakit siya nandito? Anong ginagawa niya rito? Bakit siya tinawag na Boss? Imposible naman na nandito siya para iligtas ako.
"Domenico? B-Bakit.." hindi ko magawang mabuo ang sasabihin ko. Hindi ako makapaniwala.
Binaba niya ang hawak niyang baril at sinuksok 'yun sa tagiliran niya bago siya naglakad papalapit sa akin. Ang mga taong naririto sa kwartong ito ay mga nakatayo at tila natatakot sa kanya. Kahit nga si Rosales ay nakikita kong takot sa kanya. Para bang nakikita ko sa kanya ang isang daga na tila bigla yatang nabahag ang buntot.
"Sorry if I'm late. Okay ka lang ba? Nasaktan ka ba nila? Just tell me." he asked me.
Naguguluhan ko siyang tinignan, "Ikaw? Ikaw ang Boss nina Rosales?"
Ngumiti siya at marahang tumango, "Ako nga. Pasensya na kung hindi ko agad nasabi sa'yo." aniya.
I inhaled nervously, "W-Why? B-Bakit mo ginagawa ito?" pagtatanong ko.
Hinayaan ko lang na nagsibagsakan ang mga luha ko. Nang mapansin niya ang pagluha ko ay pinunasan niya 'yon gamit ang daliri niya. Nagulat talaga ako, hindi ako makapaniwala na ang lalaking ito ang nag-utos kina Rosales para kidnapin ako at ilayo kay Samael.
Naalala ko naman bigla ang mga sinabi ni Samael sa akin. There is a traitor among his men. At siya? Siya ba ang traydor? Jusko po! Sana malaman ito ni Samael! Sana malaman niya kung sino ang nagta-traydor sa kanya! Pero palaisipan sa akin kung bakit ito ginagawa ni Domenico? May kasalanan bang nagawa si Samael sa kanya?
"I will explain, but not here." he said.
Sinenyasan niya ang mga bodyguards niya kaya lumapit sila sa akin. Hinatak na nila ako pero sa hindi marahas na paraan. Hindi katulad ni Vince na ang higpit ng pagkakahawak sa braso ko at nanunulak pa. Pero pinigilan ko sila at tinignan ko ang babae.
"Teka, 'yung babae.." sambit ko. Tumingin naman si Domenico sa babaeng iyon.
Mas lalo akong naawa dahil umiiyak pa rin siya at tila hindi makatingin ng diretso sa mga mata ni Domenico. Yakap niya ang kanyang sarili lalo na ang napunit niyang damit para hindi ito malaglag at hindi lumantad ang kanyang katawan.
"Sige na, lumabas ka na." utos niya.
Umiiyak namang tumango ang babaeng 'yon. Lumapit ako sa kanya at ramdam ko ang panginginig ng kanyang katawan dahil sa takot. Inakay ko siya para makalabas sa kwartong iyon.
"Shh, tama na. Huwag ka ng umiyak." pagpapatahan ko sa kanya.
Humihikbi siyang tumango sa akin, "S-Salamat po, Ate.." iyak niya.
Tipid lang na ngiti ang isinagot ko sa kanya. May kung ano rin na humaplos sa puso ko nang tawagin niya akong Ate. Ang sarap sa pakiramdam na magkaroon ng kapatid. Noon ay pangarap ko na maging isang Ate subalit maswerte pa rin ako na mayroon akong tumayong Kuya kahit na hindi kami tunay na magkapatid.
Naglalakad kami ngayon sa hallway habang nasa unahan at likod namin ang mga bodyguards na kasama ni Domenico. Tila ba parang pinoprotektahan nila ako. Or should I say they are watching over me para hindi ko sila matakasan?
Dinala nila kami sa isang kwarto na walang katao-tao. Hindi sumunod si Domenico sa amin, marahil ay nagpaiwan muna siya sa kwartong 'yun at para siguro kausapin sina Rosales.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 8: THE MAFIA'S HIDDEN DESIRE (R-18) ✔
General FictionIDLE DESIRE 8: SAMAEL LAZARUS Nangako kay Ilaria ang Kuya Samael niya na kapag dumating siya sa edad na dalawampu't taon ay papayagan na siya nitong makipag-boyfriend. But she hid from him that she already had a boyfriend before she reached the age...