KABANATA 17:
Ilaria POV
PANIBAGONG araw na naman at mataas na rin ang tirik ng araw sa labas. Late na ako nagising sa kadahilanan na hindi ako agad nakatulog kagabi dulot ng mga iniisip ko tungkol kay Kuya Samael.
Binabagabag ako, pakiramdam ko ay may napapansin na yata si Kuya tungkol sa'min ni Rosales pero wala akong kasiguraduhan kung may alam na nga ba siya.
Pero mukhang wala naman dahil kung alam na niya na may namamagitan sa amin ng private tutor ko, edi sana kinompronta na niya ako kagabi palang at pinagalitan na rin niya sana ako dahil hindi ako sumunod sa napag-usapan naming dalawa.
Ngunit umaasa pa rin naman ako na sana ay wala pa munang alam si Kuya. Gusto ko na ako mismo ang magsasabi sa kanya ng totoo. Sana maging okay rin ang lahat kapag sinabi ko na sa kanyang may nobyo na ako.
Ginawa ko naman agad ang morning routine ko. Naligo agad ako at naghanda. Alas-diyes pa naman ang start ng pagtu-tutor ni Rosales sa'kin kaya ayos lang kahit na nalate ako ng gising.
After kong gawin lahat ng routine ko at nakapag-ayos na ako ng sarili ko ay agad lang din akong lumabas ng kwarto ko bitbit ang mga gamit ko para naman sa gayun ay hindi na ako aakyat sa itaas para kunin ang mga gamit ko kung sakali na dumating na si Rosales.
Pababa pa lang ako sa hagdanan nang makita ko agad sa sala sina Kuya Samael at Manang Aming na nag-uusap. Napansin ko rin ang lalaking assistant slash secretary ni Kuya Samael na madalas niyang inuutusan sa lahat ng mga bagay-bagay. Nakatayo ang lalaking 'yon sa harapan niya at tila may pinag-uutos na naman yata si Kuya sa kanya.
I still don't know his name.
Dahil lahat ng mga tauhan ni Kuya rito ay never nakikipag-usap sa'kin at natatakot sila kay Kuya Samael. Alam kasi nila na ayaw ni Kuya na nakikipaglapit ako sa ibang mga lalaki lalo na sa mga tauhan niya kaya naman todo ilag sa akin ang mga nagtatrabaho sa kanya.
Kung makaiwas nga silang lahat sa akin ay para akong may nakakahawang sakit. Ang matignan nga nila ako ng diretso sa aking mata ay hindi na nila magawa, ang makausap pa kaya ako?
He is strict and they must not violate Kuya Samael's rules no matter what. Natatakot siguro sila na magalit si Kuya kaya mas mabuti na rin ang sumunod na lang sila at huwag lumabag sa kanyang rules.
"You already know what to do. Alam mo na rin kung saan at kung kanino mo ipapadala lahat ng mga 'yan. Do you understand?" rinig kong seryosong salita ni Kuya Samael nang tuluyan akong makababa sa hagdan.
"Yes, Don Samael." seryosong sagot ng assistant niya.
Tinignan ko kung ano ang inabot niya sa assistant niya, mga itim na envelope 'yon na hindi gaanong kalakihan at may magaganda itong desinyo. Para ba'ng sinadya na ipagawa ang envelope na 'yon pero hindi ko alam kung ano ang laman 'non.
"Okay, you may leave now. Bumalik ka agad, may ipag-uutos pa ako sayo." Ani Kuya Samael. His assistant bowed his head slightly before he left, para gawin kung ano man ang ipinag-uutos ng Kuya ko sa kanya.
"Ikaw pala, hija. Buti naman ay gising ka na." salita ni Manang Aming nang mapansin niya sa wakas ang presensya ko.
May hawak-hawak din siyang envelope kagaya 'nong binigay ni Kuya sa assistant niya. Nilingon naman ako ni Kuya Samael kaya lumapit ako sa kanya. He pulled my waist closer to his body and kissed my cheeks.
"Morning, gorgeous." nakangiting bati niya na nagpangiti sa'kin.
"Good morning din," bati ko pabalik, "Ano pala 'yang nasa envelope, Kuya?" at nginuso ko ang iba pang envelope na hawak niya.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 8: THE MAFIA'S HIDDEN DESIRE (R-18) ✔
General FictionIDLE DESIRE 8: SAMAEL LAZARUS Nangako kay Ilaria ang Kuya Samael niya na kapag dumating siya sa edad na dalawampu't taon ay papayagan na siya nitong makipag-boyfriend. But she hid from him that she already had a boyfriend before she reached the age...