KABANATA 10:
Ilaria POV
NAGMAMADALI akong tumakbo pababa sa hagdanan nang mabalitaan kong nandito na sa Mansyon si Manang Aming, ang matagal na naming katulong na talaga nga namang nanilbihan at nag-alaga sa amin ni Kuya Samael mula bata palang kami. Excited na talaga ako na makita at mayakap siya kaya naman tumakbo na ako para lang makarating ako agad sa ibaba.
Pagkadating ko sa sala, doon ay nakita ko ang isang matandang babae na nakatalikod at kitang-kita ko rin agad ang mga puti niyang buhok. May isang malaki ring itim na bag ang nakalapag sa sahig --- likod palang niya ay alam ko na agad kung sino siya.
Walang iba kundi si Manang Aming.
"Manang!" masaya at excited kong tawag sa kanya dahilan para lingunin niya ako.
"Jusko, ginoo! Ilaria, hija!" nakangiti niyang tawag sa'kin kaya lalong lumaki ang pagkakangiti ko.
Nang makalapit ako sa kanya ay agad ko siyang niyakap. Isang mahigpit na yakap. Grabe, namiss ko siya! Niyakap din niya ako bago ako ang unang kumalas sa pagkakayakap para matignan ko siya ng maayos. Bakas na talaga sa kanya ang katandaan at kitang-kita naman iyon sa kanyang balat maski sa kanyang buhok.
"Kamusta ka naman po, manang? Sobrang namiss po kita." nakangiti kong saad. Walang halong biro, namiss ko talaga siya.
"Heto, hija. Okay naman ako. Kahit may edad na ay malakas-lakas pa rin naman ako. Namiss ko rin kayo ng Kuya Samael mo," sagot niya bago siya ngumiti sa'kin at masuyong hinaplos ang aking kaliwang pisngi.
"Ikaw, hija? Kamusta ka naman dito? Kamusta kayo ng Kuya Samael mo? Wala naman bang masamang nangyari sa inyo nung umalis ako rito?" tanong niya bago niya ako pasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Aba, hindi ka pa naman ganyan katangkad nung huli kitang nakita. Hindi pa ganyan ang height mo nung umalis ako dito sa Mansyon ninyo. Ngayon ay dalagang-dalaga ka na, Ilaria. Mas gumanda ka pa lalo kaya tiyak na bantay-sarado ka na ni Samael dahil nakakasiguro ako na marami ang umaakyat ng ligaw sayo.." mahaba pa niyang sabi na tila namamangha pa siya dahilan para mahina akong matawa.
"Naku po, Manang! Anong maraming umaakyat ng ligaw?! Halos wala nga pong nagtatangkang manligaw sa'kin dahil sa takot nila kay Kuya." tila nagtatampo kong sagot sa kanya dahilan para tawanan niya ako.
"Parang hindi mo naman kilala ang Kuya Samael mo, hija. Kahit bata palang kayo ay todo bantay na siya sayo. Ayaw lang niya na mapahamak ang nag-iisa niyang prinsesa. Nangako siya sa magulang niyo na aalagaan at babantayan ka niya kaya ayaw niyang mabali ang pangako niyang iyon,"
Napangiti ako sa sinabi niya. She also really knows Kuya Samael. Alam na alam niya kung gaano ka-protective si Kuya sa'kin, mula bata kami hanggang sa ngayon. Kilalang-kilala nga rin ni Manang Aming ang ugali namin ni Kuya, lalo na kung ano ang mga ayaw at gusto namin.
"Tama ho kayo. Napaka-overprotective po talaga ni Kuya Samael sa akin. Kahit kailan ay hindi po talaga siya nagbago. Mas naging protective nga po siya ngayon sa'kin eh! May pagka-OA pa po siya minsan!" parang bata kong pagsusumbong kaya lalo niya akong tinawanan.
"Saka okay lang din po kaming dalawa ni Kuya rito. Hindi naman po niya ako pinapabayaan. He still remains the same as before, mas naging protective po siya pero hindi naman po ako nasasakal. Hinahayaan pa rin niya po ako na gawin kung ano ang gusto ko," dagdag ko pang sabi.
I'm telling the truth, even though Kuya Samael is overprotective, he still lets me do what I want. Never akong nasakal sa kanya. Kahit na siya ang palaging nasusunod dito sa bahay ay hinahayaan at binibigay naman niya kung ano ang mga gusto ko.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 8: THE MAFIA'S HIDDEN DESIRE (R-18) ✔
General FictionIDLE DESIRE 8: SAMAEL LAZARUS Nangako kay Ilaria ang Kuya Samael niya na kapag dumating siya sa edad na dalawampu't taon ay papayagan na siya nitong makipag-boyfriend. But she hid from him that she already had a boyfriend before she reached the age...