KABANATA 27

17.2K 688 155
                                    

KABANATA 27:

Ilaria POV

          NAGPASALAMAT lang ako kay Domenico nang ligtas niya akong maihatid. Syempre dumaan kami sa likod ng Mansyon at nakahinga ako ng maluwag dahil walang nakakita sa akin hanggang sa makaakyat na ako sa itaas at matiwasay na nakarating sa kwarto namin ni Samael.

Ngunit rumehistro ang pagtataka sa aking mukha nang maabutan kong nakapatay lahat ng ilaw rito sa kwarto samantalang iniwan ko naman itong nakabukas kanina bago ako umalis.

Kinapa ko ang switch ng ilaw at bubuksan ko na sana ito subalit may nahagip ang dalawa kong mata dahilan para hindi ko matuloy na isindi ang ilaw. Napalunok ako sa kaba. My ghad! Akala ko ay ligtas na ako, pero nagkakamali ako. Mukhang sabon na naman ang abot ko nito.

"Saan ka galing?"

Ang kanyang seryoso at malalim na boses ay nagpanindig balahibo sa'kin. Samael was there, sitting on the single sofa. Hindi ko alam na nakabalik na siya at mas nauna na pala siyang nakauwi kaysa sa akin.

Kahit may kadiliman sa buong kwarto ay nakikita ko pa rin siya dahil sa liwanag na nanggagaling sa malaking buwan pati na rin ang mga ilaw na nasa labas na malayang nakakapasok gamit ang bintana dahil nakasiwang ng kaonti ang kurtina. Idagdag pa na nakabukas ang pintuan sa balkonahe kaya malayang nakakapasok ang malamig na hangin.

Sinara at nilock ko ang pinto kahit na kinakabahan ako ng bonggang-bongga. Malinaw ko rin na nakikita ang inis na expression sa kanyang gwapong mukha hanggang sa dumapo sa'kin ang kanyang mata na malamig kung tumingin.

"I'm asking you. Saan ka galing?" he asked again.

Sobrang lamig ng kanyang boses. Hindi ko tuloy mawari kung galit ba siya. I nervously gulped again. Kapag ganito pa naman na malamig ang boses niya ay talagang kakabahan ako. Lalo na't naabutan niya akong wala rito sa Mansyon.

"L-Lumabas lang ako.." nauutal kong sagot sa kanya. Nakatayo lang ako rito malapit sa pinto at hindi ko tinangkang lumapit sa kanya.

"Lumabas?" he raised one eyebrow.

"What did I tell you earlier?! You are fucking grounded and you fucking clearly heard me earlier that you are not fucking allowed to leave the Mansion without me!"

Halos mapatalon naman ako nang sumigaw siya. May diin din ang bawat salitang binibitawan niya kaya hindi ko maiwasang makadama ng takot. He was angry and I could feel it in the tone of his voice. At aminado naman ako na kasalanan ko dahil hindi ako nakikinig sa kanya. Matigas kasi talaga ang ulo ko. He yelled at me and I deserved it.

"Fucking shit! Your stubbornness is getting too much!" he shouted angrily.

Napayuko ako at pinilit kong huwag maging emosyonal dahil ito ang unang beses na mapagtaasan niya ako ng boses. Pero kasalanan ko rin naman kasi talaga. Lumabas ako kahit na grounded ako at pinagbawalan niya akong lumabas ng Mansyon.

"Tell me, is it hard for you to listen to me and obey me even once? Just once, Ilaria! I'm only doing this for your safety dahil ayokong mapahamak ka at may masamang mangyari sa'yo, but you're not listening! Ngayon lang naman ako naghigpit sayo ng ganito at hinahayaan ko noon na gawin mo kung ano ang gusto mo. But fuck!" he cursed and I was surprised when he angrily dropped the glass he was holding on the coffee table.

Sa sobrang lakas 'non ay nabasag ang baso na may laman pa na alak. I saw that there was blood on his hand. Tumulo pa 'yon kaya naman nataranta ako at dali-dali ko siyang nilapitan. Kinuha ko ang kamay niya at chineck ko naman agad iyon. Tama nga ako, dugo nga niya 'yon. Nasugatan ang kamay niya dahil sa basong nabasag at meron pang maliliit na bubog na nakabaon sa palad niya.

IDLE DESIRE 8: THE MAFIA'S HIDDEN DESIRE (R-18) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon