KABANATA 46:
Ilaria POV
KWINTAS. Iyon ang nagsisilbing hawak na lead nina Samael at ang mga tauhan niya para mahanap kung nasaan si Emmeline dahil wala naman kaming kahit na anong litrato niya para maging madali ang paghahanap sa kaniya.
Ang kwintas na ibinigay ni Samael sa akin noon na iniwan ko naman kay Emmeline at nangako kong kukunin ko 'yun kapag binalikan ko na siya.
Ginamit na rin ni Samael ang koneksyon niya at nagbigay na rin siya ng malaking pabuya sa makakahanap sa dalaga pero sadya nga yatang dinala si Emmeline sa malayong lugar na hindi namin agad basta mahahanap.
Masyado rin nagmamatigas si Luca at ang mga tauhan niya dahil pare-pareho ang mga ito na hindi nagsasalita. Ayaw nilang umamin kung saan nila dinala si Emmeline.
Sobra na akong nag-aalala sa kaniya.
Iniisip ko kung saan ba talaga siya dinala, kung ligtas ba siya, kung nakakakain ba siya at nakakatulog ng mahimbing. Nangako pa naman ako kay Emmeline na tutulungan ko siyang makalabas sa mala-impyernong lugar na 'yun at ayokong baliin ang pangakong binitawan ko sa kaniya pero ito naman ang nangyari.
She is nowhere to be found. Talagang balak ni Luca na pahirapan kami sa paghahanap kay Emmeline kahit na anong pagpapahirap pa ang gawin sa kaniya ni Samael. That asshole, he is still there in the battle ground and is being tortured with his men.
Kailangan gawin 'yon ni Samael para mapaamin siya subalit masyadong matigas ang ulo ni Luca. He would probably rather die than admit to us where Emmeline is.
Pero hindi kami titigil hangga't hindi namin siya nahahanap. Pero umaasa ako at pinapanalangin ko na sana kapag nahanap namin siya ay ayos lang siya at buhay.
Huminga ako ng malalim at tinignan ang mga bata na nasa sala. Wala silang pasok ngayon pero maaga silang nagsigising para maghanda dahil balak namin ngayon na magpunta sa bayan para mamalengke.
Dapat kami lang dalawa ni Nanay Dolores ang pupunta sa bayan pero gustong sumama ng mga bata kaya isasama na lang namin sila.
Halos isang linggo na rin pala ang nakakalipas mula nang dito ako manirahan sa bahay ni Nanay Dolores. Sobrang bilis ng oras, parang kailan lang no'ng makidnap ako.
Habang tumatagal ay mas lalo akong napapalapit sa tunay kong ina. Mas lalo ko rin siyang nakikilala. Lahat ng mga nalalaman niya ay sinabi niya sa 'kin lalo na ang tungkol sa totoo kong ama na isang Cardinal.
Pati ang mga tinago niyang mga pictures ko na kasama siya noong baby pa lang ako ay ipinakita niya sa 'kin, maski 'yung mga litrato niya na kasama sina Mommy Larisa at Daddy Maximo.
Nakakatuwa lang din dahil may litrato rin si Nanay Dolores na kasama si Samael no'ng bata pa lang siya. Pinakita rin niya sa amin 'yung papeles na magpapatunay na pinaampon niya ako sa mga Lazarus, and I know the real reason kung bakit niya ako pinaampon. And I understand her. Natakot si nanay, una niyang inisip ang kaligtasan ko kaya nagawa niya 'yun,
Sabagay, isa rin palang Mafia ang aking ama kaya natatakot si Nanay Dolores na baka kunin ako ng tunay kong ama at magaya ako sa kaniya --- na maging masama.
Napapaisip tuloy ako kung ano nga ba ang hitsura niya dahil lahat ng mga tinagong pictures ni Nanay Dolores na kasama ang aking ama ay sinunog na niya.
Pero ayon kay nanay, kamukha ko raw ang ama ko lalo na pagdating sa aming mata at tangos ng ilong. Hanggang ngayon nga ay hindi pa rin ako lubos makapaniwala na may dugo akong Cardinal.
Pero naku-curious ako at hindi ko rin maiwasang mapatanong. Does my real father know about me? That I'm his daughter? Ewan, hindi ko alam. Ang mahalaga lang naman sa akin ngayon ay kasama ko ang aking ina at si Samael.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 8: THE MAFIA'S HIDDEN DESIRE (R-18) ✔
General FictionIDLE DESIRE 8: SAMAEL LAZARUS Nangako kay Ilaria ang Kuya Samael niya na kapag dumating siya sa edad na dalawampu't taon ay papayagan na siya nitong makipag-boyfriend. But she hid from him that she already had a boyfriend before she reached the age...