KABANATA 16

14.7K 589 166
                                    

KABANATA 16:

Ilaria POV

          MABILIS lang na lumipas ang oras at sumapit na naman ang gabi. Natapos na rin ang pagtu-tutor ni Rosales sa akin. Ang talino niya kaya marami na naman akong natutunan sa mga tinuro niya sa'kin ngayong araw, pero nag-iwan na naman siya ng homework na gagawin ko rin agad mamaya.

Nang makapagpaalam na siyang uuwi na ay saka naman ako dumiretso papasok sa loob ng kwarto ko. Hindi ko alam kung nasaan si Kuya Samael, hindi ko rin naman siya dinaanan sa office library niya dahil baka wala lang akong maabutan doon.

Hindi ko rin naman napansin ang mga tauhan ni Kuya Palermo na kasama niyang nagpunta rito sa Mansyon kanina, pero baka umalis na sila kanina pa after silang i-meeting ni Kuya Samael.

Pagod ko lang na inilapag ang mga gamit ko sa study table ko nang makapasok na ako sa aking kwarto. Ngunit natigilan ako nang mapansin ko na may papel na nahulog sa lapag galing sa libro ko. Kinuha ko naman agad 'yon at nakita kong may nakasulat sa papel.

'Hi, beautiful! Don't forget to eat your dinner and always remember that I love you!' --- From your poging boyfriend.

Kusang gumuhit ang matamis na ngiti sa aking labi nang mabasa ko 'yon. It is obvious that this is Rosales' handwriting. Alam ko na sa kanya galing itong papel. Hindi ko tuloy napigilan na kiligin na parang kiti-kiti.

Talagang naisipan pa niyang mag-iwan ng sulat at sinadya pa niya itong iipit sa libro ko. Hindi talaga siya pumalya sa pagpapakilig sa'kin. Huling-huli niya ang kiliti ko.

Mabilis ko namang isiniksik ang papel na 'yon sa libro ko nang marinig kong may mahihinang katok sa labas ng pintuan ng kwarto ko. Agad ko rin namang pinagbuksan ng pinto para alamin kung sino ang kumakatok.

"Ikaw po pala, manang.." sambit ko nang mabungaran ko si Manang Aming at siya lang pala itong kumakatok.

Ngumiti siya, "Busy ka ba, hija?" she asked.

Umiling naman ako, "Hindi naman po, manang. Bakit ho? May kailangan po ba kayo?" taka kong tanong.

"Pwede ba tayong mag-usap saglit, hija?"

Hindi ko maiwasang magtaka. Mukhang gusto niya akong makausap dahil bigla na lamang sumeryoso ang mukha niya. Ano naman kaya ang pag-uusapan naming dalawa? Kahit na nagtataka ay nagawa ko pa rin siyang tanguan.

"Err, sige po, manang. Pasok po kayo,"

Niluwagan ko ang pinto bilang pag-anyaya na pumasok siya rito sa loob. Hindi naman agad nagdalawang-isip na pumasok si Manang sa kwarto ko bago ko isinara at nilock ang pinto. Pinaupo ko rin siya sa sofa na mayroon ako rito sa kwarto ko.

"Ano po ba'ng gusto niyong pag-usapan natin, manang?" tanong ko nang makaupo ako sa katapat niyang upuan.

Huminga siya ng malalim, "Tungkol sa bagong private tutor mo, hija.." aniya kaya nagkasalubong ang dalawa kong kilay.

Si Rosales? What about him? Bakit naman gusto ni Manang Aming na mapag-usapan naming dalawa ang tungkol sa boyfriend ko? Takte, hindi ko tuloy mapigilan na balutin ng kaba. Idagdag pa na ang seryoso ng mukha niya.

"Bakit po? A-Ano po ba'ng meron sa private tutor ko? May p-problema po ba kayo sa kanya?" naguguluhan ngunit mahinahon kong katanungan sa kanya.

"Umamin ka nga, may namamagitan ba sa inyong dalawa ng bagong private tutor mo? Kilala kita, hija kaya huwag kang magtatangkang magsinungaling sa akin," diretso niyang sabi kaya tuluyang sinakluban ng kaba ang dibdib ko.

"Magsabi ka sa'kin ng totoo," turan niya pa.

Hindi rin ako agad nakapagsalita.

Mariin lang na nakatingin si Manang Aming sa'kin, naghihintay sa isasagot ko. Nagsimula na rin akong hindi mapakali sa kinauupuan ko. May napapansin na kaya si Manang? May alam na kaya siya tungkol sa'min ni Rosales? Na boyfriend ko ang private tutor ko?

IDLE DESIRE 8: THE MAFIA'S HIDDEN DESIRE (R-18) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon