KABANATA 39

17.8K 622 130
                                    

KABANATA 39:

Ilaria POV

          "HINDI ko 'yon basta palalampasin. They deserve to be punished. I will let them know that they fought with the wrong person. That the beast inside me is evil and should not be provoked." anas ni Samael habang ang mga mata niya ay nandidilim.

I knew he wasn't kidding me. Napalunok ako sa takot dahil parang handa na siyang makapatay ng tao at tila ba parang may demonyo ngang nakakubli sa kanya na animo'y hindi dapat ginigising. He is serious, the heck!

Kahit ako ay hindi ko maiwasan na matakot at kilabutan sa kanya. Kapag ganito pa naman na nagbibitaw siya ng salita ay alam kong hindi siya nagbibiro. Totohanin niya talaga kung ano ang mga lumalabas sa bibig niya.

"T-Teka, s-saan mo ba sila dinala?" utal ko.

"They are on the battle ground," he replied.

Medyo naguluhan ako roon.

Unang beses ko kasi na marinig iyon. Battle ground? Ano 'yun? Lugar ba iyon? Mukhang nakita ni Samael ang ekspresyon sa aking mukha na nagtataka ako at hindi ko na-gets ang sinabi niya.

"An underground owned by the Lazarus and we built that battle ground in different countries. We bring to the battle ground those who have committed sin against us, especially 'yung mga taong mas masahol pa sa hayop ang pag-uugali.." aniya.

"There is an arena in that underground where people fight for their lives. They will face a deadly and bloody battle if they want to be freed. Hindi namin basta pinapaslang ang mga demonyong 'yun, We built the battle ground so that those people can also taste the pain and suffering they caused to other people. We also torture them there, kaya dinala namin doon sina Luca at si Rosales, pati na rin ang magkapatid na tinutukoy mo." he explained.

Naintindihan ko naman ang mga sinabi niya. Ibig sabihin ay dinala nila sina Luca at Rosales doon? Pati na rin ang magkapatid na sina Vince at Scarlett? Maybe they are now being punished and tortured, and they have tasted their own karma because of what they did. Si Samael na nga mismo ang nagsabi sa 'kin, dinadala sa battle ground na 'yon ang mga taong dapat maparusahan at magdusa.

Siguro nga ang isa sa mga kahinaan ko ay ang mabilis akong makaramdam ng awa at masyado akong mabait. Kahit na isa ang magkapatid na 'yun na nakagawa ng kasalanan sa akin ay tinulungan pa rin nila akong makatakas.

Kung hindi dahil sa kanila, baka hawak pa rin ako hanggang ngayon ni Luca. Baka siguro hindi ako nakatakas at worst ay baka dinala pa niya ako sa pinaka-malayong lugar na hindi basta-basta agad mahahanap ni Samael.

"Pero pwede bang huwag niyo masyadong pahirapan ang magkapatid na sina Vince at Scarlett? They helped me to escape," nag-aalinlangan kong tanong kay Samael.

He firmly shook his head.

"No, my kitty. They still make mistakes. Nakagawa pa rin sila ng kasalanan. Sa tingin mo ba kung hindi namin hawak si Rosales ay magagawa ka nilang tulungan na makatakas? No, they did that because they had no choice. They were only able to help you escape to exchange you for Rosales.." sagot niya.

Well, he has a point.

"Kagaya ng sabi ko kanina, hindi ko 'yon basta palalampasin kaya mapaparusahan pa rin sila. I will do everything to make them repent. Kung hindi nila kayang tumino o magbago, pwes kailangan nilang maputulan ng sungay at buntot para magsisi sila." sagot niya sa galit na boses kaya napabuntong-hininga na lamang ako.

I think wala na akong magagawa pa.

Talagang gagawin niya kung ano ang sa tingin niyang tama, kung ano ang nararapat at mas lalong kung ano ang gusto niya. Na-gets ko rin naman ang gusto niyang ipunto at tama naman ang sinabi ni Samael kaya naman hindi na ako tumutol pa.

IDLE DESIRE 8: THE MAFIA'S HIDDEN DESIRE (R-18) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon